Chapter 32

1.5K 49 4
                                    




I woke up this morning ng my malaking ngiti sa mga labi ko. Mateo is doing great the past few days, sumusunod siya sa deal namin ng maayos so I do the same. Hindi naman makitid ang utak ko at hindi ako mababaw kung bakit pinalalayo ko siya kay Czarinah, alam ko na may pinag uusapan nga sila ni Czarinah na tungkol sa negosyo ng mga magulang nila, pero natatakot ako na baka mag bago ang isip ni Mateo at bumalik siya kay Czarinah, ginagawa ko lang lahat ng 'to para sa anak ko, ayaw ko siyang masaktan eh. Ayaw ko na baka iwanan kami sa ere ni Mateo. Kahit anong mangyari hindi mawawala yung fact na talagang mahal niya si Czarinah at hindi naman agad yun mawawala. Pero paunti-unti nawawala na ang pag ka bayolente ni Mateo, I can see the softness in him, nalalaman niya na yung mga responsibilities niya kay Riley, even sa loob ng bahay, nakakapanibago dahil minsan gumagawa siya ng mga gawaing bahay. He is trying kahit naman hindi niya alam kung paano gawin yun.





Tapos lumabas sila ni Riley nung isang araw tapos pag uwi nila sobrang dami niyang pinamili kay Riley, gusto ko sanang sabihin sakanya na wag niya masiyadong iispoil si Riley sa mga ganoong bagay, pero naiintindihan ko naman na bumabawi lang siya kay Riley, pero kahit na, pinalaki ko si Riley na dapat hindi siya maluho, na dapat makuntento lang sa mga bagay na kung anong meron siya. Hindi ko naman pinipigilan si Riley na maging masaya sa mga ganong simpleng bagay, tinuturuan ko lang siyang maging practical. Ayaw ko na lumaki siyang kagaya ni Mateo na kung anong gusto eh dapat nakukuha niya tapos mag iinarte pag hindi nakuha, hindi kasi magandang ugali yun. Hindi mahirap mahalin si Mateo dahil kung sa mabait lang, mabait naman talaga siya at kaya lang siya naging ganon dahil galit siya saakin.





"Mama, si tita Karen po oh." tinuro ni Riley si Karen, kasama niya ang asawa niya. Kaya naman pala hindi nakakapag message saakin dahil nandito nga ang asawa niya. Busy siya masiyado. Tinawag ko si Karen at agad naman niya kaming nakita, niyakap niya ako ng mahigpit.





" Na miss kita ng malala!" sabi niya pero umirap ako, namimiss naman pala niya ako pero hindi man lang siya mag message saakin para mangamusta. "Weh. Hindi ka nga sumasagot sa mga messages ko sayo eh."




"Baliw, nawala ko yung cellphone ko. Ito nga oh kabibili ko lang." nakipag kamay saakin si Francis, yung asawa ni Karen. Iniwan niya kaming dalawa ni Karen dahil pupunta daw siya ng hardware, bibili ng mga bagong ilaw para sa bahay nila. Nag bless si Riley kay Karen.





"Mag miryenda tayo tapos doon na tayo mag kuwentuhan." tinulak ko yung cart ko, nandito kasi kami sa grocery ngayon, bumibili lang ng mga wala na sa bahay, sasama sana saamin si Mateo pero hindi siya maka alis sa opisina niya dahil may kausap siyang mga tao kaya naman kaming dalawa lang ni Riley ngayon tapos ito nakita nga namin si Karen.





"Sige bayaran ko lang 'to." nag papabili si Riley saakin ng candy na yung may laruan sa loob, pinag bigyan ko na nga dahil minsan lang naman siya mang hingi. Pag katapos ko mag bayad nag libot kami para mag hanap ng pagkakainan namin, tapos napili ni Karen na sa starbucks nalang kami mag miryenda, nag oo nalang ako kasi libre naman niya.




"Kamusta naman ang buhay nay asawa?" tanong niya saakin.




"Tiyaka, sinasaktan ka pa ba niya? Nako Eliza ha, kung nasasaktan ka na puwede mo namang iwan. Maiintindihan ka naman ng anak mo tiyaka sabihin mo sa anak mo ginagawa ng hayop niyang tatay, baka nga magalit pa yan. Wag ka ng mag tiis, masiyado kang maganda para lang mag tiis doon sa mayor na yun na hindi naman kapogian, matangkad at malakas lang ang sex appeal." nabigla naman ako sa biglaang pag init ng ulo ni Karen, baka nga naririnig kami ng mga tao na nasa tabi naming lamesa. Sinenyasan ko siya na huwag siya masiyadong maingay.





Just for the sake (DonKiss) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon