Chapter 11: Mag-babalik
IBA NA ANG pakiramdam ko ngayon. It's been 1 year and 6 months since nagka-roon ako ng leukemia. Ayon sa doktor ko, hindi niya masasabi kung magiging cancer free ako pero mataas ang posibilidad. Tumigil na ang pag-lalagas ng buhok ko. Hindi na rin ako masyadong namumutla at sa tingin ko naman, lumalakas na ang resistensiya ko, lumalakas na ako.
"We have to perform some tests so that we can be sure that she is cancer free. If she's officially free from the desease, you can immediately go home after giving you some medicine so that the desease will never come back again. I'm looking forward for the best results. You're such a strong girl Joshiephine." masayang balita ng doktor sa amin.
Hindi mawala sa labi namin ni Tita ang ngiti. Masaya kami dahil sa balitang narinig namin mula sa doktor.
"Be ready for the tests, we will start later."
"Sure doc, thank you very much." sagot ko.
Naiiyak ako nang sabihin 'yon. Masaya ako dahil may chance na gumaling ako. At pag nangyari 'yon, babalik na agad ako sa Pilipinas
At pangako, babalikan kita, Josh...
DAYS HAS PASSED, hindi parin sinasabi ng doktor kung ano ang resulta ng mga tests, sabi kasi ay medyo mag-tatagal ito.
"Kumain ka ng madami, para gumaling ka na." ani Tita. Tumango nalang ako bilang pag-sagot.
Bumabalik na din ang dati kong appetite, nakaka-kain na ako ng maayos at hindi na ko laging nahihilo.
Kasalukuyan akong ngumunguya nang may kumatok sa pinto.
"Come in." Tita said.
Pinapasok agad ni Tita ang kumakatok, it was my doctor.
Ngumiti ito sa akin. "I see you're eating well Joshiephine. The result of the test is finally here."
May hawak na white folder si dok, binigay niya ito kay Tita, agad naman niya itong tinanggap. Halata na sa muka namin ang kaba.
"Open it." naka-ngiting saad ng doktor.
Dahan-dahang binuksan ni Tita ang folder at kinuha ang papel sa loob. Seryoso siya habang binabasa ito. Napuno ng katahimikan ang buong silid.
"A-Ano pong ibig sabihin nito doc?" utal na tanong ni Tita.
Kumunot naman ang noo ng doktor ko. "I'm sorry? I cannot understand."
Hala si Tita, nakalimutan atang nasa Canada kami.
"Ah, sorry. I mean, what does this mean?"
Ngumiti si doc at humarap sakin, hinawakan niya ang kamay ko.
"Congratulations Ms. San Juan, you're officially cancer free." masayang balita nito.
Ah, so magaling na ako.
TEKA?! MAGALING NA AKO!
"Doc, you're not kidding right?" hindi makapaniwala kong sabi.
The doctor chuckled. "Why would I? You can finally go home after I give you your medications."
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Parang ayaw mag sink-in sa utak ko ng mga narinig ko. Naluluha na ako sa sobrang saya.
Hinigpitan ko ang hawak sa kamay ni dok. "Thank you very much doc. I owe my life to you."
"You don't owe me anything, I just did my job. May I go out now?"
"Thank you very much doc." sambit ko pa ulit.
Tumango si doc at lumabas na sa kwarto ko. Agad akong nilapitan ni Tita at niyakap. Finally makaka-labas na ako dito. Makaka-uwi na ko sa Pilipinas.
Pagkatapos ng mga pag-hihirap ko, makakauwi na rin ako.
IT'S MY FIVE days being cancer free. Nag stay pa kami sa hotel para ayusin ang mga gamit ko at ang mga bills sa ospital. Naka-sakay na kami ngayon sa eroplano, at ilang oras nalang ay sa wakas makaka-apak na din ako sa Pilipinas. After so many months!
"Anong nararamdaman mo anak? May masakit ba sayo? Nagugutom ka ba?" tanong ni Tita.
Umiling ako. "Okay lang po ako Tita, wala pong masakit sakin, busog pa po ako."
Mahal na mahal talaga ako ni Tita.
Tumingin ako sa bintana at tinignan ang kalangitan. Bigla tuloy akong napa-isip, ano kayang mararamdaman ni Josh pag nakita niya ako? Ano kayang magiging reaksiyon niya pag nalaman niyang bumalik na ako? May nararamdaman parin kaya siya para sakin?
I sighed. Napa-isip tuloy ako sa huling tanong na naisip ko.
Nang maka-ramdam ako ng antok ay pumikit ako at sumandal tsaka dahan dahang naka-tulog.
NAGISING AKO DAHIL sa announcement ng piloto, nandito na kami sa Pilipinas.
Pag-kababa na pag-kababa namin ay init agad ang sumalubong sa amin. Wala paring pinag-bago, summer padin ang klima kahit November na.
Dahil gabi na kaming naka-rating ay nag-stay nalang kami sa hotel, pagod na daw kasi si Tita at bukas nalang kami ng umaga uuwi.
I'll just rest for today.
NAKA-UWI NA KAMI, bilis 'no?
Hindi ko pa alam kung anong gagawin ko ngayon. Pupuntahan ko na ba agad siya? Tatawagan ko ba siya o ano?
"Ate kain tayo sa labas, libre ko. Na-miss kita eh." sambit ni JJ.
Mahina akong natawa. "First time mo ata akong ililibre."
Niyakap ako ni JJ ng mahigpit. Niyakap ko din siya pabalik. Sobrang na-miss ko 'to kahit lagi akong iniinis.
"Sige na, tara na, nagugutom na din ako." aya ko.
Lumabas na kami at sumakay sa kotse niya. Successful na din ang kapatid ko, I'm so proud. At sigurado akong proud din si Mama at Papa sa kanya.
Bumaba kami sa isang Korean restaurant. Um-order kami ng favorite namin, samgyeopsal.
"Ang tagal kong di naka-kain ng Korean food. Na-miss kitang kasamang kumain dito." panimula ko.
"Ako din ate. Di na rin ako masyadong pumupunta dito kasi wala akong kasama, wala ka eh."
Sinimulan na niyang lutuin ang mga pork belly, habang niluluto ko naman ang ramyeon, perfect pair.
Nang matapos na kaming mag-luto ay nag-simula na kaming kumain habang nag-kukwentuhan. Masyado naming na-miss ang isa't isa. Kaya napaka-dami din naming kwento.
"Thank you dito JJ, busog na busog ako." saad ko.
"Halata naman, laki na nga ng tiyan mo eh." panunukso niya.
Tinawanan niya ko at tinignan ko naman siya ng masama. Pero nginitian ko din siya. Na-miss ko din yung pang-iinis niya sakin.
Hanggang sa sumeryoso nanaman ang tingin niya.
"Ate, sorry sa topic na 'to ah, pero ano nang plano mo sa inyo ni kuya Josh?"
Oo nga pala. Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung saan at paano ako mag-sisimula.
"Hindi ko pa alam, pag-iisipan ko pa." sagot ko.
Tumango siya at lumabas na kami sa restaurant. Sumakay na kami sa kotse niya at umuwi na.
Paano ko nga ba malalapitan si Josh? Kaya ko ba? Anong sasabihin ko sa kanya?
Nahihiya ako sa kanya. Ang dami kong nagawang naka-sakit sa kanya at hindi ko man lang siya inisip, hindi ko man lang siya nagawang ipag-laban.
May muka pa ba akong maihaharap sa kaniya? Paano kung naka move on na siya? Paano kung meron na siyang iba? Anong gagawin ko?
_______________
BINABASA MO ANG
Mahal Kita, Pero •SB19 JOSH• [COMPLETED]
Fanfiction[SB19 Series #1 | JOSH FAN FICTION | Completed] You were my best friend, my lover, my life, my everything. Nagkaroon ng silbi ang buhay ko dahil sa'yo. I loved you since high school, and I still love you 'till now. Hinding hindi kita malilimutan...