EPILOGUE: Hardest 'I Love You'

747 35 31
                                    

EPILOGUE: Hardest 'I Love You'

THIS IS IT. Eto na yon. Ang pinaka-hihintay kong araw. Ang araw kung saan masasabi ko nang akin na talaga si Jo. Ang araw na mag-iisang dibdib kami. Ang araw na magiging isa na kong ganap na Mrs. Santos.

Hapon pa ang kasal namin kaya medyo marami pang oras para mag-ayos. Sa bahay nila Jo kami mag-istay. Kaya maaga akong naligo. Mag-kasabay kaming pumunta ni JJ sa bahay nila Jo.

Nang maka-rating na kami doon ay agad kaming sinalubong ni Tita, mukang nag-hahanda na din sila. Sapat ang laki ng bahay nila Jo para pag-bihisan ng lahat ng mga aabay. Ang kwarto nila Tita at Tito ay para sa mga babae at ang kwarto ni Jo ay para sa mga lalaki.

Nang pumasok ako sa kwarto ay nadatnan ko ang isang napaka gandang wedding gown. Kulay puti ito na may halong royal blue. I can't wait to wear this.

Hindi ko pa nakikita si Jo. Baka may ginagawa lang. Hindi na ako nag-abalang mag-tanong kung meron siya dahil baka busy, lahat naman ng tao dito ay may ginagawa.

Narinig kong tumunog ang door knob, tinignan ko kung sino ang pumasok.

"Ate Jhe."

"Oh Jhenny, bakit?"

Nag-lakad siya palapit sakin. Umupo siya sa tabi ko.

"Ang ganda po non."

Tinuro niya ang wedding gown. Tingin ko kanina pa niya ito pinag-mamasdan.

"Gusto mo din bang mag-suot ng ganyan?"

Tumango nalang siya bilang pag-sagot.

"Pag-laki mo at nahanap mo na ang prince charming mo, mag-susuot ka din ng ganyan."

"Ano po yung prince charming?" inosente nitong tanong.

Hinawi ko ang buhok niya. "Parang kami lang ng Tito Josh mo. Ako yung princess, siya naman yung prince. Yung prince ang laging nag-tatanggol sa princess. Siya din yung nag-papasaya lagi sa princess. At ginagawa ng prince ang lahat para sa princess niya."

Tumango nalang siya ulit bilang sagot. Kinandong ko siya at niyakap. Napa-hawak ako sa tiyan ko. Ano kayang feeling ng mahawakan, mayakap at mahalikan ang sarili kong anak? Stay ka lang diyan baby, hihintayin ka namin.

"Sabi po ni Mama La may baby daw po sa tiyan mo."

Tumango nalang ako at nginitian siya. Hinawakan niya ang tiyan ko.

"Bakit niyo po kinain yung baby? Kawawa naman po."

Natuwa naman ako dahil sa sinabi niya.

"Hindi ko kinain yung baby. Pag-laki mo maiintindihan mo din." I said.

"Gusto ko na pong lumaki."

Niyakap ko siya ulit. Napa-mahal na talaga ako sa batang 'to. Excited na tuloy akong magka-anak.

"Tara labas na tayo." aya ko.

Tumayo na kami at hinawakan ko ang kamay niya pa-labas sa kwarto. Saktong pag-labas namin ay sumalubong sa amin si Jo. Medyo naka-ayos na siya.

"Jo."

Parang hindi siya mapakali. Hindi rin siya maka-tingin ng diretso sa akin.

"Bakit? May problema ba?" alala kong tanong.

Hinawakan ko ang kamay niya. Napaka-lamig nito. Kinakabahan siya.

"Wag kang mag-alala. Magiging maayos ang lahat."

Tumango nalang siya at nginitian ako. Yan, mas gusto ko yung ganyan.

TANGHALI NA KAYA kailangan na naming mag-ayos. Kumain muna kaming lahat, medyo marami na din ang tao dito sa bahay nila Jo dahil dito din mag-bibihis ang ilan sa mga mahahalagang bisita.

Mahal Kita, Pero •SB19 JOSH• [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon