Chapter 25

6.1K 178 9
                                    

Love you all JDnians❣️

*******************

Trinity's POV

Mga ilang oras na'rin simula nang umalis sina Penelope Cara at Leah. Para pa'rin akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Nasasaktan ako. Sobrang sakit ng nararamdaman ko.

Sa tuwing iniisip ko kung bakit kami nagkakaganito ni Flinn Cedric, naiisip ko nalang na kasalanan ko talaga lahat. Pero tumulong lang naman ako hindi ba? Bakit hindi niya naintindihan? Bakit kailangan niya pang makipagkita sa ex-girlfriend niya? Para bumawi?

Kaya ayokong sumaya ng sobra eh, mayroon at mayroong sisira ng kaligayahang iyon.

Alam kong tama ang ginawa ko. Masaya na si Charles at Lia dahil makakasama na nila si Tanya. Inulit-ulit ko na eh. Pero bakit parang may mali? Bakit parang ako nga talaga ang may kasalanan?

Umangat ang tingin ko nang biglang bumukas ang pinto. Tumibok ng mabilis ang puso ko nang makita si Flinn Cedric. Akala ko lalapit siya sa'kin pero hindi niya ako pinansin at dumeretso sa taas.

Sinundan ko siya hanggang sa makapasok kami sa kwarto. Nakita ko siya na kumukuha ng damit sa may walk in closet. Kinabahan ako nang makitang nilalagay niya iyon sa isang bag. Aalis siya?!

"Flinn Cedric, w-what are you doing?" nilapitan ko siya at hinawakan siya sa braso niya. Tumigil siya at tiningnan ako ng walang emosyon.

"Don't touch me."

Napaurong ako at nabitawan siya nang magsalita siya. May galit sa tono niya na para bang kinamumuhian niya ako ng sobra.

Tumulo ang luha ko. "F-Flinn Cedric, please, let me explain..."

Nagmistulan siyang bingi at itinuloy ang page-empake ng damit. Gusto ko siyang pigilan pero nanghina ang katawan ko. Para akong nawalan ng lakas.

Tinatagan ko ang loob ko at niyakap siya mula sa likod. "F-Flinn Cedric please...j-just give me one minute to explain everything..." kaunti nalang ay hahagulgol na ako. Napakasakit. Sobra.

Hindi siya nagdalawang isip at mga dalawang segundo lang ay inalis na niya ang pagkakayakap ko sa kaniya. Tuloy tuloy ang pag-agos ng luha ko. Bakit?

Nang matapos siya sa pag-eempake ay nilagpasan na niya ako. Nanginginig ang mga tuhod ko dahil sa hindi ko malamang dahilan. Para akong babagsak kahit anong oras.

Kahit na parang hindi ko na talaga kaya ay hinabol ko siya. Nakalabas kami ng bahay at pasakay na sana siya sa kotse niya pero pinigilan ko siya.

Para akong babaeng nagmamaka-awa na huwag niya akong hiwalayan. Para akong kawawang babae na humihingi ng tawad niya. Pero wala akong pakialam. Ayoko siyang mawala sa'kin. Mahal na mahal ko si Flinn Cedric.

"Wag kang aalis please...'wag...don't do this please...Flinn Cedric...no please, no." hindi ko na napigilan ang paghagulgol. Sobrang sakit. Kahit na nalaman ko na na nakikipagkita siya kay Gracielle, pinipilit ko pa'rin ang sarili ko para mapatawad niya kahit na sa totoo lang ay gumawa lang naman ako ng maganda. Oo na, ako na ang babaeng martyr. Pero mahal ko talaga eh. Mahal na mahal.

"Stop this nonsense, Trinity." giit niya at tinitigan ako na wala pa'ring emosyon ang mukha niya. Sobra ba ang galit niya? Sobra sobra ba?

Umiling ako kahit na alam kong naiinis at malapit na'rin siyang magalit. "Saktan mo nalang ako, Flinn Cedric! Bugbugin mo'ko, sampalin mo'ko, sakalin mo'ko o kahit na ano! B-Basta 'wag kalang aalis sa tabi ko. Nagmamaka-awa ako, Flinn Cedric...D-Don't leave me..." para akong batang naglulupasay para isama ng mga magulang sa mall. Pero iisipin ko pa ba iyon? Sobra na ang sakit na naramdaman ko..gusto ko namang sumaya, pero bakit?

Ordered To Be His WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon