Chapter 27

6.6K 188 6
                                    

So JDnians, we have another guest.

EXID's Hani as Gracielle

Love you guys❣️

************

Trinity's POV

Nandito kami ngayon sa ospital. Pagkatapos mawalan ng malay ni Flinn Cedric ay dumating na nga ang mga pulis. Ilang oras na'rin siyang nasa operating room. Madaling araw na at hindi ko pa'rin alam ang nangyayari sa kaniya.

Wala akong kibo kahit na tinatanong ako ng mga tao ng kung ano ano. Para akong napipi sa mga napanood ko kagabi.

Kasalanan ko 'to. Sigurado ako don. Hindi mangyayari ang lahat ng 'to kung hindi dahil sa'kin.

Pinagsabihan ko naman na kasi si Flinn Cedric na hayaan niya nalang ako pero, bakit niya pa'rin ako pinuntahan? Dahil ba naaawa siya sa'kin? Gusto kong maliwanagan. Ano ang lahat ng iyon? Bakit?

Nandito na'rin sina Phoenix at Penelope Cara. Kahit na marami silang tinatanong at mga sinasabi, para akong bingi at hindi talaga gumagana ang utak ko. Wala akong maintindihan. Ang tanging alam ko lang ngayon, nasa panganib ang buhay ni Flinn Cedric.

Napakabigat ng loob ko. Napakasakit ng damdamin ko. Gusto kong maawa sa sarili ko. Kailan ba matatapos ang lahat ng 'to? Kailan?

Ano na ba ang mga nangyaring masasakit sa akin simula nang makilala ko ang mga Alvareoz?

Nahiwalay ako sa pamilya ko, niloko na ako ni Flinn Cedric, namatay na ang nanay ko, binitawan na ako ni Flinn Cedric, at ngayon? Nasa panganib ang buhay niya ng dahil sa'kin. Ano pa ang susunod? Mawawala siya?

Ayoko na. Sobrang sobra na yung sakit. Nagmamakaawa ako na sana matigil na ang lahat ng 'to. Tama na...sawang sawa na ako.

Napa-angat ang tingin ko nang biglang bumukas ang pinto mula sa Operating Room. Inilabas niyon ang doktor. Napatayo ako at nilapitan siya agad.

"What happened? Is he okay?"

"His brain had internal bleeding due to excessive force on his head. Right now, he's still unconscious."

Napapikit ako ng mariin. "K-Kailan siya magigising?" tanong ko.

"I'm sorry but I can't say for sure. All I can say for now is that it will take longer for him to wake up."

"What do you mean by that?" kinakabahang tanong ko.

"As for his condition, comatose can happen or worse, brain death."

Para akong nawalan ng lakas at napahawak nalang sa pader. Hindi pwede, hindi pwedeng mangyari yun sa kaniya.

"Excuse me but I need to go now." giit ng doktor at nilagpasan na ako.

Agad kong tinungo ang upuan at umupo roon dahil nanginginig na ng lubos ang mga tuhod ko. How can all of this happen?

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at humagulgol na lamang ako. Ayoko 'to! Ayokong mangyari ang lahat ng 'to! Tama na dahil ayoko na.

May naramdaman akong tumabi sa'kin at agad akong niyakap. "Be strong, Trinity. I know kuya Cedric will never leave you." si Penelope.

Mas lalo akong humagulgol. Mahal na mahal ko pala talaga si Flinn Cedric. Parang nabura lahat sa utak ko ang mga sinabi ko sa kaniya na iiwanan ko na siya at papalayain para makasama niya si Gracielle.

Hindi ko pala siya kayang bitawan ng ganun ganun na lang. Kung makikipag-agawan man ako kay Gracielle, gagawin ko.

Nailipat na si Flinn Cedric sa kwarto. Hindi na kailanman tumigil ang pagluha ko simula ng makita ko siya sa kalagayan niya.

Ordered To Be His WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon