Chapter 7

1.5K 61 13
                                    

"Mama nagugutom po ako, baba po tayo" pag ka gising na pag ka gising ni Riley ay yan ang sinabi niya saakin. Kung ano anong test ang ginawa sakanya kagabi, napagod rin kaiiyak dahil sa tusok ng mga karayom sa katawan niya.

"Good morning!" lumapit ako sakanya at umupo ako sa tabi niya. Mugto pa rin ang mga mata niya. Konting tiis lang anak.

"Nagugutom ka na?" tumango siya.

Lumabas ako at nang hiram ako ng wheel chair. Binuhat ko si Riley at sinakay ko siya.

Pag dating namin sa cafeteria bigla namang napuno ang pantog ko kaya nag paalam ako kay Riley na pupunta muna ako ng banyo. "Riley, mag c-cr lang si mama ha? Hintayin mo ako dito, wag kang kakausap ng taong hindi mo kilala" bilin ko sakanya bago ako umalis.

Pag dating ko ng banyo ang haba ng pila. Pag katapos kong umihi at nag lalakad na ako pabalik nakita ko na may kinakawayan si Riley pero naka talikod na yung lalaki. Binilisan ko yung lakad ko at naabutan ko si Riley na kumakain na ng waffle. Pag baba ng tingin ko sa hita niya may dalawa pa na waffle.

"Riley kanino galing yan?" tinuro niya yung lalaki na nag lalakad na palayo. Kumunot ang kilay ko.

"Binigay niya sayo yan?" tanong ko kay Riley, na busy pa rin sa pagkain niya ng waffle. Tumango si Riley. "Opo" sagot niya.

"Diba sabi ko sayo wag kang kakausap ng hindi mo kilala?"

"Mama nag pakilala naman po siya eh." napa pikit nalang ako.

"oh sige, sino daw siya?"

"Sir Mateo po."

"Bakit ka niya binilihan ng waffle?"

"Sabi ko po nagugutom ako" hay nako Riley, ang cute cute mo anak, kukurutin kita eh.

"Anong sabi ni mama sayo?"

"Huwag mag pabili kung hindi tinatanong" walang ka emo emosyon niyang tugon saakin.

"pero mama sinabi ko naman po kay sir Mateo. Sabi ko po wag ma pero sabi niya okay lang daw" hindi na nga ako sumagot kay Riley, alam ko namang hindi ako mananalo sakanya. Pag nag kolehiyo si Riley pakukuhanin ko ng political science, magaling mag palusot eh, bagay sakanya maging abogado.

Pinag pili ko si Riley ng gusto niyang kainin at tinuro niya yung spaghetti na hindi naman sa mamg lalait ako pero mukhang anemic yung spaghetti kaya mag suggest ako na mag kanin nalang siya at mag sabaw ng sinigang na baboy. Gusto ko rin kasi ng kanin.

"Yun nalang. Kasi mukhang masarap yung spaghetti nila. Sayang yung pera natin." bulong ko sakanya.

"Mama hindi rin naman po masarap yung spaghetti niyo. Pero hindi nasayang yung pera po natin." nagulat ako sa sinagot ni Riley saakin, noong nakaraan kasi nag luto ako ng spaghetti kasi nag sasawa na kami sa rice kaya nag pasta naman kami. Hindi pala masarap yung luto ko non? Eh bakit naubos naman naming dalawa.

"Joke lang po mama." sabi niya at humagikgik.

"Ikaw ah, loko-loko ka. Mag kakanin nalang tayo ha, tiyaka sinigang na baboy. Mas masarap yun" pangungumbinsi ko sakanya, at pumayag naman siya. Pag ka kuha namin ng order namin umupo na kami doon sa hile hilerang bench.

Ayaw kasi ni Riley yung binibigay na pagkain ng ospital kaya yung kagabi ako lang din ang kumain.

Pag ka subo ko sakanya nung kanin na may sabaw napa ngiwi ang mukha ni Riley. "Bakit?"

"Asim" sabi niya kaya natawa ako. Ito kaya ang gusto ko sa sinigang yung napapa ngiwi ka sa asim, tinikman ko yung sabaw at ang sarap.

________________________

Just for the sake (DonKiss) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon