CHAPTER 15: Disgrasya

418 27 5
                                    

Chapter 15: Disgrasya

ILANG ARAW NA ang naka-lipas mula nung umalis kaming dalawa ni Josh. Pero hindi parin siya nag-paparamdam sa akin. Nag-tataka at nag-aalala na ako sa kanya.

Hindi parin buo ang mga naaalala ko. Pero unti unting bumabalik ang mga ito. Sana bumalik na lahat ng mga ala ala ko.

Sinusubukan kong i-text si Josh, pero hindi siya nag-rereply. Hindi rin naman siya sumasagot pag tinatawagan ko siya. Nasaan kaya siya?

Kinuha ko ulit ang box kung saan ko nakita ang isang diary. Kinuha ko ang diary at binuksan ito. Sa tingin ko ay ako ang may-ari nito. Binasa ko isa-isa ang mga sulat. Sinimulan kong mag-sulat noong grade seven palang ako. Nahiga ako sa kama para mas komportableng mag-basa.

Wala si JJ dito sa bahay dahil nasa trabaho siya, ako lang ang nandito sa bahay.

Lumipas ang ilang oras, medyo marami na kong nabasa, at medyo marami na din akong nalaman tungkol sakin at sa mga tao sa paligid ko.

Nalaman kong nag-karoon kami ng relasyon ni Josh, bestfriend ko pala si Joshlene, ang babaeng nanugod sa akin sa mall, at kilala na pala ako ng pamilya ni Josh at tanggap nila ako.

Naka-ramdam ako ng gutom kaya isinara ko muna ang diary at nilagay ulit sa box. Bumaba ako sa kusina para mag-tingin ng pwedeng kainin sa ref. May nakita akong kimchi, kinuha ko ito. Kumuha din ako ng ramyun sa cabinet at binuksan na ang kalan. Nag-painit ako ng tubig at hinintay itong kumulo.

Tinitignan ko lang ang buong paligid habang nag-hihintay. Napaka-tahimik. Napansin kong may dumaang anino sa bintana ngunit di ko nalang ito pinansin, baka pusa lang 'yon.

Nang marinig ko nang kumukulo na ang tubig ay nilagay ko na ang noodles at hinayaan itong maluto. Kasalukuyan kong hinahalo ang noodles nang may marinig akong ingay sa sala.

"Ano kaya 'yon?"

Baka ma-over cook ang niluluto ko. Kaya di ko nalang muna ulit pinansin 'yon at hinalo na muli ang noodles. Nang ma-luto na ito ay pinatay ko na ang kalan. Nilagay ko ang powder at toppings, hinalo ko ito.

Saglit ko muna itong iniwan para pumunta sa sala at tignan kung ano ba ang ingay na narinig ko.

"Bakit naka-bukas yung pinto?"

Tumingin ako sa paligid tsaka ko ito sinara.

"Hala, baka minumulto na 'ko."

Saktong pag-talikod ko ay siya namang takip sa bibig ko ng isang lalaking di ko malaman ang itsura dahil sa suot niya sa muka. Hindi na ako naka-laban at naka-sigaw dahil unti unti na akong nahilo dahil sa amoy ng panyong naka-takip sa aking ilong. Di nag-tagal ay nawalan na ako ng malay.



NAGISING ANG AKING diwa ngunit hindi ko maimulat ang aking mga mata dahil sa takip na naka-lagay dito. Masakit ang aking katawan at hindi rin ako maka-galaw dahil sa tali ko sa kamay. Naka-tayo ako at naka-tali pataas ang aking mga kamay. Medyo masakit din ang katawan ko, lalo na ang pisngi ko.

"Nasan--"

"Gising ka na pala, Miss Amnesia."

Hindi ko makita ang muka niya ngunit nakikilala ko ang boses niya.

"Sino ka? Bakit mo ba 'to ginagawa sakin?" galit kong tanong.

Tumawa lang siya. Naramdaman kong hinawakan niya ang muka ko.

"Ahas ka." bulong niya.

Gusto kong tumawa sa sinabi niya.

"Coming from you." matapang kong sabj.

Alam kong nagalit siya dahil sa sinabi ko. Isang malakas na sampal ang natamo ko mula sa kanya.

"How dare you."

"Why can't you accept the fact that he doesn't love you? Pinapahirapan mo lang ang sarili mo, sinasaktan mo lang ang sarili mo." sambit ko sa walang emosyon na boses.

"Shut up!" sigaw niya.

Nag-echo ang boses niya sa buong kwarto. Sa totoo lang, hindi ako natatakot sa maaaring mangyari sakin. Alam ko namang hindi niya kayang gumawa ng masama. Kilala ko siya. Kilala ko ang kaibigan ko.

"Anong balak mong gawin Joshlene? Papatayin mo 'ko? Sa tingin mo ba mamahalin ka na ni Josh 'pag nawala ako? Hindi mo man lang ba inisip kung anong magiging reaksyon niya pag nalaman niya yung mga pinag-gagagawa mong 'to?"

Sandali siyang na-tahimik. Ilang minutong tumahimik ang silid. May nag-alis sa piring sa aking mata kaya nakita ko ang paligid.

Madilim at tanging isang bumbilya lang ang nag-bibigay liwanag. Hindi ko malaman kung nasaan si Joshlene.

Bigla ko nalang narinig ang isang babaeng tumatawa sa aking likuran. Sinubukan kong lumingon ngunit nahihirapan ako dahil sa tali sa aking kamay.

"Dahil sa'yo nawala sakin si Josh. Dahil sa'yo hindi na-tuloy ang kasal namin. Dahil sa'yo 'yon Joshiephine!" sigaw niya.

Hinawakan niya nang mahigpit ang buhok ko at naramdaman kong dumampi ang isang malamig na bagay sa kanang parte ng ulo ko, isang baril.

"Hindi Joshlene. Wala akong kasalanan. Ikaw ang may kasalanan. Hindi ko kasalanang umasa ka, hindi ko kasalanang hindi ka minahal ni Josh, hindi ko kasalanang ako ang mahal niya, at hindi ko kasalanang after all this years, ako parin ang mahal niya. Hindi ko kasalanan 'yon."

"Tumahimik ka!" siga wniya ulit.

"Alam kong hindi mo kayang manakit Joshlene, please, itigil mo na 'to. Alam kong mabuti kang tao."

Ilang sandali pa ay may narinig akong ingay na nang-gagaling sa labas.

"Joshiephine!" rinig kong sigaw ng isang boses na pamilyar na pamilyar sa akin.

"Josh." bulong ko.

Maya maya pa ay nakita ko siyang pumasok sa silid kung nasaan kami ni Joshlene.

"Wag kang lalapit!" banta niya.

Hindi na muling naka-apak palapit si Josh matapos itong sabihin ni Joshlene. Naka-tutok parin ang baril sa akin.

"Wag mong sasaktan si Joshiephine, please, mag-usap tayo Joshlene."

Umiiyak si Joshlene habang umiiling.

"Bakit 'di nalang ako? Bakit siya pa? Bakit Josh?!"

Mas lalong humigpit ang hawak niya sa buhok ko, pakiramdam ko ma-aalis na ang buhok ko mula sa anit ko.

Maya maya pa ay may narinig akong mga sasakyan ng pulis na dumadating.

"Sumuko ka na Joshlene. Mag-usap tayo." ani Josh.

Sinusubukang lumapit unti-unti ni Josh.

"Wag kang lalapit! Papatayin ko 'to!"

Unti unti nang dumating ang mga pulis. May tatlong naka-tutok ang baril sa amin. Pero hindi parin natitinag si Joshlene.

"Joshlene, itigil mo na 'to." pakiusap ni Josh.

Bigla siyang sumigaw ng napaka-lakas at nag-paputok ng dalawang beses sa taas. Napa-pikit ako sa sobrang lakas ng tunog. Muli niyang ibinalik ang baril sa tapat ng ulo ko.

"Hindi ikaw si Joshlene. Hindi na ikaw yung Joshlene na kaibigan ko, yung bestfriend ko." sambit ko.

Nawala ang tensyon sa pag-hinga niya at medyo kumalma siya ng konti.

"Hindi kita kaibigan." mahina niyang sabi.

"Kaibigan mo ako Joshlene."

"Hindi kita kaibigan!"

Itinutok naman niya ang baril sa tao sa harapan niya sa di kalayuan.

"Joshlene, wag!" sigaw ko.

"Tignan natin kung gaano kasakit mawalan ng taong mahal mo."

At umalingawngaw ang tunog ng baril na hawak niya.

"Josh!" sigaw ko.

________________

Mahal Kita, Pero •SB19 JOSH• [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon