Chapter 7

6.9K 231 34
                                    

Trinity's POV

Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Hay. Ganito pala ang pakiramdam ng may nanliligaw sa'yo. Feeling ko ang ganda ganda ko na tapos ang haba haba na ng hair ko.

Ilang sandali pa nang may kumatok sa pinto. "Trinity?" rinig kong boses at kay ate Fea iyon.

"Pasok po." giit ko at umupo sa kama. Bumukas naman ang pinto at iniluwal niyon si ate Fea na nakakamison lang. Ang ganda niya talaga. Pero mas maganda talaga yung Penelope Cara.

"Can I talk to you?" tanong niya. Tumango naman ako. Ano kayang sasabihin niya?

Umupo siya sa tabi ko. Ngayon ko lang din napansin na ang haba pala talaga ng buhok niya.

"Trinity, gusto mo ba si Flinn Cedric?" tiningnan niya ako. "Nag-aalala lang ako. Na-trauma na 'yang kapatid ko dati tungkol sa pag-ibig. Ayoko na kasing maulit pa yung dating nangyari sakaniya." may sakit sa pagsasalita ni ate Fea. Ano ba ang nangyari noon kay Flinn Cedric na hindi naikwento ni Seyah?

"Hindi ko pa po nasisigurado kung gusto ko po ba talaga siya. Pero kasi, pag nandiyan po siya, masayang masaya ako." sagot ko. Totoo iyon. Sa araw-araw niyang panliligaw sa akin, lagi niya akong napapasaya. Hindi ko na nga rin alam kung patas pa ba iyon kay kuya Hunter at kay Sylvester.

"Okay lang kung hindi ka pa sigurado. Pero ang sasabihin ko sa'yo, sabihin mo na sa mga nanliligaw sa'yo kung sino ang mas lamang at kung sino ang talo. Kasi, baka mahulog na sila ng tuluyan sa'yo. Ang sakit kaya ng ikaw lang ang nagmamahal. Kahit masaktan sila sa sasabihin mo, at least hindi masakit kagaya kapag na-fall na talaga sila. 'Wag kang maging paasa, Trinity. Dahil hindi ikaw ang masasaktan. Ang mga manliligaw mo."

Tumango ako. "Ate Fea, ano pong ibig sabihin kapag nafifeel ko na parang kami lang dalawa ang nasa mundo kapag kausap ko iyong taong iyon?"

Ngumiti siya sa akin. "Iyon ang gusto mo. Iyon ang dapat mong piliin." sagot niya.

"Ate Fea, pwede niyo po bang ikwento sa akin kung anong nangyari kay Flinn Cedric noon?" tanong ko. Naaalibadbaran kasi ako sa mga hindi ko pa alam na mga pangyayari. Gustong gusto kong alamin ang lahat.

"May girlfriend si Flinn Cedric noon. Si Gracielle. Dahil sa mga nangyari noon, nakakalungkot na pangyayari, mga hindi inaasahan, naghiwalay sila. Mahal na mahal ni Flinn Cedric ang babaeng iyon. Kumbaga, mundo na niya si Gracielle. Nakakalungkot talaga nung makita ko ang kapatid ko na umiiyak. Umiiyak dahil sa isang babaeng pinapangarap at minamahal niya. Ang pinakatandang tanda ko non, nagpabugbog siya sa mga kasapi ng organization ng Alvareoz. Kung hindi ako nagkakamali, dalawampung katao ang inutusan niyang bugbugin siya. Gusto niya raw kasing maalis na yung sakit sa dibdib niya. Akala niya yun ang solusyon. 50-50 siya nung dalhin namin siya sa ospital. Nacomatose pa siya for 1 month. Nakakalungkot na, ganun pala kasakit yung nararamdaman niya. Napakasakit sakin bilang isang ate na makitang ganun yung kapatid ko. Hindi ako sanay na ganun siya. Ang alam ko kasing Flinn Cedric, jolly. Pagkalabas niya sa ospital, nagbago ang ugali niya. Naging cold siya sa mga tao, naging arogante. And I'm so happy na bumalik na yung totoo niyang personality ngayon. Nang dahil sa'yo. Hindi ako magrerequest na sagutin mo siya, na siya ang piliin mo pero ang sasabihin ko lang, sana maging masaya siya. Sana pasiyahin mo siya. Sana 'wag na siyang bumalik sa pagiging malungkot dahil nasasaktan ako, nasasaktan si mom. Please Trinity, 'wag mong saktan ang kapatid ko."

Halos maiyak ako sa ikinuwento ni ate Fea. Ganun ang buhay niya dati? Nang dahil sa Gracielle na iyon? Ganun ba talaga siya nasaktan? Kaya ba sinabi niya sa'kin na 'wag ko siyang sirain? Dahil nasira na siya noon? Bwiset naman. Hindi ko inakala na sasayang muli si Flinn Cedric nang dahil sa isang katulad ko.

"Ipinapangako ko ate Fea, hindi ko sasaktan si Flinn Cedric." ngumiti ako kay ate Fea. Tumayo na siya mula sa pagkakaupo.

"Thank you, Trinity." giit niya 'tsaka na umalis.

Ordered To Be His WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon