Chapter 36

1.5K 47 0
                                    

May isang sasakyan ang naka park sa labas ng gate namin, nag ka tinginan kami ni Mateo dahil wala naman kaming inaasahan na bisita ngayon, pinasok niya yung sasakyan namin sa loob tapos bumaba na agad kami. Maliwanag na sa loob ng bahay at pag pasok namin nandoon si Kael, Loren, Riley at tatay sa sala tapos may naka handang miryenda sa lamesa. "Oh nandito na pala ang mama't papa mo." lumingon silang lahat saamin, tinigil ni Riley yung nilalaro niya tapos lumapit siya saamin, mukhang umiyak siya.

"Why baby?" nag aalalang tanong ni Mateo. Kumaway ako kina Kael at Loren.


"Umiyak kanina dahil hindi niya kayo naabutan. Hindi niyo raw sinama." sabi ni tatay, tinignan ko si Riley habang naka yuko siya. Umupo naman ako para silipin ko amg mukha niya. "Sorry na, dinalaw kasi namin yung tatay ng papa mo. May pasalubong naman kami sayo." may nadaanan kasi kaming nag titinda kanina ng turon tapos biglang nag crave rin si Mateo kaya napabili ako. Marami pa naman ang natirang turon kaya pinatikim ko rin kila tatay at kila Loren.


"Anong meron at napa dalaw kayo?" nag tungo kaming lahat sa sala, tinatanong ni Mateo sila Kael kung bakit sila napapunta saamin.



"Bumisita lang. Wala kasi kaming magawa ng mahal ko sa bahay." ani ni Kael. Nasa pagitan ni Kael at Loren si Riley tapos si tatay naman ang nag luluto ng hapunan kasi sabi ni Mateo dito nalang daw sila kumain saamin. "Tiyaka puro nalang exercise sa kama ginagawa namin ng mahal ko, nakaka pagod. Diba mahal?" siniko ni Loren si Kael kaya natawa ako.


"Puwede po ba mag exercise sa kama? Paano po yun?" nag tinginan kaming lahat ng makisali si Riley sa usapan. Tapos sinamaan ng tingin ni Mateo si Kael kaya ayun pigil na pigil ang tawa ni Kael, tapos hindi na naka tiis si Mateo at bahagya niyang sinipa ang binti ni Kael kaya napa hawak si Kael sa binti niya pero tumatawa pa rin.


"Puwede baby pero pang adults lang." hirit muli ni Kael.

"Isa pa Kael palalayasin na kita rito sa bahay namin. Puwede ba ma ikuwento mo nalang sa anak ko ang extinction ng dinosaur o ikuwento mo sakanya kung paano nag kakaroon ng solar eclipse. Kung ano anong tinuturo mo eh." namangha si Kael sa sinabi ni Mateo.

"Grabe. Pang matalino naman yung mga gusto mong kuwento eh. Puwede namang si Juan tamad o mga alamat." napakamot si Kael sa ulo niya. Hindi na nga lang nag salita si Mateo, nag paalam nalang muna ako na pupuntahan ko si tatay para matulungan ko siya. Pag dating ko ng kusina ayun nag luluto na siya, tinigil niya ang ginagawa niya at tinignan niya ako, hindi pa agad ako lumapit.


"Bakit?" tanong niya.


"Wala lang po. Kamusta naman po si Riley sa school niya kanina?" tanong ko habang mag huhugas ako ng kamay, at inalis ko rin muna yung singsing ko.


"Ayos lang naman. Kaninang tanghalian kumain nalang kami sa canteen ng school nila, at may nakilala akong lola din bantay ng kanyang apo." mabilis akong napatingin kay tatay, kinuha ko yung towel at pinunas ko yun sa kamay ko. Tumaas ang kilay ko dahil mukhang alam ko na kung saan tutungo ito.


"Biyuda rin no?" tumango siya at kumindat siya saakin. Umangat ang sulok ng nguso ko at napailing ako. "Gusto mo?" tumabi ako kay tatay para maging mahina lang ang usapan namin, nalalanghap ko yung usok ng niluluto niya kaya biglang kumalam ang sikmura ko. Nagugutom na ako, hindi kasi kami nakapag heavy meal kaninang lunch. Sandwich at juice lang naman yung kinain namin kanina ni Mateo.


"Hindi pa naman." nanlaki ang mga mata ko ng sabihin niyang hindi pa naman. So ibig sabihin may balak nga siyang gustuhin yung lola na yun sa school nila Riley, tinignan ako ni tatay at napangiti siya saakin ng nakaka loko. Kumunot ang kilay ko at humalukipkip ako.


Just for the sake (DonKiss) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon