Chapter 20

1.7K 58 20
                                    

Si Riley ang nag lead ng prayer bago kami kumain. Medyo nagulat pa nga sila kasi si Riley ang nag sabi na mag pray muna daw kami bago kami kumain, at namangha din sila dahil kabisado niya.

"Bless us O, Lord for these thy gifts which we are about to receive, from thy bounty through Christ our Lord, Amen." nag thumbs up ako kay Riley at nakipag apir ako sakanya.

Kukunin ko sana yung ulam pero inunahan ako ni Mateo. "Ako na" sabi niya at isinalin yung gusto ko na ulam sa plato ko, alam ko na galit pa rin siya saakin but at least he is trying to be civil with me.

"Salamat" nahihiya kong wika.

Hindi muna kami nag usap habang nandito si Riley, tinapos muna namin ang pagkain bago simulan ang dapat pag usapan. Sa totoo niyan hindi ko rin alam kung ano ba ang pag uusapan namin ngayon, pero pakiramdam ko'y ito na ang magiging pagkakataon ko para ipaliwanag ang lahat. Sana makinig na saakin si Mateo at intindihin niya ako.

Pag ka tapos naming kumain tinawag nila yung katulong na kasundo ni Riley, sinabihan ko si Riley na huwag siya masiyadong makulit dahil katatapos lang niya kumain baka sumakit ang tiyan niya.

"Ma hindi ko na po kukunin ang anak ko sakanya. We had a deal" panimula ni Mateo ng usapan.

"mag papakasal po kami ma" nasamid naman ang nanay ni Mateo, kaya hinimas ni Mateo ang likod nito.

"I'm fine."

Tinignan ako ng nanay niya.

"Pumayag na ba siya?" ibinaling niya naman ang tingin niya sa anak niya. Nag hihintay siya ng sagot mula saaming dalawa.

"Ayaw ko po sana..."

Muntik ko ng masipa ang upuan na nasa harap ko dahil kinurot ni Mateo ang hita ko.

"Bakit naman ayaw mo pumayag? Ayaw mo bang maging De Prado si Riley?" hindi agad ako naka sagot.

"Ako na ang mag dedesisyon. Kailangan niyong ikasal, alang alang nalang sa apo ko. Gusto kong ibigay ni Mateo ang apelyido niya sa una ko na apo, matagal na akong nang hihingi ng apo sakanya at inaasahan ko sakanila yun ng ex-fiancé niyang si Czarinah." oo nga pala, hindi ba't sinabi niya saakin kailan lang na baka malapit na siyang ikasal, anong nangyari sakanila?

"Basta dapat kayong ikasal. Kahit para sa bata nalang" sabi ng nanay niya tumayo nansa hapag. Naiwan kaming dalawa ni Mateo dito.

Akala ko makakapag paliwanag na ako pero hindi naman niya ako tinanong.

Hindi kami nag pansinan ni Mateo pero pareho kaming umakyat at nag punta sa kuwarto ni Riley. Tama nga si Riley malaki ang kuwarto niya, kahit ako naman ang matutulog dito at mag isa ko lang matatakot din ako. Lumabas si Nene kaya naiwan kaming tatlo dito sa loob ng silid, wala pa ring alam si Riley na tatay niya si Mateo. Naupo ako sa kama ni Riley habang si Mateo naman ay naupo sa carpet kasama si Riley, nag lalaro sila ng lego building blocks, parang bago lang yung laruan na yun ni Riley. Siguro binili ni Mateo para may mapag laruan siya dito. Pinag mamasdan ko lang silang dalawa, ang saya saya ni Mateo, para siyang anghel pag si Riley ang kaharap niya. Nakikita ko na mahal na mahal niya si Riley, siguro kung puwede niya lang din ibigay lahat kay Riley ibibigay niya.

Kung hindi lang sana talaga pina tagal ng tadhana ang muli naming pagkikita wala kami sa sitwasyong ganito ngayon. Naaalala ko noon habang pinag bubuntis ko si Riley, mag isa ko lang na pumupunta sa daily check up ko, sa tuwing tatanungin ako ng doktora ko kung nasaan ba ang asawa ko sinasabi ko na nag tatrabaho siya sa abroad, nahihiya kasi akong ipaalam sa tao na walang tatay ang anak ko, na wala akong asawa. Pero naisip ko ngayon, siguro mas nakaka hiya ako kung pinili kong wag buhayin si Riley. Kahit sobrang mababaliw na ako noon sa kapoproblema nung nalaman ko na buntis ako, at inisip ko na agad yung mga magiging gastos ko, kahit kailan hindi sumagi sa utak ko na ipalaglag ang anak ko. Kahit wala akong kasiguraduhan noon kung makakaya ko bang bumuhay ng bata, ipinag patuloy ko ang pag bubuntis ko kay Riley. Kaya dapat matuwa si Mateo dahil hindi ko pinabayaan ang anak niya; namin.

Just for the sake (DonKiss) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon