I woke up na wala na si Riley at Mateo sa tabi ko, tinignan ko agad ang cellphone ko at ng makita ko ang oras mabilis akong napa bangon, sinilip ko yung kuwarto namin ni Mateo pero wala siya roon. Nag tungo ako sa kusina, and guess what? Nag luluto si Riley at Mateo, I stood beside the refrigerator para hindi pa nila agad ako makita.
"Papa ilagay mo na po ito masusunog na po yan oh." kinuha ni Riley yung isang mangkok na rice at maingat na inabot kay Mateo, are they cooking fried rice? Kinuha ni Mateo yung inabot ni Riley sakanya. Sobrang ang ganda naman ng umaga na 'to, napangiti ako habang pinapanood ko si Riley na tinuturuan si Mateo sa mga gagawin niya, wala talagang alam na trabaho si Mateo palibhasa laki sa yaman.
"Tapos papa lagyan niyo po ng salt at scrambled egg"
"Paano mo nalaman mag luto ng ganito?" Riley shrugged her shoulders. "Napapanood ko lang po kay mama." sabi niya at pinanood niya si Mateo habang niluluto yung fried rice.
"Mama!" bumaba si Riley sa upuan at tumakbo saakin. Si Mateo naman ay tumingin din saakin, nginitian ko siya pero tinanguan niya lang ako. Umupo ako at hinalikan ko si Riley.
"Ang daya niyo naman hindi niyo ako ginising." pag kukunyari ko na nag tatampo ako, sumimangot pa ako kay Riley. Hinalikan niya naman ako.
"Mama wag ka na po mag tampo." wika ni Riley. "Riley told me na mag luto daw kami ng breakfast kasi parating ikaw nalang daw." I made a face. Umagang umaga ang sungit mo. Ako ang nag timpla ng kape dahil hindi alam ni Mateo mag timpla ng masarap na kape.
Pag dating namin sa school ni Riley, pimag titinginan kaming tatlo lalo na yung mga parents na nag babantay din sa mga anak nila, panay ang bati nila kay Mateo ng good morning tapos ay dadako ang tingin nila saamin ni Riley. Mukha okay naman si Riley dito sa bago niyang school, tinanong ko siya kung kamusta siya sabi niya okay lang daw siya, excited na raw siyang makilala ang magiging new friends niya at classmates niya. Nasa bisig ni Mateo si Riley habang ako naman ang humahatak ng bag niya. "Hi" may lumapit na batang babae kay Riley at binati siya. "Hello" tugon ni Riley sakanya.
"Mama at papa mo sila?" tumango si Riley at tumingala siya para tignan kami ni Mateo. Kumaway ako doon sa batang babae at yumuko ako.
"Hi, ako si Eliza, mama ni Riley. Ikaw anong pangalan mo?" naningkit ang mga mata niya dahil sa ngiti niya.
"Hello po. Ako po si Faith." hindi nawala ang ngiti ko habang nakikipag usap doon sa bata. Mukha siyang mabait, sana maging mag kasundo sila ni Riley. Si Mateo ang nakipag usap sa adviser ni Riley, at nung matapos na siyang makipag usap pinanood muna namin kung saan ba uupo si Riley at kung sino ang makakatabi niya. Riley waved at us.
"Susunduin niyo po ako mamaya papa?" tumango si Mateo at tinap niya ang ulo ni Riley na parang tuta lang. "promise." sabi ni Mateo at ngumiti. Nag pa kiss si Mateo sa pisngi bago kami tuluyang umalis, isasama niya ako sa trabaho niya ngayon, pupunta daw kami sa site ng center na pinagagawa niya.
Habang nasa biyahe kami umidlip si Mateo, tinignan ko siya at ito lang naman ang mga bagay na pumasok sa isip ko habang pinag mamasdan ko siya. Ngayon na kasal na kami, at mas lagi na niyang nakaka sama si Riley I could see how much he loves Riley, kanina siya ang nag paligo kay Riley kaya hinayaan ko naman siya dahil gusto ko iparanas sakanya yung mga ginagawa ko sa loob ng six years para kay Riley na wala siya. Hindi pa rin nag babago si Mateo, he is still hurting me both physically and mentally, pero wala akong sinasabi kay Riley dahil ayaw ko na magkaroon siya ng galit kay Mateo, ayaw kong isipin niya na hindi mabait ang papa niya, na hindi mapag mahal ang papa niya dahil ang totoo niyan mabait naman siya at mapag mahal pero hindi saakin. I thought he would do things para mag work ang family na ito, his phone vibrated nakalapag lang kasi ito sa pagitan namin kaya nakita ko yung notification.
BINABASA MO ANG
Just for the sake (DonKiss)
FanfictionIs this the right way for her to achieve those? Get to know with Elizabeth Barcelona. Ranked # 1 in Fanfiction