Umiiyak ako kasi pag dating ko sa school nila Riley, wala si Riley tinatanong ko sa guard pero hindi daw nila napansin kasi nag lalaro daw si Riley sa playground kanina eh. Eh yung playground ng school nila medyo malayo dito sa guard house. Nandito yung bag ni Riley pero wala siya tinawagan ko si Karen para maka sunod siya agad dito saakin. Alam na rin ng adviser at principal ang tungkol sa nangyayari ngayon.
Niyakap ko agad si Karen pag dating niya.
"Si Riley nawawala Karen. Nandito yung bag niya oh pero wala siya." sabi ko habang humihikbi hikbi. Kung kaya ko lang kasi talaga mag bayad ng yaya para kay Riley, kumuha na ako eh nang sa gayon ay nababantayan siya lagi kahit wala ako.
"Eh sabi naman sa police station hindi pa daw sila puwedeng gumawa ng aksyon hangga't wala pang 24 hours na nawawala yung bata. Bakit ganon Karen?!" halos mag hysterical ako kanina sa police station pero yun daw talaga ang rule kaya wala silang magagawa.
"kumalma ka muna. Anong oras ba uwian ni Riley?"
"2 PM ang uwian niya" habang hinihintay namin ang action ng school authorities tungkol dito tumatawag saakin sa messenger si Mateo. Tinignan ko si Karen at nakita niya ang tinutukoy ko, tumango siya kaya't sinagot ko ito.
Habang alalang alala ako dito narinig ko ang boses ni Riley na tinatawag ako. Pag lingon ko sa likuran ko nakita ko si Riley na tumatakbo papunta saakin at sa likuran niya ay si Mateo. Hindi ko na muna inisip kung bakit mag kasama sila dahil ang importante nandito na si Riley at walang nangyaring masama sakanya.
"Saan ka galing?" nag aalala kong tanong. "May pinuntahan lang kami" si Mateo ang nag salita inangat ko ang tingin ko sakanya.
"Mayor ma walang galang lang ho ano, pero bakit hindi niyo naman po pinag paalam saakin si Riley? Mamamatay po ako sa pag aalala sa anak ko eh." sabi ko, pinag titinginan kami ng mga tao kaya napa yuko ako. Kinuha ko ang bag ni Riley at hinawakan ko ang kamay niya para maka alis na kami, nang hingi ako ng paumanhin dahil sa abala.
"Eliza!" sigaw ni Mateo, mas binibilisan ko ang lakad ko kasi nararamdaman ko na naka sunod siya saamin. Si Karen hindi ko alam kung saan siya.
"Eliza, huminto ka nga. Sorry na, okay?" hinawakan niya ang braso ko. Ang hahaba naman ng biyas niya at ang bilis niyang naka sunod saakin. Tinignan ko siya.
"Bakit hindi mo saakin sinabi?" natigilan ako. Ano ang ibig niyang sabihin? Hindi ba't ako dapat ang nag tatanong sakanya niyan dahil isinama niya si Riley sakanya ng hindi niya saakin pinapaalam?
"Ang alin?" seryoso at walang emosyon kong tanong sakanya.
"Na ikaw yung babae sa club six years ago. The blind folded girl" napalunok ako dahil sa narinig ko. Napa awang ang mga bibig ko, walang gustong lumabas na salita dito. Para akong naging yelo sa kinatatayuan ko.
Lumapit saakin si Mateo.
"Si Riley, saakin ba si Riley? Anak ko ba siya? Kaya ba sobrang gaan ng pakiramdam ko sakanya? Kaya ba may kung ano akong nararamdaman sa tuwing kaharap ko si Riley dahil anak ko siya?"
Hinahatak ni Riley ang blouse ko. Kaya tinignan ko siya. "Mama ano po nangyayari?" tanong niya habang mangiyak ngiyak ang mga mata niya.
Sinakay kami ni Mateo sa van niya at walang nag sasalita buong biyahe, pag dating namin sa bahay namin sinamahan ni Karen si Riley sa taas para maiwan kami dito ni Mateo sa baba at makapag usap kami. Hinawakan niya yung pulso ko at hinatak niya papunta sa sala, sobrang higpit ng hawak niya, nasasaktan ako.
BINABASA MO ANG
Just for the sake (DonKiss)
FanfictionIs this the right way for her to achieve those? Get to know with Elizabeth Barcelona. Ranked # 1 in Fanfiction