Chapter 10

1.5K 50 18
                                    



Naka tulala ako kanina pa sa trabaho, hindi ako makapag focus sa ginagawa ko. Kasi kung hindi sa van ni Mateo nang galing yung picture, saan naman yun mang gagaling? Kinuha ko yung bag ko at nilabas ko yung picture. Kinuhanan pala niya ako nung gabing yon. Ginagawa niya ba ito sa lahat? Ano to? Remembrance?


"Hoy ano ba umupo ka nga. Ako yung nahihilo sayo eh" sinundan ako ni Karen ng tingin niya. Kauuwi lang namin tapos si Riley naman nasa kuwarto nag lalaro. Tapos ito ako nag aalala pa rin at nag iisip pa rin tungkol sa nangyari kanina at sa litrato. Hindi ko pa nasasabi kay Karen.

Umupo ako sa harap ni Karen, hindi maintindihan ang mukha niya pero alam kong naiirita siya saakin ngayon.

"Karen"

"Ano? Ano ba? Parang may bulate diyan sa puwet mo na hindi ka mapakali." sabi niya at umirap. Napa kagat ako sa ibabang labi ko.

"makinig ka sa kuwento ko"

"oo dalian mo na. Parang tanga to." inis na inis niyang wika.

"Kasi ganito yan Karen. Karen Makinig ka---"

"Ano ba Eliza! Nakaka inis ka ikuwento mo na ang dami mong paligoy--" sumagot din agad ako sakanya kaya hindi natapos ang sinasabi niya.

"Paano ako mag kukuwento. Eh sagot ka ng sagot." Umubo ako at mag simulang muli sa kuwento ko.

"Ganito nga kasi yan. Noong naka confine si Riley sa ospital kinukuwento niya saakin na may lalaki daw na lumapit sakanya, eh hindi ko nakita kasi iniwan ko siya non kasi umihi ako. Nakita ko nalang sila nung paalis na yung lalaki tapos si Riley naman may waffles ng kinakain, libre daw yun sakanya. Tapos kaninang umaga nakita namin yung lalaki tinawag nga ni Riley. Mateo yung pangalan niya tapos edi yun naiinis pa ako kasi late na kami tapos nakikipag kulitan pa siya kay Riley. Tapos sinabay niya kami para daw hindi na kami ma late"

"Tapos alam mo nakaka hiya kasi akala ko kidnapper pero mayor pala ng Pasay sobrang nagulat ako."

"Pero ito talaga yung kuwento Karen" tinignan ako ni Karen at inirapan niya ako.

"Pag baba namin sa Van, pag hatak ko sa bag ni Riley kay nahulog na picture sa paa ko, tapos pinulot ko lang nung naka alis na yung van, tapos tignan mo yung picture" tumayo ako at kinuha ko yung bag ko. Binigay ko yung picture kay Karen.

"Karen galing yan doon sa van nung Mayor. Sigurado ako na doon galing yan, kasi saan pa ba mang gagaling yan? Sa bag ni Riley?" kinukumpara ni Karen yung picture saakin, tinatapat niya sa mukha ko. Alam ko na nagulat din siya. Huminga ako ng malalim.

"Wag mo ng ikumpara dahil ako talaga yan. Pag bali-baliktarin man natin ang mundo, ako yan. Karen, ayaw ko sanang mag aasume agad pero grabe na yung kaba ko, hindi ko alam kung kakabahan ako o matutuwa ako kasi for a moment, kahit hindi naming alam na tatlo. Nakumpleto kaming tatlo kanina, sa saglit na oras na yun naging pamilya kami" sabi ko kay Karen. Hindi siya nag sasalita na tila parang may malalim na iniisip.

"Hoy?"

"Sshhh. May inaalala ako" sabi niya saakin. Kinuha ko ulit yung picture at tinitignan iyon. Napa iling ako, hindi kaya kaibigan niya ang tatay ni Riley? Tapos naki sakay din doon sa sasakyan niya at naiwan itong litarato ko na naka piring at walang alam na kinukahanan pala ng litrato noong gabi na yon? Kasi ang alam ko at narinig kong pangalan nung lalaki na yun ay Zane, pero yung mayor Mateo ang pangalan niya.

"Pero Karen, Zane yung pangalan nung lalaki eh. Yun yung narinig kong pangalan na sinabi ni inang bago niya kami iwanan na dalawa" nagulat ako dahil pinilitik niya ang daliri niya.

Just for the sake (DonKiss) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon