CHAPTER 14: Alaala

428 26 3
                                    

Chapter 14: Alaala

ISANG BUWAN na ang naka-lipas. Magaling na ako at naka-labas na ako sa ospital, ngunit kakaunti parin ang mga na-aalala ko. Kasama ko sa bahay si JJ at nakikita ko namang mabait at mapag-mahal siyang kapatid sa akin. Ano kayang istorya ng buhay ko?

Nag-libot ako sa buong kwarto ko. Maliit ito ngunit malinis at maaryos naman. Nasa gilid ako ng kama ko nang may ma-bunggo ang paa ko sa ilalim ng kama. Agad ko itong tinignan, isang box na kahoy, may lagayan ng kandado ngunit wala itong padlock.

Out of curiosity, binuksan ko ito. Tumambad sa akin ang napaka-daming pictures at isang notebook, more specifically, a diary. Nilapag ko muna ang diary sa higaan ko at isa isang tinignan ang mga picture. Dalawang tao lang ang nandito sa mga picture na ito, ako at yung lalaking hanggang ngayon ay hindi ko parin alam ang pangalan.

Sobrang dami ng litrato namin, may picture na siguro graduation namin, picture dito sa bahay, at kung saan saan pa. Sino ka ba talaga? Sa tingin ko isa siya sa mga malapit na tao sa akin.

Tinititigan ko ang litrato naming dalawa nang may biglang kumatok sa pinto. Nilagay ko ito sa bulsa ko at ibinalik ang diary sa kahon at nilagay ulit ito sa ilalim. Binuksan ko ang pinto at nakita kong naka-tayo sa labas si JJ.

"Ate, may nag-hahanap sayo."

Hindi na ako nag-tanong, tinanguan ko nalang siya at bumaba na ako para makita kung sino ang nag-hahanap sakin.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Diba sabi ko sayo tutulungan kitang maka-alala? Tara na. Aalis tayo."

Napa-isip pa ako kung susundin ko ba siya. Nag-tiwala nalang ako sa kaniya. Bumalik ako sa kwarto ko at nag-bihis. Hindi ko na pinalitan ang suot kong pantalon, nag-suot nalang ako ng red and white na stripe na crop top. Kinuha ko ang cellphone at wallet ko at nilagay ito sa bag ko tsaka bumaba na.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko ulit.

Nginitian lang niya ko. "Tara na. Mauna na kmi JJ."

Lumabas na siya matapos mag-paalam kay JJ.

"Sige alis muna kami. Ingat ka dito sa bahay ah, wag hahayaang naka-bukas yung mga gamit pag hindi ginagamit, kumain ka na din, i-lock mo lagi yung pinto--"

"Ate, thank you sa pagiging concern. Kaya ko na yung sarili ko, sige na, nag-hihintay si Kuya sa labas."

Nang makapag-paalam ako ay lumabas na ako at sumakay sa kotse ni Josh.

"Paano mo nga pala akong ma-tutulungang maka-alala ulit?" tanong ko nananaman. Napaka-dami kong tanong.

"Ipapa-alala ko sa'yo mula sa simula." sagot niya.

Bumiyahe kami ng di kalayuan, dumating kami sa isang paaralan. Pumasok na kami dito at nag-libot.

"Dito tayo nag-aaral dati. Dito yung room natin." sambit niya.

Kumunot nanaman ang noo ko. "Tayo? Natin?"

Tumango nalang siya. Tinignan ko ang room, may nag-kaklase pa sa mga oras na 'to.

Tama siya, na-aalala ko nga. Lagi akong late noon, at minsan pa akong napa-tayo ng matagal sa harap dagil hindi ko na-sagutan yung math equation.

Nag patuloy na kami sa pag-lalakad. Nasa hallway kami ngayon, wala masyadong tao dahil ang mga estudyante ay nasa kanikanilang room.

"Hindi mo lang na-aalala pero isa sa pinaka-memorable na lugar ito para sakin." medyo ngumiti pa siya.

"Hallway?"

Mahal Kita, Pero •SB19 JOSH• [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon