Stay safe, JDnians❣️
Trinity's POV
Ilang minuto pa ang lumipas na si Seyah lang ang nagsasalita. Napakarami niyang ewan sa buhay. Pero mas maganda pa pala iyon.
"Let's now proceed to the 18 roses. May we call for tito Celadon for Trinity's first dance as he is the birthday girl's guardian and also her soon-to-be father-in-law."
Nakita kong tumayo si dad mula sa kaniyang pagkakaupo. Lumapit siya sa'kin at inilahad ang kamay niya. Tinanggap ko naman iyon at tumayo. It's good that I've learn how to dance back in America.
"You're gorgeous, hija. Bagay na bagay ka kay Flinn Cedric when it comes to looks but when it comes to attitude, I don't think so."
Natawa ako ng kaunti. "Should I change him?" tanong ko. Hindi naman sa gusto ko talaga pero hindi ba iyon ang makakabuti? Gago pa'rin naman siya. Iyon lang ang masasabi ko. Kahit na marami siyang sinabi sa'kin kagabi, hindi pa'rin ako maniniwala. Oo gusto ko siya pero mas gusto ko na munang unahin ang sarili ko. Gusto ko muna talagang makamove-on mula sa mga sakit na nangyari sa akin.
"You should. Especially that the two of you will live in the same house. Alam kong hindi ka masyadong mapagpasensiya. Baka mapatay mo ng wala sa oras si Flinn Cedric."
Hindi mawala ang ngiti ko sa labi. "Oh come on, dad. I changed." sagot ko. Hindi na siya nagsalita pa at nagfocus nalang sa pagsayaw.
Tumingin ako ng pasimple sa mga tao. Mga isang daan lang ang dumalo pero pwede na. Kaunti lang ang makakakita sa beauty ko.
Napagawi ang tingin ko sa isang sulok. Nakita ko ang iba pang mga lalaki na magsasayaw sa'kin. Actually, mga lalaki pala sila at may naligaw na isang pa-girl.
Ilang segundo pa ang lumipas at tinawag na ang second dance ko.
"My gift is in your room. I hope you'll like it." giit ni dad at nagpaalam na. Ibinigay niya ako sa second dance ko na si Keiko.
"How are you?" bungad niya sa akin. In fairness ha, ang gwapo talaga ng Hapon na'to.
"I'm okay. Did you bring Alesha with you?" tanong ko. Alesha's his girlfriend. Isang British girl na naging kaklase ko sa America. Mukha yung pokpok pero mabait at matalino.
"Yes she's with Tyler." sagot nito. Napagawi naman ako sa isang table at nakita ko roon sina Alesha, Tyler at isang babae. Sino yon?
"Who's that girl?" tanong ko kay Keiko. Napagawi naman siya sa pwesto nina Alesha. Nagkibit balikat ito.
"I dunno. I think she's your fiancé's friend?" giit nito. Napatango naman ako at hindi inalis ang tingin sa babae. Maganda ito at halatang mataray. Sino kaya yon?
Natapos ang ilan pang mga sayaw nang tawagin na si Hunter. Napangiti ako nang makita ko na ito sa harapan ko. "I missed you." bungad nito.
Mas napangiti ako nang simulan na niya akong isayaw. "I missed you too." sagot ko at tinitigan siya. Mukhang masaya na talaga siya ngayon. Hindi na siya ang Hunter na may lungkot sa mata noon. "I think you're really in love right now." giit ko.
Ngumiti siya at tumango. "She's my world. I don't think I can live without her."
Mas napangiti ako at inilibot ko ang mga mata ko. "Where is she?" tanong ko.
Gumawi si Hunter sa upuan nina Tyler. "There is she." giit nito. Tiningnan ko ang babae. Siya pala yung kanina. Nakatingin din ito sa amin. Ngumiti ako sa kaniya at ngumiti rin naman siya sa'kin.
"Akala ko mataray siya." giit ko. Natawa naman ng kaunti si Hunter.
"She is." natatawang sagot nito. I raised my eyebrows. Sabi na eh.
BINABASA MO ANG
Ordered To Be His Wife
Jugendliteratur(COMPLETED) ALVAREOZ SERIES 1: What will you do when you suddenly need to get married to a billionaire because of your brother's sin? Will you accept it? Highest Ranking Achieved #1 in Comedy #1 in Rom-Com DS: December 16, 2019 DF: April 29, 2020