Trinity's POV
Ay bwiset. Sa tingin ko nga talaga'y mas mahal ni nanay ang kuya kong bugok kaysa sa akin. Pabaunan ba naman ako ng sandwich kahit na alam niyang pupunta ako sa lupain ng mga bwiset na Alvareoz na ito para magpakasal. Gigil!!
"My son doesn't want a girl who is not clean. Are you still a virgin?"
Kaunti nalang at mapapamura na naman ako. Sino bang nagpauso ng english at baka mapatay ko.
"Sandali lang ho ah. Pwede bang magtagalog kayo? Hindi ho ako amerikanong hilaw para englishin ninyo.." umirap pa ako.
Napatawa siya ng kaunti. "Ang sabi ko, virgin ka pa ba?"
Virgin? Mukhang napag-aralan namin yun sa science ah.
"Berjin? Ah yung hindi pa napapasukan ng matigas na nilikha sa pengpeng?" tinanong ko siya. Natatawa naman siyang tumango. Ano bang nakakatawa doon? Gago ba talaga ang matandang ito? "Ah oo. Sino bang tangang magpapapasok ng ganoon ano."
"You're really amazing. Mukhang mabubwisit sa'yo ang anak ko." giit niya. Mabubwisit? Baka sampalin ko pa iyon.
"Ay teka, bakit mo nga pala natanong kung berjin pa'ko? May balak ho ba kayo? Na'ko! Hindi pwede. Para sa asawa ko lang ito." nagtakip pa ako ng katawan. Na'ko baka bastos pala ang matandang ito, kaderder.
Napahagalpak siya sa tawa. Aba, bwiset ito ah. "You're funny. I'm sure magugustuhan ka ng asawa ko. But I'm sure na hindi ng anak ko."
"Para namang gusto ko po yung anak niyo. Sampalin ko pa iyon." giit ko. Tumawa lang ulit siya ng tumawa. Hayup 'to. Mukhang hindi 'to tumatawa sa bahay nila. Na'ko.
Ilang oras pa ang lumipas nang makarating na kami sa lupain nila. Gabi na nang makarating kami. Mga pitong oras yata kaming bumyahe. Napakalayo naman ng lugar na'to.
"Bumaba na tayo. Hanggang dito lang ang kotse." sambit ni tandang saltik.
"Wala na ho bang gas?" tanong ko. Sa layo ba naman kasi ng binyahe, ni hindi man lang kami tumigil para magpagas.
"Ah, hindi. Inaalagaan kasi ang lupain namin kaya bawal ang mga nakasisirang bagay. Tulad na lang ng kotse. Hindi pwede ang usok ng kotse dahil may possibility na maging polluted ang hangin." napatango na lang ako.
Namangha ako nang makakita ako ng kalesa. Mukhang dito kami sasakay. Ang ganda naman dito.
"Sumakay ka na diyan at dadalhin ka nila sa mansion. May pupuntahan pa kasi ako. Si Kent nalang ang bahalang magpaliwanag ng mga bagay tungkol sa'yo." giit ni tandang saltik at sumakay sa isang kabayo. Ah, nawa'y lahat marunong mangabayo. Pangarap kong sumakay diyan eh.
"Mauna na ako. Kent. Ikaw na ang bahala." muling sambit ni tandang saltik at umalis na. Napatulala pa ako kung paano siya mangabayo.
"Umusog ka. Hindi ako kasya."
Napatingin ako sa nagsalita. Muntik na akong mapamura. Da pak?!
"Oh anong tinitingin tingin mo?"
Ay bwiset! Si Kalbo!
"Who is she?"
Bumungad sa harap ko ang isang babaeng nasa late 40's. Sa tingin ko, eto na ang asawa ni tandang saltik.
Matapos ipaliwanag ni kalbo ang lahat kay ma'am Felicity, pinapasok niya ako sa loob ng mansiyon nila. Hindi ko mapigilang mamangha sa laki nito. Ngayon naiintindihan ko na ang feeling ng mga character na nababasa ko sa mga e-book.
"What's your name?"
"Ah 16 po." sagot ko habang namamangha pa'rin sa laki ng mansiyon.
Napatawa siya. Ano na namang ginawa ko? Katawa tawa ba talaga ako? Ay bwiset. "Ang sabi ko, anong pangalan mo?" tanong niya ulet.
BINABASA MO ANG
Ordered To Be His Wife
Novela Juvenil(COMPLETED) ALVAREOZ SERIES 1: What will you do when you suddenly need to get married to a billionaire because of your brother's sin? Will you accept it? Highest Ranking Achieved #1 in Comedy #1 in Rom-Com DS: December 16, 2019 DF: April 29, 2020