"Ayaw ko" mariin kong sagot sakanya. Hinawakan niya nanaman ang braso ko kung saan mayroon akong pasa na siya ang may kagagawan. Hindi ko inaakalang magagawa niya saakin to, masiyado siyang bayolente, mukha siyang demonyo sa harapan ko. Pilit kong inaalis ang kamay niya pero sobrang higpit talaga ng hawak niya.
"I'll make sure that you will be mine Eliza. Kung tutuusin nga dapat pag aari na kita, I own everything in you. Even this!" nilagay niya ang hinlalaki niya sa labi ko at pinadausdos ito and then he tied his lips on mine. I almost lost breath. Mabilis ko siyang naitulak at nagulat siya sa ginawa kong 'yon.
"kung walang kasal, walang Riley. Madali lang naman akong kausap Eliza" and he smirked.
"Aalis na ako. Babalikan ko nalang si Riley pag nag liwanag na. I have many connections, masusundan kita kahit umalis ka pa ng bansa o pagtaguan niyo ako. Kaya wag ka ng mag tangka ilayo saakin ang anak ko" tumayo siya at lumabas ng pintuan ng akala mo kung sino. Kumuha ako ng yelo sa freezer at idinampi yun sa braso ko. Habang naka tulala ako bigla nalang pumatak ang luha ko. Kung alam ko lang na magiging ganito ang sitwasyon pag katapos niyang malaman ang totoo, hindi ko na sana hinangad noon na makita pa siyang muli. Nag sisisi na ako sa hiling ko noon na sana ay maka sama namin ang tatay ni Riley, ang sama ng ugali niya. Demonyo siya.
"Mama gising na po" inaalog alog ako ni Riley. "Mama gising ka na po" tinadtad niya ako ng halik sa pisngi para magising ako. Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at nasilaw naman ako sa liwanag na nag mumula sa bintana ng kuwarto namin, may liwanag na. Bumangon ako at niyakap ko si Riley.
"Mama bakit po?" umiling iling ako. Hinalikan ko ang noo niya at hinawakan ko ang mga pisngi niya tiyaka siya tinignan. Sumimangot si Riley.
"Wala lang. Na miss ka lang ni mama. Pa yakap nga ako" inunat niya ang mga kamay niya at nilagay iyon sa leeg ko para yakapin ako.
"Mama bakit parang nag iba ka?"
"Bakit?"
"Mama ano po ito?" tinusok ni Riley yung pasa ko. Kitang kita nga pala ito dahil naka sleeveless ako. "A-aah!" mahinang daing ko.
"Wala. Nabunggo ko yung pintuan natin kaya nag ka ganyan" hindi niya naman na pinansin yun.
"Mama may bago po akong school. Pumunta po kami ni mayor Mateo doon kahapon" at inilipat na nga talaga niya si Riley ng school.
"Mama hindi na po ba ako kukunin ni mayor Mateo? Ayaw ko po doon sakanya, natatakot po ako" umupo ako sa tabi niya at inipitan ko ang buhok niya kasi gulo gulo ito.
"Bakit? Anong ginagawa nila sayo?" malaman ko lang talaga na nasaktan si Riley kina Mateo, sasampahan ko siya ng kaso at ang pamilya niya.
"Wala naman po. Malaki lang po yung kuwarto ko kaya natatakot ako. Tiyaka mama, nakaka takot po yung mukha ng mama ni mayor Mateo" ipinatong ni Riley yung ulo niya sa kamay niya habang nag kukuwento siya saakin. Natawa naman ako ng bahagya dahil sa sinabi niyang nakaka takot ang mukha ng nanay ni Mateo, o ang lola niya.
"Bakit ka naman matatakot, eh tao yun hindi naman monster yun." sabi ko.
"kahit na po mama, natatakot po ako." mukha kasi talagang masungit ang nanay ni Mateo. Medyo na aalala ko ang mukha niya dahil nung gabing nag extra ako sa catering siya yung babaeng nagagalit at bulyaw ng bulyaw saamin, kaya medyo nainis din ako noong gabing yun.
"Mama hindi ka po papasok ng work mo?" tumayo si Riley at hinahatak niya ako sa banyo, ayaw ko kasing pumasok sa trabaho ngayon, ewan ko ba nawawalan na ako ng gana. Pinipilit niya akong maligo na kasi may work pa daw ako, kung hindi daw ako mag wo-work wala daw siyang pang bili ng toys at pang bili ng mga favorite niyang pagkain. Iyon kasi ang lagi kong sinasabi sakanya sa tuwing sinasabi niyang wag nalang akong pumasok sa trabaho. Sabi ko, sige hindi ako papasok pero magugutom kami. Ngayon nabaliktad, siya na ang nag sasabi saakin ng mga yun ngayon.
BINABASA MO ANG
Just for the sake (DonKiss)
FanfictionIs this the right way for her to achieve those? Get to know with Elizabeth Barcelona. Ranked # 1 in Fanfiction