Chapter 11

5.9K 211 8
                                    

Hello JDnians. Remind ko lang na love ko kayo lahat! Muwahh!


Trinity's POV

Isang buwan ang lumipas sa buhay ko. Walang mga nakakatuwang nangyari sa akin. Kaunti na nga lang at kumuha na lang ako ng kutsilyo sa may kusina at saksakin ko nalang ang sarili ko. Tutal wala naman akong kwenta.

Gusto kong tumakas. Gusto kong lumayo. Gusto kong tumakbo mula sa pamilyang kinaroroonan ko ngayon. Oo may mga nagmamahal sa akin. Pero ganun ganun nalang ba talaga nila ako gagamitin? Gusto ko talagang magmura ng paulit ulit. Bakit sa dinami rami nga naman ng babae sa mundo, ako pa itong nasasaktan ngayon dahil lang sa kasalanan ng kuya ko. Nakakabwisit.

Hindi ito ang buhay na pinangarap ko. Ilang beses ko na bang nasabi? Mga isang milyong beses na siguro. Dahil totoo naman. Hindi ganitong buhay ang pinangarap ko. Mas maganda nalang pala na nag-asawa nalang ako ng maaga. Sana sinagot ko nalang si Saprunoy noong nanliligaw pa siya sa akin. Kahit naman mahirap at pangit iyon, alam kong kaya niya akong alagaan.

Naiisip ko nga, ang dami na nga palang nanligaw sa akin noon. Lalo na nung 2nd year high school ako. Nandun si Gerdog, si Kumbot, si Baktol, si Hambubot 'tsaka siyempre yung pinakaloyal, si Saprunoy. Mahihirap din sila kagaya ko. May amoy putok din sa kanila dahil tatlong beses lang yata sa isang linggo kung maligo sila, at siyempre may sobrang pangit talaga. Pero sa tingin ko, kung namili na ako sa kanila noon, hindi ko mararanasan itong nararanasan ko ngayon. Wala naman sigurong lakas ng loob ang mga iyon na ipagpalit ako kung naging jowa ko sila ano. Ako yata ang isa sa pinakamaganda sa eskwelahan namin. 'Tsaka ang pangit nila para maging babaero. Alam kong mapanghusga akong tao pero atleast, hindi ako nagsisinungaling. 

Namimiss ko na'rin si nanay. Kamusta na kaya siya? Buhay pa kaya siya? Eh yung kuya ko kaya? Sa katawan nun mukhang hindi na iyon tatagal. 'Tsaka kung hihithit pa iyon ng isang kahang sigarilyo, walang pagdadalawang isip, mamamatay ang isang iyon. Tapos kung mamatay man siya, mamamatay din si nanay. Wala nang mag-aalaga sa kaniya. Nakakainis. Gustong gusto ko na talagang umuwi. Nawawalan na ako ng pag-asa sa buhay dahil sa pagka-inip ko dito sa lupaing ito.

Alas tres na ng hapon ng maisipan kong bumaba. Nagugutom na ako. Halos isang kain lang kasi ang nagagawa ko sa isang araw. Ayoko kasing lumabas.

Natigilan ako sa pagbaba ng marinig ko ang mga taong nag-uusap sa may sala. Hindi ako pwedeng magkamali. Nag-aaway sila.

"Damn it, dad! I don't really want her! Ayoko pang magpakasal, and she's young dad! Ang bata ng babaeng iyon para sa akin!"

"Wag na wag mo'kong sinisigawan, Flinn Cedric! And did you forgot? This is your consequence for killing Adrian!"

"I don't even care, dad!"

Isang putok ng baril ang narinig ko. Sa pagkabigla'y napaupo pa ako.

"Celadon! Oh my god, stop it now!" rinig ko ang boses ni ma'am Felicity na may halong pangamba, takot at pag-aalala.

"I said don't raise your voice on me, Flinn Cedric! At huwag na huwag mo akong pinangungunahan dahil anak lang kita. Learn to be respectful, you dimwit."

Narinig ko ang mga yabag paakyat dito kaya nagtago ako sa likod ng isang malaking antique vase. Sumilip ako ng kaunti at nakita ko si Don Celadon na may hawak na baril. Siya pala ang nagpaputok niyon.

Pagkapasok niya ng kwarto nila ay doon pa lamang ako nagkaroon ng lakas ng loob na silipin ang nangyayari sa sala. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Si Flinn Cedric. Dumudugo ang balikat nito. Mukhang natamaan ito kanina.

"I won't tolerate you, Flinn Cedric. Alam mong may kasalanan ka. If you think na pagagalitan ko ang dad mo sa pagbaril sa'yo. It's a no. Anak kita pero hindi naman talaga katanggap tanggap ang ginawa mo kay Trinity. Babae ako, anak. Alam ko ang pakiramdamng niloloko ng isang tao. You did it way too far, Flinn Cedric. And please, say sorry to your dad and of course, to Trinity."

Ordered To Be His WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon