Chapter 8: Ikaw parin
ILANG BUWAN NA ang lumipas mula nung graduation. English teacher na ako sa isang university. Si Jo naman choreographer sa isang company. Medyo nagiging busy na din kami pero kahit ganon, may time parin naman kami para sa isa't isa.
Today is another special day. It's Jo's birthday. Nag-plano ako ng surprise birthday party para kay Jo, ka-kontsaba ko dito ang mommy at daddy niya.
Umaga lang ang oras ng pag-tuturo ko kaya nandito ako ngayon sa bahay nila Jo para tumulong mag-ayos para sa surprise sa kanya. Tumutulong din si Tita at Kuya John, si Tito naman ay nasa trabaho pa.
Hours later, na-tapos na kami sa pag-aayos. Sinimulan na namin ang prank kay Jo. Tinawagan ni Tita si Jo.
"Josh anak, where are you? Si Joshiephine..."
Naka-loud speaker ang cellphone kaya naririnig ko kung anong sinasabi ni Jo.
"Anong nangyari ma? Nasaan kayo? Pupuntahan ko agad kayo." halata na ang pag-aalala s aboses niya.
"Nandito lang siya sa bahay para tumulong sa mga ginagawa ko dito, bigla nalang siyang nawalan ng malay. Pumunta ka na agad dito anak."
"Ano?! Uuwi na agad ako."
Halata sa boses ni Jo ang pag-aalala. Medyo na konsensiya tuloy ako. Nag thumbs-up naman si Tita at pinatay na ang call. Medyo madilim na dahil pa-gabi na. Pinatay namin ang mga ilaw at nag-tago sa pinag-usapan naming lugar. Maya-maya pa ay narinig namin ang pag-dating ng isang kotse, nag-handa na kaming lahat.
"Mommy?! Jhe?!" nag-tataka niyang nilibot ang mata niya sa buong bahay.
"Happy Birthday!"
Sabay-sabay kaming sumigaw at lumabas sa kanya-kanya naming pinag-tataguan. Huminga naman siya ng malalim, nakita ko ang mga luhang nangingilid sa mga mata niya.
"Happy birthday anak." bati ni Tita.
Isa isa kaming lumapit kay Jo. Nauna na si Tita at niyakap niya si Jo.
"Hindi niyo na kailangang gawin 'yon Ma. Sobra akong nag-alala."
Bahagya namang natawa si Tita.
"Sorry anak. Gusto ka lang namin surpresahin. Happy birthday anak kong gwapo!"
"Well, sobra akong na-surprise. Thank you Ma."
Niyakap nila ulit ang isa't isa. Binati din siya ni Kuya John, sumunod si Jhenny at ako.
"Happy birthday Jo."
Wala siyang sinabi kahit isang salita. Basta niyakap nalang niya ako.
"Akala ko may nangyari nang masama sayo."
Niyakap ko din siya pa-balik.
"Sorry kung nag-alala ka pa dahil sakin. Happy birthday Jo."
Umalis na kami sa yakap ngunit naka palibot ang kamay niya sa bewang ko.
"Regalo ko sayo."
In-abot ko ang isang di kalakihang box sa kanya pero hindi niya ito kinuha.
"Ayaw mo ba?" tanong ko.
"Ikaw na ang pinaka-magandang regalo na natanggap ko sa buong buhay ko."
Sobra akong natuwa dahil sa sinabi niya. Nakalimutan kong nandito nga pala ang pamilya niya. Nakakahiya.
"Tara na, kain na tayo. Maraming niluto si Tita para sayo." aya ko.
Nag-lakad na kami pa-punta sa lamesa para kumain. Katulad ng dati, si Kuya John ulit ang kumuha ng cake. Kinantahan namin siya ng birthday song at hinipan na niya ang kandila.
BINABASA MO ANG
Mahal Kita, Pero •SB19 JOSH• [COMPLETED]
Fanfiction[SB19 Series #1 | JOSH FAN FICTION | Completed] You were my best friend, my lover, my life, my everything. Nagkaroon ng silbi ang buhay ko dahil sa'yo. I loved you since high school, and I still love you 'till now. Hinding hindi kita malilimutan...