Chapter 5: Pagsubok
Akala ko okay na. Akala ko magiging ayos lang ang lahat. Akala ko magiging okay lang ako.
Akala ko lang pala 'yon.
Ang tagal ko nang niloloko ang sarili ko. Ang tagal ko nang nag-papanggap. At ang tagal na din non, pero bakit hanggang ngayon siya parin? Bakit hindi ako maka move on? Bakit Josh? Ang sakit. Hindi ko man lang nagawang ipaglaban yung relasyon natin. Hindi man lang kita nagawang ipaglaban. Sobrang nag-sisisi ako.
---
Nag-hihintay ako ngayon kay Jo dito sa favorite naming fast food restaurant, Burger King. First anniversary kasi namin ngayon. Ang bilis ng oras, isang taon na pala kami ni Jo.
12:36 palang ng tanghali. 12 ang usapan namin pero hanggang ngayon wala parin siya, baka na-traffic lang. Um-order na ko ng kakainin namin. Nag-hintay ako ng 15 minutes bago dumating ang order. 1:06 na pero wala parin siya. Im starting to get worried. I tried to call him but he's not answering.
"Jo nasaan ka na ba?" nag-aalalang sambit ko sa sarili ko.
Why are you taking so long? Where are you? Kung nasaan ka man sana safe ka. I decided to wait more.
It's 2:00 in the afternoon pero wala parin siya. Hindi na ako mapakali. I tried to call Tita pero wala din daw siya sa bahay nila. Where on earth are you Josh? Dahil sa sobrang tagal ko nang naka-upo sa loob ng restaurant ay napag-desisyunan kong umalis na dahil nakaka-hiya na, sobrang tagal ko nang nandoon.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Once again, I tried calling him. Please answer the call Jo.
"Jo?! Asan ka? Okay ka lang ba? Anong nangyari?" bungad ko nang sagutin niya ang tawag.
Alalang alala na ko sa kanya. Nag-hintay ako sa sagot niya pero isang malalim na buntong hininga lang ang narinig ko.
I heard him sighed. "I'm sorry Jhe, hindi ako makaka-punta."
"Pero Jo, bakit? Nasaan ka ba--"
*call ended*
Ibinaba ko ang cellphone ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Kung makaka-hinga na ba ako ng maayos dahil nalaman kong okay siya, o malulungkot dahil hindi man lang niya ako pinuntahan sa first anniversary namin.
Honestly, nasasaktan ako. Bakit ganon? Hindi naman siya ganito dati. Anong nangyayari sayo Jo?
AKALA KO ISANG beses lang mangyayari 'yon, pero nasundan pa ng isa, dalawa, tatlo at marami pang beses. Tuwing tinatanong ko naman siya kung bakit at anong nangyari hindi niya ako sinasagot ng maayos, ang lagi niya lang sinasabi salkin ay may pinuntahan siya, pero hindi ako naniniwala sa dahilan niya, may mas malalim pang dahilan kung bakit niya nagagawa 'yon. Pero dahil mahal ko siya, inintindi ko nalang lahat ng iyon. Alam kong may sapat siyang dahilan.
"Sorry talaga Jhe, promise babawi ako sayo next time. I'm really sorry." hinawakan niya ang kamay ko.
Lagi mo nalang sinasabing babawi ka, kailan mo gagawin 'yon Jo? Kailan ka babawi sakin?
Pilit akong ngumiti. "Okay lang Jo, baka importante lang yang ginagawa mo. Ayos lang ako."
Miss na miss na kita Jo. Miss ko na yung dating ikaw. Yung Jo na lagi kong kasama, makulit, sweet, paki-balik naman yung dati kong Jo.
"Sagutin ko lang 'yong tawag, excuse me."
Tumango nalang ako habang tinitignan siya habang naglalakad papalayo para sagutin ang tawag. Napapansin ko these days, lagi nalang siyang may kausap sa phone. Pag tinatanong ko kung sino, sinasabi niyang kaibigan lang niya. I trust him. Alam ko namang di niya sisirain ang tiwala ko.
BINABASA MO ANG
Mahal Kita, Pero •SB19 JOSH• [COMPLETED]
Fanfiction[SB19 Series #1 | JOSH FAN FICTION | Completed] You were my best friend, my lover, my life, my everything. Nagkaroon ng silbi ang buhay ko dahil sa'yo. I loved you since high school, and I still love you 'till now. Hinding hindi kita malilimutan...