Chapter 16

1.3K 38 6
                                    



Magang maga ang mga mata ko pag gising ko. Parang ayaw kong pumasok sa trabaho, ayaw kong kumilos, tinatamad ako. Para akong nabibingi sa katahimikang bumabalot dito sa loob ng apat na sulok na apartment na ito. Walang makulit sa pag gising ko sa umaga, walang madaldal na tanong ng tanong saakin sa mga kung ano anong bagay. Hindi talaga sinasagot ni Mateo ang mga tawag ko pati ang mga message ko sakanya, wala akong nakuha ni kahit tuldok lang.


Sana hindi nalang niya nalaman. Sana hindi nalang kami naging malapit sakanya kung ganito lang din pala ang mangyayari. Hindi ito yung na imagine ko na mangyayari pag dumating yung time na malaman na niya na siya ang tatay ni Riley. Ineexpect ko na magiging isang masayang pamilya kami, na mag kakaiyakan kami dahil sa saya at hindi dahil sa sakit. Hindi dapat ako mawalan ng lakas, kailangan ko pa ipag laban ang karapatan ko kay Riley. Bumangon ako at inayos ko ang sarili ko, papasok ako sa trabaho ko ngayon at pag katapos nun pupuntahan ko si Riley. Gusto ko makita ang anak ko. Hindi ako papayag sa ganito. Alam ko na hindi ako kasing taas niya, wala akong maraming salapi gaya niya, pero hindi puwede na ganon ganon nalang.




"Anong nangyari sayo?!" sinalubong ako ni Makoy na may pag aalala sa mukha niya. Hinawakan niya ang mag kabilang pisngi ko at napa ingit ako. "Aray" daing ko.



"Anong nangyari sayo?" pag uulit ni Makoy sa tanong niya kanina. Umiling ako.


"Anong wala? Yung braso mo bakit may pasa?" sinuot ko yung blazer ko para matkapan yung pasa na sinasabi ni Makoy. Hindi ko ito napansin kanina.



"Sinong may gawa niyan sayo Eliza?" seryosong tanong ni Makoy. Hindi ko pa nasasabi sakanya ang tungkol kay Riley at Mateo. Pero kilala niya si Mateo dahil nga nag kita sila noon sa bilihan ng palabok.


Pakiramdam ko sasabog ang puso ko, hindi ko mapigilang hindu umiyak. Ayaw ko na sana kasing pag usapan pero pinipilit naman ako ni Makoy. Ayaw ko malaman ng ibang tao ang ginawa saakin ni Mateo kaya nag dahilan nalang ako na nabunggo ako sa kanto ng banyo namin kanina kasi antok na antok pa ako at hindi ko iyon napansin.


"Hindi ka ba kakain?"

Umiling ako.


"Mauna na kayo. Busog ako, marami akong kinain kaninang umaga" sabi ko kay Makoy. Pero ang totoo niyan hindi talaga ako kumain, wala pa akong kinakain kahit ano. Wala akong gana.


Mag a-las dos na kaya lumabas muna ako para sunduin ko si Riley. Pag dating ko ng school niya para akong tanga na hinahanap si Riley, sabi ng adviser niya kanina daw may pumunta na lalaki dito sa school nila Riley na katamtaman lang ang height, kulot at maputi at naka suot daw ng white polo shirt. Kinuha ang lahat ng requirements ni Riley sa school kasi itatransfer daw.


"Ma'am bakit hindi niyo po alam?" hindi ako sumagot. Talagang sinusubukan ako ng De Prado na yun. Isinukbit ko ang bag ko sa sa balikat ko, hindi na ako babalik sa trabaho ko at pupunta ako ng Pasay.


Ano ba ang ininom niyang gatas noong bata palang siya at hindi siya makaintindi? Sa pag kaka-alam ko mayaman sila, at sigurado naman akong hindi nag kulang ang ina niya sa mga bitaminang pina inom sakanya o di kaya naman ay nasobrahan at naapektuhan ang pag iisip nito.


_________________________



Nagising ako na katabi ang anak ko. I was just smiling while staring at her, she's like an angel. I didn't notice that a tear fell down from my eyes. I wiped those kasi hindi pa rin ako makapaniwala na may anak pala ako. I touched Riley's face, mag kamukha nga talaga kami sa kilay. Kaya naman pala, lukso pala ng dugo ang tawag doon sa nararamdaman ko.


Just for the sake (DonKiss) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon