Chapter 21

1.5K 52 9
                                    

"Magiging mag asawa naman na tayo. You can resign at your work now and start working on my father's businesses instead." sobrang malakas ang ulan, kulog at kidlat ngayong umaga kaya hindi agad ako maka uwi sa quezon city. Tinatawagan na kasi ako, ano daw ba ang nangyayari saakin at panay ang absent ko. Nag dahilan nalang ako na laging masama ang pakiramdam ko. Hindi pa rin pumapasok si Riley sa bago niyang school dahil miyerkules palang ngayon.


"Pero hindi naman puwedeng basta basta nalang po ako umalis." nandito kami ngayon sa baba ni Mateo, dahil nga nag papaalam ako na uuwi muna ako.


"Gumawa ka na ngayon ng resignation letter mo. What if we already get married? Hindi puwedeng maiwan ka doon. You have to stay with us here." sumalampak ako sa upuan at pinanonood ko siya habang nag sasapatos.

"Oh, anong nangyayari dito?" biglang dumating ang nanay ni Mateo, tumayo ako at nag mano ako sakanya. Mukhang galing siya sa hardin niya suot niya pa kasi ang gloves niya at dala dala niya ang malaking gunting.

"I'm telling her to resign. We're getting married, she can manage one of papa's business" sabi nito sa nanay niya. Her eyebrows curved.

"which one?" she asked.

"the hardware in Bohol. Or the hotel in Cebu. She can choose between the two" ngayon ko lang nalaman yung mga negosyo na meron sila, kaya naman pala naging sisiw nalang sakanya ang 12k noon. Tumawag ako kay Makoy at sinabi ko sakanya na hindi na nga ako makaka pasok uli ngayon, biniro pa niya akong namimiss na daw niya akong makita, hindi ko naman yun pinansin at nag paalam na rin ako na baka bukas nalang ulit ako maka punta doon. Habang tulog pa rin si Riley sinubukan kong tumulong sa mga gawaing bahay dito.


"Ah ma'am kami na po diyan" kinuha ko ang walis tambo dahil balak ko sanang mag walis dahil wala akong magawa at hindi ako sanay ng wala akong ginagawa. Para bang sa sobrang sanay ko sa mga pag gawa ng trabaho ay naging parte na ito ng sistema ko, na pakiramdam ko pag hindi ako gumawa ng isang gawaing bahay ay parang hindi ako mapakali. Kinuha niya sa kamay ko yung walis.

"Wag mo na akong tawagin na ma'am. Eliza nalang. Pare pareho lang naman tayo dito, hindi mo ako amo." sabi ko sakanya at ngumiti.


"Pasensya na po ma'am--"

"Ah Eliza pala." natawa ako. Sa trabaho ko lang ako nag papatawag ng ganoon, kasi halos lahat naman kami ay yun ang tawag sa isa't isa. Maliban lang saaming dalawa ni Makoy.

"Sige na, ako nalang ang mag wawalis. Wala kasi akong magawa." akala ko ay okay na pero ayaw pa rin niyang ibigay saakin yung walis.

"Eh ano ba gagawin ko?" pinilit ko pa siya hanggang sa napapayag ko rin. "Tapos ikaw naman ang mag lampaso." utos ko sakanya. Nakaka hingal pala mag walis dito sa bahay nila Mateo, napaka laking espasyo ang kailangan mo na linisin, dapat pala mga tatlong tao ang nag tutulungan mag walis, pero ayos lang. Sisiw lang 'to, parang hindi naman ako naging kargadora sa palengke noon. Kargadora ng mga tinapay lang naman.

"Tanong ko lang po, girlfriend po ba kayo ni mayor?" naka tungtong sa hagdanan si Elena; isa sa mga kasambahay nila, at nililinisan niya ang chandelier na nandito sa sala.

"Hindi" maikli kong tugon. Pag katapos ko na mag walis kinuha ko naman yung vacuum cleaner para sa carpet.

"Pero mag papakasal po kayo? Ang labo naman non." mas matanda ako kay Elena ng dalawang taon kaya isinisingit niya ang po at opo habang kausap niya ako, pumayag naman ako, basta't huwag lang ang ma'am.

"Sino naman ang nag sabi sayo niyan?" tanong ko sakanya.

"Si Ma'am Zenaida, kinukuwento niya po saakin kanina nung sinamahan ko siya sa garden niya. Sinabi niya na ikakasal na si mayor, tapos tinanong ko kung kanino at ang sabi niya doon daw sa babaeng kasama ni mayor, edi ibig sabihin po, ikaw yun." akala ko ba ayaw muna nilang ipaalam kahit kanino ang tungkol sa kasal kaya inatasan ang lahat ng tao kahapon na kung puwede wala munang dadaan o mananatili sa dining area.

Just for the sake (DonKiss) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon