Trinity's POV
Nandito kami ngayon sa mall. Namamasyal. Maaga pa kasi kaya ayaw pa nilang kumain. Gutom na ako pero pinigilan kong magsalita. May konting konting hiya pa naman ako sa sarili.
"Bakit biglaan nalang na gusto mo ng date?" bulong sa akin ni Seyah. Oo nga naman. Sino bang hindi magtataka?
"Sasabihin ko nalang na may nagtataksil sa akin at gusto ko lang siyang gantihan." sagot ko. Bakit? Masama bang gumanti? Well, masama nga. Pero nasaktan ako ng kaunti eh!
Kumunot ang noo niya. "Huh? Sino?" tanong niya. Nagkibit balikat nalang ako at lumapit kay Sylvester.
"Oy best friend, wala ka pa'ring jowa?" tanong ko. Masamang mang-inis ng tao pero wala talaga. Ang cute kaya ni Sylvester 'pag naiinis.
Tiningnan niya ako with pokerface. "Ikaw lang naman ang gusto ko, pero kinuha ka'na ng iba." sagot niya. Napangiti ako. In fairness, ang galing bumanat ng aking best friend. Pwede ng kiligin ang mga babae diyan.
Pinalo ko siya sa braso ng pabiro. "Ituloy mo 'yang ugali mong iyan ha? Para naman hindi natatakot sa'yo yung mga babae. Masyado kang psycho." tinawanan ko siya.
Ginulo niya ang buhok ko. "That's why I need a masochist in my life." nginitian niya ako.
"Tama na 'yan, masyado na kayong sweet. Nakakadiri na ha." sumingit si Seyah sa amin. Napakabitter talaga ng babaeng ito.
"You're still single, that's why you don't like people who are sweet on each other." sagot ni kuya Hunter kay Seyah. Napanguso naman ito. Ampalaya ka ghorl?
"Parang kayo meron kayong mga girlfriends ha! Eh ayaw nga sa'yo ng mga babae, kuya Vester. Masyado kang nakakatakot, para kang serial killer para sa mga babae." boom. Hindi ko mapigilang tumawa. Sige magsisihan kayo dahil lang wala kayong mga jowa. "At ikaw naman kuya Hunter, wala kang girlfriend kasi masyado kang nakafocus sa trabaho, o di kaya naman, umaasa ka pa'rin dito sa best friend kong si Trinity. Na'ko." inirapan ni Seyah ang dalawa niyang pinsan. Napahagalpak ako sa tawa kaya naman pinagtinginan kami ng mga tao. Chismosang mga to.
"Trinity will always be my first love, Seyah." sagot ni Sylvester. Napailing nalang ako. Minamahal ba talaga ako ni Sylvester o gusto niya lang talaga akong maging kaibigan? Aba ewan.
"Me too. Trinity will always be my girl." nginitian ako ni kuya Hunter. Oh diba? Haba ng hair ko. Napakagwapo ng mga nagkakagusto sa akin tapos pagtataksilan lang ako ng Flinn Cedric na iyon? Aba, gusto niya talagang ipagpalit ko siya kay kuya Hunter.
"Feeling ko ang ganda ko." sagot ko sakanila. Tumango na lamang si Seyah at nagthumbs up naman ang dalawang lalaki. Hindi ko mapigilang umirap. Nakakabwiset, ganito pala ang feeling.
Ilang minuto pa nang magpaalam si Seyah para pumunta sa CR. Sinamahan siya ni Sylvester dahil hindi daw safe ang kahit na anong lugar ngayon. Maraming bastos at manyak na lalaki ngayon.
"You miss that freaking ass, isn't it?" nabigla ako ng biglang magsalita si kuya Hunter. Naintindihan ko kung sino ang ibig niyang sabihin. Sino pa ba kung hindi si Flinn Cedric?
Namimiss ko nga ba ito? Aba siyempre, oo. Pero naiinis talaga ako! Nanggigigil talaga ako kapag naaalala ko kung papaano niya ako pagsinungalingan. Gusto kong magmura! Bwiset!
"Konti." sagot ko dito. Ayokong sabihing oo dahil naiinis talaga ako. Gusto kong manapak ng gwapong lalaking pumapatol sa isang malanding babaeng lintang higad. Bwiset sila!
Dahil sa ayoko nang pag-usapan ang lalaking iyon pati na'rin ang kasama niyang babae kahapon, iniba ko nalang ang topic. "Kuya Hunter, bakit—
"Stop the kuya. Just Hunter." pigil nito sa akin. Napatango naman ako. Sorry di'ba.
BINABASA MO ANG
Ordered To Be His Wife
Teen Fiction(COMPLETED) ALVAREOZ SERIES 1: What will you do when you suddenly need to get married to a billionaire because of your brother's sin? Will you accept it? Highest Ranking Achieved #1 in Comedy #1 in Rom-Com DS: December 16, 2019 DF: April 29, 2020