Chapter 33

1.5K 46 2
                                    





Hindi ako mapakali, kinakabahan ako, sa buong buhay ko ngayong lang ako gagawa ng surprise. I never did this to Czarinah, kasi naiisip ko noon na ang bata lang yun at ang baduy ng mga ganon but look ito ako ngayon naiinis ns dahil hindi nanaman sinasagot ni Caloy ang tawag ko. I prepared a party for Eliza, nang malaman ko na wala siyang balak gawin sa birthday niya bigla nalang pumasok sa utak ko na mag pa organize ng birthday party para sakanya, and as usual wala akong alam sa ganon kaya hinayaan ko nalang yung event organizer, basta gusto ko simple lang pero may dating, parang si Eliza. Pag gising niya hindi siya masiyadong kumikibo, hindi niya ako masiyadong iniimik pero hinahayaan ko lang siya at nag kunwari nalang akong wala talaga akong alam kung ano mang meron ngayong araw.





"Mama, birthday mo po ngayon?" I was sitting here in the sofa while watching tv ng makita ko sila Riley at Eliza na pababa ng hagdan, naka hawak si Riley sa kamay ni Eliza.





"Papa! Birthday po ni mama." lumapit saakin si Riley at tumabi saakin, si Eliza naman ay nag punta sa labas. I took this chance para sabihin kay Riley ang tungkol sa surprise ko sakanya.





"Baby, do you know what surprise is?" yumuko ako para maging mag kalapit kami at kaming dalawa lang ang makakarinig ng pag uusapan. Tinignan ako ni Riley at tumango siya. Ngumiti naman ako.





"We have a surprise for your mama later. Wag kang maingay ha?" mukhang na excite si Riley dahil napa tayo siya sa kinauupuan niya at tumalon talon.





"Wow! Tapos akala ni mama nakalimutan mo po, sad nga po siya eh." I tap her head and put my index finger on my lips dahil biglang pumasok na sa loob si Eliza dala niya yung basket ng mga damit namin. Tinignan niya ako, I smiled at her. Mukha ngang matamlay siya.






Ka text ko na ang tatay ni Eliza, sagot ko ang fare niya papunta sa venue. Tinanong niya ako kung ano daw ba ang favorite ni Eliza na flavor ng cake, hindi ko alam ang isasagot ko kasi hindi ko alam kung ano nga ba ang favorite niya kaya sabi ko nalang kahit anong flavor nalang kasi hindi naman mapili si Eliza sa pagkain. Ka aalis lang niya ng bulacan at sabi ko na doon nalang kami mag kita. I already informed mama about this, at sabi niya na siya nalang daw ang may sagot ng cake, sabi ko nga na mag invite siya ng ibang friends and family friends, because I have something to announce later. Tapos si Caloy naman personal kong pinapunta sa close friend ni Eliza na si Karen para masabihan tungkol dito, sana maka punta sila mamaya. Bumalik si Eliza sa kuwarto namin tapos sumunod nanaman si Riley sakanya kaya ngayon nag dadasal nalang ako na sana wag madulas ang anak ko, baka kasi maikuwento niya. Napakamot ako sa ulo dahil hindu ako mapakali, tumayo ako at umakyat ako, pag dating ko naka awang ng konti ang pinto ng kuwarto namin. I eavesdrop while Riley and Eliza are talking. There are moments like this, na natutuwa ako pag naririnig ko silang nag uusap kaya minsan hindi na ako sumasali at nakikinig nalang ako.




"Mama kanina ka pa po sad. Okay ka lang po?" malamabing na tanong ni Riley kay Eliza.




"Oo naman okay lang ako."





"Oh halika na itali na natin 'yang buhok mo baka bigla na tayong tawagin ng papa mo tapos hindi pa tayo ayos. Alam mo naman masungit yun at ayaw ng nag hihintay." tignan mo ito, sinisiraan nanaman niya ako kay Riley. Pero kahit na medyo na asar ako doon hindi ko pa rin binuksan yung pintuan.





"Saan po ba tayo pupunta mama?" tanong ni Riley kay Eliza. Hindi ko narinig ang pag sagot ni Eliza, baka napagod na siya kasasagot sa kadaldalan ni Riley.




Today is Eliza Barcelona's birthday.




"Mama, mahal niyo po ba si papa?" Riley asked. I don't know but I'm waiting for her to say yes. "Eh si papa po mama, love ka po ba niya?" tanong niya ulit. I looked away, hindi ko rin alam ang sagot sa tanong na 'yon.





Just for the sake (DonKiss) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon