"Miss Barcelona, hindi nga puwedeng kalahati lang ang bayad mo kasi may remaining balance ka pa.""magkano pa po yung remaining balance ko?" tumutulo na ang pawis ko na nakikipag usap dito. Parang gusto ko ng umiyak ng dugo dahil kahit gaanong karami ang pasukin kong trabaho parang kulang pa rin.
"9,818" nanlaki ang mga mata ko, paano naman naging ganon kalaki ang balance ko?
"bakit ganon po kalaki?"
"eh kala-kalahati lang kaya binabayad mo. Check mo resibo mo" hindi ko mahanap yung resibo kaya hinarap nalang saakin niya yung screen ng computer niya para makita ko yung record ng payments ko.
"bawal po ba talaga?" pag mamaka-awa ko. Pero lalo lang akong nang hina ng umiling siya.
Umalis ako ng cashier na parang naka lutang nanaman sa hangin, lumilipad ang isip at dinarama ang pagod both physical and mental. Napa upo ako sa isa sa mga bench dito sa loob ng university, dinukdok ko ang ulo ko sa braso ko.
"Tanginang buhay naman 'to. Gusto ko lang naman makapag tapos ng pag aaral" bulong ko sa sarili ko.
To Karen: Karen, nasaan ka?
From Karen: nandito pa sa bahay. Bakit?
To Karen: exam ko na bukas. Ayaw tanggapin yung bayad ko kasi malaki pa balanse ko.
From Karen: nako, eh wala naman akong maipapahiram sayo. Kabibili lang namin ng mga gamot ni papa.
To Karen: wala ba raket diyan?
From Karen: gusto mo?
To Karen: siyempre. Kailangan ko eh.
From Karen: wala ka na ba klase? Punta ka rito saamin. Usap tayo.
Hindi na ako nag reply pa. Inayos ko ang mga gamit ko at umalis na papunta kila Karen. Nakaka takot talaga pumunta dito sakanila, lagi nalang may mga nag iinuman at nang gugulo. Doon naman saakin marami rin nag iinuman pero minsan lang sila mang gulo. Eh dito, araw-araw yata giyera. Medyo mahina talaga ako sa lugar kaya nag tanong ako kung saan na nga uli nakatira si Karen dito sa may maliit na tindahan.
"Tao po, puwede po mag tanong?"
Lumabas ang isang babae na parang mga nasa mid 40s. Naka hair roller at humihithit ng sigarilyo. "Ano yun?"
"Ah, may kilala po ba kayong Karen? Dito rin po siya sa looban niyo. Nakalimutan ko lang kung saan na yung bahay nila"
"Sinong Karen?" kailangan ba full name?
"Dela Cruz" humithit siya ng sigarilyo niya bago siya tumugon saakin.
"Ah kilala ko na. Yung prostitute ba?" sabi niya sa mahinang tono ng boses. Napa kunot ang noo ko, prostitute ba si Karen?
"Hindi ko po alam eh. Pero saan po bahay nila?"
"Yung may nag iihaw ihaw sa harapan. Kanila yon" nag pasalamat ako at umalis na. Habang nag lalakad ako iniisip ko yung sinabi nung babae, prostitute? Prostitute si Karen? Bakit parang hindi naman. At kung prostitute yun hindi na hahanap ng ibang sideline yun.
"Nandiyan po ba si Karen?" siguro ay nanay niya itong mag iihaw ihaw sa labas.
"Kaibigan ka niya?" tumango ako.
"Halika pasok ka sa loob" sinundan ko yung nanay niya papasok sa maliit nilang tirahan. Kung saan mag katabi lang ang kusina at kuwarto.
"Karen, may bisita ka!" pag bulyaw ng nanay ni Karen habang inaayos yung uupuan ko.
BINABASA MO ANG
Just for the sake (DonKiss)
FanfictionIs this the right way for her to achieve those? Get to know with Elizabeth Barcelona. Ranked # 1 in Fanfiction