CHAPTER 17: Tayo Parin

462 23 1
                                    

Chapter 17: Tayo parin

"KAMI ITO, ang mga magulang niyo." sambit ng babae.

Bumitaw ako sa pag-kakayakap sa lalaki at medyo lumayo sa kanila.

"Ano bang sinasabi niyo? Wala na kaming magulang. Matagal na silang patay." pag-tanggi ko.

"Hindi anak, mali yang iniisip mo." sambit muli ng babae.

"Wala na kaming magulang. Please, get out of our property."

Hinawakan ni JJ ang kamay ko kaya napa-tingin ako sa kanya. "Ate, let's hear them out, please?"

Pinakalma ko ang sarili ko at na-upo kaming apat sa sofa. Seryoso akong naka-tingin sa kanila habang nag-hihintay ng explanation nila.

"Una sa lahat, patawad dahil lumaki kayo nang walang magulang. Patawad dahil hindi namin nagawa ang obligasyon namin bilang mga magulang niyo." anang babae.

"Just, get straight to the point." iritable kong sabi.

Huminga ng malalim ang babae at tumingin sa akin. Nangingilid pa ang mga luha sa kanyang mata.

"Noong nangyari ang aksidente nung gabing 'yon, naka-ligtas kami."

Nanlaki ang mga mata ko. "Pero, paano?"

Ako pa mismo ang nag-hawak ng vase ng abo ni Mama, paanong naka-ligtas sila?

"May tumulong sa amin. Ginamot, pina-kain, at pina-tuloy nila kami sa bahay nila." paliwanag ng babae.

"Kung kayo nga ang mga magulang namin, eh sino yung pinag-luksaan namin years ago?"

Dahan dahang umiling ang babae. "It wasn't us. Hindi kami naka-uwi agad matapos ang aksidente, lahat ng nalalaman niyo ngayon ay gawa-gawa lang ng Tita niyo. Totoong may namatay, pero hindi kami 'yon, it was all an act. Ginawa niya 'yon para nalang din sa ikabubuti niyo."

Doon na nag-init ang ulo ko. "Kahit minsan hindi naging mabuti samin 'yon! Nabuhay kaming ang alam namin wala na kayo, na wala na kaming mga magulang, nabuhay kami sa kasinungalingan!"

"Ate, calm down." ani JJ.

Huminga ako ng malalim at pina-kalma ang sarili. Hindi ko na kayang tanggapin lahat ng nalalaman ko ngayon. Lalo na't kaka-balik palang ng memorya ko.

"Mas mabuti na 'yon kaysa sa mabuhay kayo nang araw-araw hinihintay kami, kung babalik pa kami. Peeo ngayon, nandito na kami. Bumalik na kami anak. Sana tanggapin niyo kami ng Papa niyo."

"Paano kami makaka-sigurong kayo nga ang mga magulang namin?" tanong ko.

May kinuhang folder ang lalaki at ibinigay sa akin.

"Matagal na namin kayong binabantayan, humahanap lang kami ng tyempo para mag-pakilala sa inyo. Alam na ng Tita niyo na nandito na ulit kami at tinulungan niya kami para maka-kuha ng pwedeng sample para sa DNA test." sambit nito.

Binuksan ko ang folder at binasa ang nasa puting papel. It was a DNA test. And based on this, she really is my mother.

"Paanong..." hindi na ako makapaniwala sa mga nalalaman ko.

"Sana tanggapin niyo ulit kami bilang mga magulang niyo." umaasang sabi ng lalaki.

Ibinalik ko ang papel sa loob ng folder at ibinaba ito sa table. Tumayo ako at nag-lakad papunta sa kwarto ko.

"Ate."

"Anak."

"Wag niyo 'kong istorbohin."

Isinara ko ang pinto at saka sumandal dito. Unti unti nang bumuhos ang mga luha ko at dahan dahan akong napa-upo sa sahig.

Bakit kailangan pa nilang mag-sinhngaling samin? Bakit pa nila kailangang itago lahat ng katotohanan? Pakiramdam ko tuloy, isa akong tanga na namuhay sa kasinungalingan.

Mahal Kita, Pero •SB19 JOSH• [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon