Chapter 19

6.2K 200 15
                                    

I hope you'll like this chapter.

I'll dedicate this to myself because I think, I did a great job.

Love you all JDnians🌺❣️

***************

Trinity's POV

Gabi na nang makalabas ako sa hotel. Napayapa na'rin ang puso ko na halos hindi na alam kung ano ang mangyayari kanina. My first and second kiss was stolen, I mean, ah basta.

Natutulog na sa kwarto niya si Flinn Cedric. Mukhang bukas pa namin mapupuntahan ang bahay na ipinagawa sa'min ni mom and dad.

"Hi."

Napalingon ako sa gilid ko nang may magsalita. Nabigla ako nang makita kung sino ito.

"Phoenix." may gulat sa tono ko. Grabe. Ang gwapo talaga ng isang 'to. Feel na feel ko yung pagkabigla eh. Sino ba naman ang hindi kung gwapo ang babati sa'yo?

"Kumain ka'na ba?" tanong nito at pinasunod ako sa kaniya. Umupo kami sa tabi ng isang puno. "Hindi kita nakita kanina nung kumain kami eh. Pati si kuya Ced." giit nito.

Sa totoo lang, kung hindi ko lang gusto si Flinn Cedric, mahuhulog ako ng sobra dito kay Phoenix. Napakagwapo na nga, napakabait pa niya. Sa'n ka pa?

"Hindi pa pero okay lang. Hindi naman ako gutom." sagot ko sa kaniya. Nakakatuwa lang pero wala akong mafeel na awkwardness. Ang saya siguro kapag naging close ko 'tong si Phoenix.

Tumango siya at tumingin sa malayo. Habang tinitingnan ko siya, hindi ko maiwasang mapatulala. Grabe talaga. Ang gwapo gwapo niya. Promise.

"Ang gwapo mo no?" tanong ko. Nabigla naman ito at tumingin sa'kin. Tumawa siya ng konti.

Napakamot ito sa batok niya. "Not really." sagot nito na ikinataas ng kilay ko. Not really daw? Eh halos yata ng babae magkakagusto sa mukha niya eh.

"Pero yung totoo nga Phoenix, ang gwapo mo." giit ko at tiningnan siya. Muli itong natawa at umiling.

"Nah. Don't say that. Hindi naman eh." sagot niya at umiwas ng tingin. Mukhang nahihiya siya. Natawa naman ako ng kaunti.

"Ah basta. Gwapo ka talaga. Walang halong biro, promise." itinaas ko pa ang kanang kamay ko. Tiningnan niya lang ako at umiling.

"Don't praise me. Instead, praise Penelope and Phoebe more. Mas maganda ang mukha ng mga kapatid ko kaysa sa'kin." giit nito at ngumiti. Napangiti rin ako. Ang bait niya talaga grabe. Handa akong mafall dito sa lalaking to pero hindi pwede. Hays. Ang swerte siguro ng magiging jowa nito.

"May girlfriend ka na ba?" tanong ko. Siguro meron na 'to eh. Sa mukha ba naman niya?

Umiling siya ulit na ikinabigla ko. "NGSB ako." sagot niya na mas ikinabigla ko. Ano daw?

"No girlfriend since birth ka? Maniwala ako." sagot ko ng hindi naniniwala. NGSB eh halos lahat ng babae gusto siya.

"Totoo nga. My mom doesn't want me to have one until I reached the age of 18 years old but even though I'm already 20 years old now I still can't find the one."

Napanguso nalang ako at napatango. "Pero anong ideal type mo?" tanong ko. Baka sumakto kasi sa mga kaibigan ko sa US, pwede kong ireto.

"My ideal girl?" tanong niya ulit, tumango naman ako. "Well, I like short girls, yung hindi maingay, kayang ipagtanggol yung sarili niya kapag wala ako, maalaga like my mom, and of course yung mamahalin ako kagaya ng pagmamahal na ibibigay ko."

Napa-aww ako at natawa naman siya. Ang cute kasi ng pagkakadeliver niya. "Kahit hindi ganon kaganda okay lang sa'yo?" tanong ko.

"Lahat naman ng babae maganda eh. Walang pangit para sa'kin." ngumiti siya sa'kin. Napa-aww ulit ako. Ang swerte talaga ng mapapangasawa nitong si Phoenix. Hindi lang pala mukha ang kagusto gusto sa kaniya. Pati rin pala ugali. Grabe talaga.

Ordered To Be His WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon