Chapter 31

2.1K 62 29
                                    




Naabutan ko na kumakain na silang dalawa. As usual, sinusubuan ni Eliza si Riley dahil mabagal itong kumain ng kanin, at hindi siya matatapos hangga't hindi mo siya tinutulungan. Sinalubong ako ng ngiti ni Riley, sinubukan kong tumingin kay Eliza pero naka focus lang siya sa kinakain niya. "Papa!" bumaba si Riley sa upuan at hinagkan niya ako. Ginulo ko naman ang buhok niya tapos ay niyakap ko siya.




"Hindi ka na ba galit saakin?" umiling iling siya habang nginunguya niya yung pagkain na nasa loob ng bunganga niya. At kahit puno ang bunganga niya pinilit niyang mag salita.




"Hindi na po. Sabi po kasi ni mama bad yung nagagalit ng matagal." tinignan ko si Eliza at nahuli ko siyang naka tingin saamin kaya nag iwas siya ng tingin at bumalik sakanyang pagkain. Binalik ko naman ang atensyon ko kay Riley.




"Akala ko galit ka pa rin saakin. Oh tara na, kain na tayo." binuhat ko siya at binalik ko siya sa upuan niya, hindi na ako nag palit ng damit at sinaluhan ko na muna sila sa pagkain, sinigang na baboy kasi ang ulam na niluto ni Eliza. Pag katapos namin kumain tumayo agad ako, kukunin ko na sana yung mga plato at baso kasi balak ko na ako ang mag hugas kahit hindi ko naman talaga alam ang tamang pag huhugas. Tumayo rin si Eliza at kinuha niya saakin yung mga plato at baso.




"Ako na po mayor." sabi niya at nag tungo siya ng kusina. Sinundan ko siya.


"Ako na, diba you want this family to work out?" inirapan niya ako.



"Ang sabi ko po maging tatay kayo kay Riley hindi ko sinabing maging katulong namin kayo." pambabara niya saakin. Napahinga naman ako ng malalim, namimilosopo pa siya.




"Okay. So how are we gonna start this? Anong gagawin natin para mag work ang pamilyang ito?" tanong ko sakanya. Sinandal ko ang puwet ko sa tiles ng sink and I crossed my arms, habang siya naman ay nag uumpisa ng hugasan yung mga pinagkainan namin.



"Wag ka ng makipag kita kay Czarinah." walang pag aalinlangan niyang tugon. Seryoso ang kanyang mukha.



"Eliza may business kaming inaasikaso, kailangan naming mag kita para pag usapan yun." pag papaliwanag ko. Hindi siya tumitingin saakin, diretso lang ang tingin niya sa mga plato na hinuhugasan niya.


"sa tingin mo maniniwala ako sayo?" umiling siya. Kumunot naman ang noo ko. Ano ba mga pinag sasasabi niya?



"Wow. Saating dalawa ikaw nga itong nag sinungaling. Una, hindi mo sinabi ang tungkol kay Riley. Tapos sinabi mo kay Mario na mag kaibigan lang tayo. Tapos ikaw pa itong hindi maniniwala saakin." isinrado niya ang gripo at tinignan niya ako ng diretso sa mata. Damn, her eyes are so hot, nakakatunaw. Pero inalis ko muna sa isip ko yun, nag uusap nga pala kami.




"kung hindi mo kayang mag sakripisyo para kay Riley o para sa pamilyang ito, sabihin mo lang mayor, kasi kahit mahirap ako nalang mag mag p-provide kay Riley mag isa ng pamilya. Ayaw kong masaktan ang anak ko, ayaw kong isipin niya na may kahati siya sa pag mamahal natin sakanya. I'm willing to give everything the best for Riley mayor, and I hope you too. She needs a family, she needs us, at tayo lang kasi tayo ang mga magulang niya. Sana naiintindihan niyo po ako." sabi niya saakin. Of course I'm also willing to give everything for Riley.




Iniwan niya akong mag isa dito sa kusina at gumawa silang dalawa ni Riley ng project.



Nakapag desisyon na ako. Si Caloy muna ang bahala sa pakikipag usap kay Czarinah. I have to spend more time for my family, I realized, I'm the head of this family at ako dapat ang nangunguna para maging effective ito at gumagawa ng paraan para sa asawa at anak ko.




Just for the sake (DonKiss) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon