Tumakbo si Riley papunta kay mama at nag yakapan sila ng sobrang higpit. Nag kamayan naman si mama at si tatay. Nandito pala ulit sila Kael at Loren kaya napakamot nalang sa ulo si Mateo dahil alam na niya ang mangyayari pag nandito ang pinsan niyang makulit at sutil din. Mukhang alam na nga ni mama ang tungkol sa pag bubuntis ko dahil nung mag mamano at bebeso na ako sakanya hinawakan niya muna ang tiyan ko at hinaplos niya ito. Hindi pa alam ni Riley, hindi pa namin nasasabi sakanya siguro mamaya nalang pag nag tipon tipon na kami kasi tiyak na mapag uusapan naman namin yun mamaya habang kumakain.
"Ma, bakit nandito ito?" tinuro ni Mateo si Kael tapos tumawa nalang si Kael.
"I'm the favorite nephew kaya wag ka ng mag tanong." sabi ni Kael at dumiretso na siya sa may lamesa at pumili ng puwesto kung saan siya uupo, halatang gusto lang niyang kumain at wala ata siyang pake kung ano ang mahalagang okasyon ngayon.
"Ano kain na tayo, baka gutom na rin kayo." pagyaya saamin ni mama. Hawak ko si Riley sa kamay, umupo na kami at nasa kaliwa ko si Riley habang si Mateo naman ay nasa kanan ko. May mga pagkain na naka handa na medyo ayaw ko at parang nasusuka ako sa amoy kaya pinalayo nila. Nag papaumanhin naman ako ng paulit ulit pero okay lang daw naiintindihan nila ako. Kinalabit naman ako ni Riley habang kumakain siya.
"Mama, bakit po? Masarap po yun, bakit niyo po pina alis?" sumilip si Mateo sakanya.
"Baby, your mama is pregnant and nag lilihi siya kaya medyo sensitive ang mama mo ngayon." si Mateo ang nag paliwanag kay Riley, natigilan si Riley sa pagkain niya at tinignan niya ako.
"Mama may baby na po diyan sa loob ng tummy mo po?" tumango ako at hinaplos ko ang buhok niya. "Masaya ka ba? Mag kakaroon ka na ng baby ading mo magiging ate ka na." yumakap saakin si Riley, tumayo pa nga siya sa upuan niya at kumembot kembot. Sabi ko na nga ba hindi siya malulungkot kasi naramdaman kong gusto na rin talaga niyang magkaroon ng kapatid. Pinauupo ko na siya pero bago siya umupo niyakap niya ako at nakipag apir siya sa papa niya kaya nag tawanan ang lahat.
"Oh baba ka na. Kumakain tayo." sabi ko sakanya, umupo naman na siya at hindi na siya makakain dahil sa tanong ulit siya ng tanong.
"Mama boy po ba ang magiging baby ading ko o girl po?"
"Hindi pa alam anak eh. Bakit ano ba gusto mo?" tanong ko sakanya. Nag isip siya.
"Gusto ko po ng girl mama para pareho po kami." sabi niya na may halong excitement. Napangiti naman ako at bumalik na ako sa pagkain ko.
"Kamusta naman yung café?" tanong ni mama. Nag tinginan kaming tatlo nila tatay at Mateo nag hihintayan kami kung sino yung sasagot, pero si Mateo na ulit ang sumagot. "Okay naman po ma. Kagagaling nga lang po namin doon kasi may pinapaayos kami siguro after lang po ng week na ito, mag bubukas na ulit. Tiyaka nag i-start na po kaming ipromote yung café through social media, and marami na rin po comments about doon. Nag tatanong kung kailan ulit ang opening." pag papaliwanag ni Mateo tungkol sa nangyayari sa café, tumango naman si mama dahil sa nalaman niyang inpormasyon.
"Wag po kayong mag alala. The café will be om good hands na kaya hindi na yun mapapabayaan. Right, love?" tinignan ako ni Mateo at tumango ako tiyaka ngumiti. Pero medyo na pressure ako kasi inaasahan pala talaga ako ni Mateo dito, pero ginusto ko naman to kaya paninindigan ko talaga ito at gagaain ko ang lahat ng makakaya ko para lang hindi ko sila madisappoint.
"Are you sure Eliza kaya mo doon? Buntis ka pa naman." pag aalala ni mama saakin.
"Wag ka mag alala balae, nandoon din naman ako katulong niya, kung hindi niya kaya nandoon naman ako na susuporta at tulungan siya." sabi ni tatay. Ngumiti naman si mama. "Nako, maraming salamat Eduardo, buti nalang at nandito ka na rin ngayon." sabi niya.
BINABASA MO ANG
Just for the sake (DonKiss)
FanfictionIs this the right way for her to achieve those? Get to know with Elizabeth Barcelona. Ranked # 1 in Fanfiction