CHAPTER 22: Test Result

554 31 11
                                    

Chapter 22: Test Result

NAGISING AKO DAHIL sa sinag ng araw na nanggagaling sa bintana ng kwarto. Pag-mulat ng mga mata ko ay muka agad ni Jo ang nakita ko. Naka-pikit pa siya, tulog pa ata.

Napa-ngiti nalang ako dahil sa mga nangyayari ngayon. Sunod sunod na swerte ang natatanggap ko. Bumalik na sila Jo, nag-propose siya sakin, at ngayon gumising akong siya ang nasa tabi ko. I could live forever like this.

Sinuklay ko ang buhok niya gamit ang mga daliri ko. Tinititigan ko ang bawat parte ng muka niya. Mula sa mga mata, kilay, ilong at labi. He's just perfect, perfect for me.

Maya maya pa ay unti unti niyang minulat ang mga mata niya. Di nag-tagal ay dahan dahan siyang ngumiti.

"Good morning Jhe." bati niya.

"Good morning." bati ko pabalik.

Dahan dahan siyang nag-inat at niyakap ako.

"Ano?" bigla niyang singit.

"Anong ano?" taka kong tanong.

Bigla nalang siyang ngumiti ng nakaka-loko.

"Anong nginingiti-ngiti mo diyan?"

Tumuloy na siya sa pag-tawa.

"Siraulo." sambit ko.

Sinubukan kong tumayo ngunit isang kakaibang sakit ang naramdaman ko kaya napa-higa ulit ako.

"Oh, bakit?" tumigil siya sa pag-tawa at parang nag-alala ang muka. "Masakit?"

Tatanong-tanong ka pa diyan, eh ikaw yung dahilan kung bakit ko nararamdaman 'to.

"Anong gagawin ko?" he asked.

Halata sa muka niya na naguguluhan siya. Hindi ko din alam kung anong gagawin ko.

"Naiihi na ako." sa totoo lang, kanina pa ako nag-pipigil.

"Gusto mo bang buhatin kita?"

Nag-isip pa ako sandali.

"Wag na." pag-tanggi ko.

Dahan-dahan akong tumayo, masakit peeo kaya ko namang tiisin. Parang pilay ako kung mag-lakad. Maya-maya ay inalalayan ako ni Jo.

"Masakit ba talaga? Baka mapansin ka nila Mommy, sabihin mo nadulas ka nalang sa banyo."

Agad ko siyang sinapok sa ulo. Umaray naman siya.

"Ikaw yung may kasalanan nito eh. Bahala ka." inis kong sabi.

"Wow ha, ako lang talaga?"

"Tse!" singhal ko sa kaniya.

Sinara ko agad ang pinto ng banyo nang makapasok ako dito.


NASA LAMESA kaming lahat at kumakain ng breakfast. Nakaka-panibago dahil tahimik ang lahat, hindi nag-kekwento si Tita. Naka-focus lang ang lahat sa pag-kain. Di nag-tagal ay nabasag ang katahimikan nang mag-salita si Tita.

"Joshiephine."

Tumingin agad ako kay Tita.

"Josh."

Tumingin din agad siya kay Tita.

Medyo lumapit siya sa gawi ng upuan namin at tinakpan ang gilid ng bibig niya gamit ang isa niyang kamay.

"I hope it's a boy."

Parang may bumara sa lalamunan ko. Agad akong kumuha ng tubig at ininom ito. Nakita ko namang napa-lunok si Josh.

Mahal Kita, Pero •SB19 JOSH• [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon