CHAPTER 21: Una't Huli

504 28 18
                                    

Chapter 21: Una't Huli

BUMITAW NA SIYA mula sa pag-kakayakap sakin ng mahigpit. Unti unti na ding bumabagsak ang luha sa mga mata niya.

Hinawakan niya ang pisngi ko at dahan dahang nilapit ang muka niya sa akin. Kasabay ng pag-pikit ko ay ang pag-tama ng labi namin sa isa't isa.

I miss this. I miss his hug, his kiss, his smell, everything about him.

Di nag-tagal ay bumitaw na kami sa halik at tinignan ang isa't isa. Kinuha niya ang singsing sa box at isinuot ito sa daliri ko, it's a perfect fit.

Tinignan ko ito, napaka-ganda.

"Maganda ba?" tanong niya.

I nodded. "Oo, ang galing mong pumili."

"Actually, tinulungan ako ni JJ na mamili. Siya ang pumili niyan."

Napa-isip ako bigla. Kaya pala siya nag-congrats sakin kanina.

"Punta tayo sa bahay, miss ka na ni Jhenny. Gusto ka rin daw makita ni Mama at Papa."

Pumayag naman ako agad. Matagal-tagal ko na din silang hindi nakikita. Nag-lakad na ulit kamai pa-balik sa kotse. Medyo malayo pa dito yung bahay nila Josh kaya medyo matagal na biyahe pa bago kami maka-rating.

Tahimik lang kami buong biyahe, wala din naman akong maisip na topic na pwede naming pag-usapan, basta ang alam ko ngayon, sobrang saya ko.

Nang maka-rating na kami ay bumaba na kami sa kotse at kumatok sa pinto.

"Jhenny!" bati ko.

"Ate Jhe!"

Agad ko siyang sinalubong ng yakap at binuhat. Na-miss ko 'tong batang 'to!

"Asan sila Mommy, Jhenny?" tanong ni Josh.

"Nasa kusina po." sagot nito.

Batang bata yung boses ni Jhenny, napaka cute!

Pumasok na kami sa loob at tumuloy sa kusina. Nadatnan namin doon si Tita at Tito na nag-uusap. Agad naman silang napa-tingin samin.

"Joshiephine." bungad ni Tita.

Agad akong ngumiti. "Hello po Tita, Tito."

Ibinaba ko si Jhenny at nag-mano kay Tita at kay Tito. May benda parin ang paa ni Tito at naka-upo siya sa wheelchair.

"Kamusta ka na hija? Matagal din tayong di nag-kita." tanong ni Tita.

"Ayos lang naman po. Kayo po? Kamusta naman po si Tito?"

Tumingin naman sandali si Tita kay Tito.

"Mabilis naman akong maka-recover. Okay lang ako, malayo sa bituka."

Nginitian ko nalang si Tito matapos niya akong sagutin.

"Maupo muna kayo. Kukuha lang ako ng merienda." smabit ni Tita.

Na-upo kami ni Josh, kandong niya si Jhenny at nag-lalaro ito sa cellphone niya.

"Josh, anak. Look at me. Look at this."

Dalawa kaming tumingin sa tinuturo ni Tito, sa paa niyang na-operahan.

"Tumatanda na kami ng Mommy mo, nag-kakasakit."

Parang alam ko na kung saan pa-punta 'to.

"Kailan ba kami mag-kakaroon ng apo sa'yo? Gusto na namin ng mommy mo ng bagong baby."

Agad naman akong yumuko dahil sa hiya.

"I think nasa tamang edad na din kayo para mag-karoon ng pamilya. Parehas naman kayong may maayos na trabaho."

Mahal Kita, Pero •SB19 JOSH• [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon