Chapter 13: Sino ka?
TINITITIGAN KO ANG imbitasyong binigay saakin ni Joshlene, hanggang ngayon ay hindi ako maka-paniwalang ikakasal na sila. Sila ni Josh. Ang pinaka-mamahal kong tao at ang bestfriend ko.
Hindi parin malinaw sa akin kung paano at bakit. Basta ang alam ko ngayon ay nasasaktan ako ng sobra.
Agad kong binuksan ang pinto nang marinig kong may kumatok.
"Bakit J?" bungad ko.
"Kanina ka pa hindi lumalabas sa kwarto mo. Hindi ka rin nag-almusal, tanghalian na hindi ka parin lumalabas. May problema ba ate?" bakas ang pag-aalala sa boses niya.
Pinapasok ko siyasa loob at na-upo kami sa kama. Alam na niya kayang ikakasal na si Josh?
Bumuga ako ng hangin. "Nakita ko na si Josh."
"Yun naman pala eh, edi dapat masaya ka diba?"
Huminga ako ng malalim. "Ikakasal na siya." mahina kong sabi.
Halata ang gulat sa muka ni JJ. Ganyan din ang naramdaman ko nung malaman kong ikakasal na siya.
"Kanino?" tanong niya.
"Kay Joshlene, this December 28 na."
Sa totoo lang ay hindi ko alam kung anong gagawin ko. Pupunta ba ako? Pipigilan ko ba sila? Anong gagawin ko? Litong lito na ako.
"Anong plano mo ate?"
Nag-kibit balikat ako. "Hindi ko pa alam sa ngayon. Pero sa tingin ko wala na din naman akong magagawa. Nandoon na 'yon, nangyari na."
"Ate, hanggang hindi pa sila nai-kakasal, may paraan pa."
Napa-isip ako dahil sa sinabi niya. Tama siya, kailangan kong gumawa ng paraan. Si Josh ang dahilan kung bakit pinilit kong mag-pagaling. Hindi ko hahayaang mawala lang siya ng ganon kadali sakin. Pero may parte parin sa isipan ko na hindi ko dapat gawin kung ano man ang naiisip ko. Alam kong mali, pero hindi ko alam kung mapipigilan ko ang sarili ko.
Hindi ko alam kung nasaan si Josh sa mga oras na 'to, pero kailangan kong kumilos. Nag-bihis agad ako at sinubukang pumunta sa trabaho ni Josh, baka sakaling nandon siya.
Bumaba ako sa taxi at tinignan ang building sa di kalayuan. Huminga ako ng malalim. Hinintay kong mawalan ng sasakyan bago tumawid. Ngunit may isang bagay na napukaw ang pansin ko, isang batang tumatakbo sa gitna ng kalsada habang hinahabol ang bola.
"Bata! Alis!" sigaw ko.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. May paparating na sasakyang mabilis ang takbo at mahahagip ang bata.
Hindi ako nag-dalawang isip na tumakbo at itulak ang bata. At ang tangi ko nalang na-aalala ay ang masakit na pag-tama sa akin ng kotse habang unti unting dumidilim ang paligid. Sana ay nailigtas ko ang bata.
NAGISING AKO SA isang puting kwarto na pamilyar ang amoy.
Sinubukan kong bumangon ngunit bigla nalang sumakit ang katawan ko.
"Ate wag ka munang gumalaw."
Nahiga nalang ulit ako at tumingin sa tanong nasa tabi ko ngayon.
"A-Ate?" taka kong tanong.
Tinignan kong mabuti ang muka niya.
"Ate wag ka naman mag-biro ng ganyan." kabado ang boses niya.
"S-Sino k-ka? Bakit ako nandito? Anong ginagawa ko dito? Anong nangyari sakin?"
Hinawakan niya ang kamay ko na ikinagulat ko. Unti unti nang tumulo ang luha sa mata niya. Hindi ko maintindihan. Anong nangyari?
BINABASA MO ANG
Mahal Kita, Pero •SB19 JOSH• [COMPLETED]
Fanfiction[SB19 Series #1 | JOSH FAN FICTION | Completed] You were my best friend, my lover, my life, my everything. Nagkaroon ng silbi ang buhay ko dahil sa'yo. I loved you since high school, and I still love you 'till now. Hinding hindi kita malilimutan...