Chapter 35

2.1K 69 17
                                    




"Bulaklak sa umaga para sa misis kong maganda." inabot saakin ni Mateo ang isang stem ng red rose, lagi niyang ginagawa ito, araw-araw pag gising ko may rosas para saakin. Ang dami na ngang naka lagay doon sa vase na may tubig, naiipon na sila. Dito na pala nakatira si tatay saamin pinaalis ko na siya sa trabaho niya doon sa Bulacan tapos minsan nag lilinis nalang siya ng mga sasakyan ni Mateo kasi nahihiya daw siya na wala siyang ginagawa pero hinahayaan ko nalang din baka kasi naiinip lang siya at hindi siya sanay ng walang ginagawa, tulad ko. Si Riley naman ay top 2 sa klase nila, pero okay lang naman saamin ni Mateo kahit hindi siya ang pang una dahil ayaw namin siyang i-pressure sa grades niya, basta nag usap kami ni Mateo na kung ano lang ang kayang ibigay ni Riley saamin na grades ay magiging masaya na kami doon. Mahirap kasi pag yung pinepressure yung bata sa pag aaral pakiramdam ko kasi mas mawawalan ng gana yung bata pag ganon, kasi bakit mo pipilitin kung hindi naman niya kaya tiyaka nag aaral naman ng mabuti si Riley.




Parang ang bilis ng pangyayari na from ruthless guy to lover boy na si Mateo ngayon, sa sobrang clingy nga niya minsan namimiss ko tuloy yung mga panahon na nag aaway kami. Pag wala siya dito sa bahay maya't mayang tumatawag tapos mag tatanong lang kung anong ginagawa ko, itatanong niya kung kumain na ba kami, anong ulam namin, yung mga ganong bagay. Tapos pag hindi agad ako nakapag reply tatawag siya ng tatawag kaya minsan naiinis ako.



"Thank you. Si Riley at si tatay nasaan?" mukhang tahimik na kasi ang bahay. Simula nung hindi na ako nag tatrabaho at nasasanay na akong nasa loob nalang ako ng bahay hindi na ako nakakagising ng maaga laging alas nuebe na ang gising o di kaya'y alas otso na hindi usual saakin kasi dati 5 AM gising na ako. Si tatay na kasi ang nag luluto ng almusal tapos siya na rin minsan ang sumasama kay Riley sa school ipag dadrive sila ni Celso tapos pag umuuwi sila may pasalubong silang pagkain para saakin.




"Ka aalis lang nila. Sabi ko kay Riley wag ka ng gisingin tapos sabi niya sige daw i-kiss nalang daw kita para sakanya." he grinned at ngumuso siya saakin. I lean forward to kiss him. "Joke lang daw sabi ni Riley. 1 point nanaman para kay Mateo." sabi niya at tumawa siya na akala mo nakaisa siya sa bata. Umirap naman ako at tumayo na ako sa hagdan.




"Uto-uto ba ako para maniwala ako sayo. Gusto lang din kitang halikan, bakit?" yung akala mong kung sinong nananakit noon may pag ka isip bata pala. Nakapamaywang siya habang naka tingin siya sa sahig.




"Oh, natahimik ka?" nag angat siya ng ulo at tinignan niya ako, inakbayan niya ako tapos naupo kami sa sofa.




"Mag sasarado na kasi yung café. Talagang wala ng kinikita at wala ng mapag kuhanan ng ibabayad doon sa renta." tinanggal ko yung kamay niya sa balikat ko at umayos ako ng upo.




"Ano bakit ipapasara agad? Wala na ba talagang remedyo?" nilagay niya ang mga kamy niya sa batok niya at tumingala.




"Wala na eh. Kahit yung barista umalis na rin."



"Mateo." tawag ko sakanya. Tinignan niya ako.



"Hmm?"



"Wala naman akong trabaho. Bakit kung ako nalang umasikaso non?" hindi siya makapaniwalanv tumingin saakin. Napa ayos siya ng upo niya, at hinihintay ko ang isasagot niya.




"Gusto mo ba talaga?" mabilis akong tumango. "Alam mo ba, na nag trabaho din ako sa isang coffee shop dati? Dishwasher lang ako, pero napapanood ko kasi yung ginagawa nung barista tapos naging close kami at minsan natuturuan niya ako."




Pinanliitan niya ako ng mata. "What's the name of the barista? Babae o lalaki?" natawa ako.




"Lalaki. Hindi ko na maalala yung pangalan niya." totoong hindi ko na maalala ang pangalan niya dahil sobrang tagal na rin nung panahon na yun.





Just for the sake (DonKiss) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon