Hindi agad ako naka hinga at parang hindi ako makapaniwala sa naririnig ko sa balita, nanginginig ako habang binubuksan ko yung cellphone ko tapos sinubukan ko na tawagan ulit yung number ni Mateo at ganon pa rin. Kinabahan na ako. Kinuhanan ako ni Nene ng tubig para ikalma ang sarili ko. "Ate gisingin ko po ba ang tatay niyo?" tanong ni Nene habang hinahagod niya ang likod ko, tumango ako. Hindi rin ako makapag salita. Hindi ko alam kung sino ang tatawagan ko at sumagi sa isip ko na tawagan si Caloy pero hindi siya sumasagot. Si Celso nalang ang nahuhuling nasa contacts ko na alam kong kasama ni Mateo. Unang tawag pero hindi siya sumasagot tapos nung pangalawang tawag ko ay may sumagot na, pero hindi si Celso dahil babae yung boses ng sumagot.
"hello? Sino ito?" bungad ko sakanya.
"Ako po si Ara, taga rito po ako Baguio City. Isa po ako sa mga tumulong sakanila kanina sa landslide, nandito po kami sa Baguio general hospital." at dito ko na nakumpirma na sila Mateo nga yung nasa balita kanina. Nangangatog na ang mga tuhod ko.
"Nasaan po ang iba niyang mga kasama?"
"Ma'am hindi ko po alam kasi hiwa-hiwalay po sila, mag hihintay nalang po ako dito sa ospital." humingi nalang ako ng pasasalamat at ibinaba ko na ang tawag, pag baba ko ng cellphone ko saktong pababa na rin si tatay ng hagdan. Halos hakbangin niya ng tig tatalong baitang ang hagdanan ng mag simula na akong umiyak. Hinawakan niya ang dalawang braso ko at pinaharap niya ako sakanya.
"Tay, si Mateo po natabunan ng landslide yung van nila." sabi ko at niyakap ko siya, niyakap ako pabalik ni tatay at hinahagod niya ang likuran ko.
"Sshh. Tumahan ka na, mag bihis ka at aalis tayo ngayon din. Wag ka maisyadong mag alala, mag dasal nalang muna tayo na sana ay nasa maayos na kalagayan ang asawa mo." tumango tango ako at pinunasan naman ni tatay ang mga luha ko sa pisngi gamit ang kaniyang hinlalaki. Inalalayan ako ni Nene sa pag akyat ko at hanggang sa kuwarto ay sinamahan niya akong mag ayos. Hindi ko alam kung isasama ko pa si Riley, pag tapos kong mag bihis nag tungo ako sa kuwarto ni Riley at binuksan ko ng konti ang kuwarto niya para magkaroon ng awang at masilip ko siya, tulog na tulog siya kaya't binaling ko ang tingin ko kay Nene.
"Dito na kayo. Kami nalang ni tatay ang aalis, tapos pag nagising na si Riley pumunta nalang kayo kina mama at ibalita mo kay mama yung nangyari, basta tatawag naman ako pag nag liwanag na kaya tignan mo lagi ang cellphone mo." habilin ko kay Nene.
"Wag mo muna palang sabihin kay mama ang nangyari, basta tatawag nalang ako at ako ang mag babalita sakanya kung ano ang mangyari, baka mamaya kasi mag panic siya agad, kaya titiyakin ko muna na maayos si Mateo bago natin ibalita sakanya. Sige halika muna sa baba at para masarado mo yung pintuan, mag iingat kayo ni Riley dito ha?" tumango si Nene at pinabaunan niya ako ng yakap. Pilit ko kalang pinapakalma ang sarili ko dahil ayaw ko na baka kung ano naman ang mangyari saakin ay isa pa ulit ako sa iintindihin ng mga tao dito. Para na rin talagang kapatid ko si Nene.
"Ipagdarasal ko po ate kayo ng tatay niyo na sana po ay maging maayos at ligtas kayo sa biyahe. Pati na rin po sila mayor, Celso at Caloy sana ho ay ligtas din sila. Tawag po agad kayo saakin." bilin din niya saakin, ngumiti ako at tumango ako. Tinapik ko ang balikat niya bago kami umalis ni tatay. Buti nalang at may kilala siyang driver. Marunong naman mag maneho amg tatay ko kaso nga lang baka hindi niya kaya ang umakyat sa matataas na lugar kaya't nag arkila kami ng driver. Si tatay muna ang nag maneho papunta doon sa bahay ng kakilala niyang driver at tiyaka lang sila nag palit noong nag simula na kaming bumiyahe papunta ng Baguio.
BINABASA MO ANG
Just for the sake (DonKiss)
FanfictionIs this the right way for her to achieve those? Get to know with Elizabeth Barcelona. Ranked # 1 in Fanfiction