Czarinah's POV
Nandito ako ngayon sa Paris para tuparin ang pangarap ko, wala pang isang taon na naninirahan ako dito sa Paris ay nakilala ko si Ralph. Alam niya na meron akong boyfriend pero tinuloy niya ang panliligaw niya saakin. Mahal ko naman si Mateo pero napilitan lang talaga ako na mahalin siya dahil sa sinabi saakin ng papa ko, para daw matuloy yung business na gusto niya kailangan may kundisyon na maging kami ni Mateo kung saan ang tatay ni Mateo ang kasosyo nito. Naging kami ni Ralph at may nangyayari na saamin. Nabuntis ako pero hindi ako nawalan ng koneksyon kay Mateo, kami pa rin kahit buntis na ako sa magiging anak namin ni Ralph. Sa tuwing tinatanong niya ako kung kailan ko daw ba balak umuwi lagi kong nirarason sakanya na hindi ako puwedeng umuwi dahil sobrang busy ko o di kaya'y ayaw ko gumastos para sa plane ticket. Patago akong umuwi sa Pilipinas noon para doon manganak, sinanay namin si Bryce; anak ko. Na mag dede sa bote para hindi ako mahirapan na maka balik agad sa Paris.
Hindi ako lumalabas noon dahil natatakot akong baka may maka kita saakin. Nung nag anim na buwan si Bryce, bumalik na ako sa Paris at naiwan na si Ralph para siya ang mag aalaga sa anak namin. Parang walang nangyari pag balik ko, ang buong akala ni Mateo nasa Paris lang ako nag papaka lugmok sa pag aaral ko. Araw-araw kaming nag kakausap sa face time, kung may oras nakakapag chat pa rin sa isa't isa. Minsan nga mas maraming oras pa ang nabibigay ko kay Mateo kesa sa mag ama ko. Pag tatawag na kasi saakin si Ralph inaantok na ako kaya minsan 30 minutes lang kaming nag uusap. Lagi akong tinatanong ni Mateo sa kasal kasal na yan, pero paano ko siya pakakasalan kung may iba naman na akong mahal, hindi ko pa nasasabi sakanya kaya lagi ko nalang dinadahilan ang pag aaral ko.
Alam ko na magagalit si papa saakin pag nalaman niya ang tungkol dito, pero wala naman na silang magagawa dahil nandito na eh, nangyari na. Hindi talaga kami ang para sa isa't isa ni Mateo tiyaka patay naman na ang tatay ni Mateo, patay na si tito Ernesto hindi naman na rin niya makikita na ikakasal kami ni Mateo. Napag kasunduan na namin ni Ralph, handa na kaming humarap sa katotohanan, lumalaki na si Bryce kailan pa niya makikilala ang parents ko? Pag wala na sila? Kailan niya pa matatawag na lolo ang daddy ko at lola ang mommy ko kung hindi ko kaya harapin ang katotohanan.
Basta nangako kami ni Ralph na kahit anong mangyari ay nandito lang kami para sa isa't isa. Walang problema sa pamilya ni Ralph, alam nila ang tungkol saamin at kay Bryce, minsan din nag pupunta sila doon para makita naman ng mga magulang ni Ralph si Bryce.
"Babe, mag iingat ka sa flight mo" sabi saakin ni Ralph habang mag kausap kami sa face time. Kasalukuyang inaayos ko ang mga bagahe ko. Mamayang 4 PM aalis na ako dito sa condo ko at pupunta na ako ng airport.
"Ready ka na ba?" tanong niya saakin. Tumango ako. "Dapat lagi akong ready" sabi ko at ngumiti.
"I love you" sabi ko. Katabi niya si Bryce nag susulat. Hindi pa pumapasok si Bryce pero sumasama siya doon sa anak ng ate ko nakiki saling pusa kasi nainggit daw.
"I love you. Bryce hello, mommy is here oh" pag tawag ko sa atensyon ni Bryce. Binaba niya ang lapis niya at siniksik niya ang mukha niya para makita ko siya sa screen.
Hindi pa siya ganon katatas mag salita pa isa isang word palang hindi niya pa kayang mag construct ng sentence.
"Sorry----" sabi nung babaeng naka bungguan ko. Dumating na ako kahapon, sinundo ako ni Ralph at Bryce tapos kasama nila ang mommy ko.
"its okay miss" sabi ko. Tinanggal ko ang shades ko para makita ko siya maigi. Nginitian ko siya linagpasan na rin dahil hinihintay ako ni Ralph at Bryce. Andito kami ngayon sa school kung saan nag aaral yung anak ng ate ko, hinatid namin siya. Lumabas si Bryce sa classroom at tumakbo saakin. Kinarga ko siya at hinalikan sa pisngi. Lumapit naman saamin si Ralph at hinalikan ako ni Ralph sa pisngi. Ang saya pala pag kasama mo yung pamilya mo. Namiss ko ito, mahirap ang nag iisa tapos nasa malayo ka pa, lagi ka nalang nangangamba kung kamusta na ba sila, kung kumain na ba sila o anong ginagawa nila.
BINABASA MO ANG
Just for the sake (DonKiss)
FanfikceIs this the right way for her to achieve those? Get to know with Elizabeth Barcelona. Ranked # 1 in Fanfiction