Chapter 13

6K 233 31
                                    

1 year later...

Trinity's POV

"My gee, Trinity! You're so slow! We're gonna be late on our flight!"

Halos magkandatapilok si Seyah sa pagbaba sa hagdan. "Be careful, Seyah. We still have like 30 minutes. Don't freak out." inirapan ko siya. Gusto ko siyang batukan. Hindi kasi ako ginising ng maaga ng bruha. Yan tuloy.

"And you know that it's 20 minutes drive from here. My gee, Trinity!" nagmamadali siya habang dala dala ang dalawa niyang maleta na punong puno ng Gucci dresses. Ayaw niya raw iwan dito dahil sayang ang pera. Hindi pa naman siya binibigyan ng pera ngayon ng papa at kuya niya. Sarili niyang pera ang gamit niya.

"We're not in the Philippines, Seyah. There's no traffic, so calm down." muli ko siyang inirapan. I want to slap her so bad.

"Just be fast, Trinity. I really don't want to be late!" pagkalabas ng bahay ay may naghihintay ng taxi. Mabuti nalang nga talaga.

Sumakay na kami at ang driver nalang ang nagpasok ng mga gamit namin sa kotse. Mabuti nalang at isang maleta lang ang dala ko. Wala naman akong biniling masyadong gamit kahit na may ibinigay sa'king card si dad Celadon na naglalaman ng maraming pera. Ayoko ng sabihin dahil nas-stress ako kapag naiisip ko. Napakayaman nila. Yun lang ang masasabi ko.

"Any news from the family?" tanong ko kay Seyah. Mga dalawang buwan na'rin kasi kaming walang balita sa lupain. Seyah said that they are very busy and I really doubted it. I don't even know why. I'm very weird, aren't I?

"None. I'm just so annoyed that nobody even knows that we're coming back right now. Wala man lang magsusundo sa'tin, like hell. Alvareoz's land is a hidden land! Kailangan pa nating maglakad papunta sa bungad ng lupain. Ugh! I don't even like the city of Sonata de Hilmana."

"Gusto ka ba? My god." inirapan ko siya. Ang lupain pala ng mga Alvareoz ay nakapaloob sa bayan ng Sonata de Hilmana. Mahigit sa kalahati ng bayan ay sakop ng lupain. Biro mo kung gaano ito kalaki.

Tumigil na kami sa pag-uusap nang sumakay na'rin ang driver at nagbyahe na. Gusto ko pa sanang matulog pero naalala ko na 20 minutes lang pala ang byahe. Mabibitin ako kaya sa eroplano nalang.

Hindi ko maiwasang mangamba habang nasa byahe. Paano kaya kung nasasaktan pa'rin ako sa ginawa sa akin noon? It's been one year at magn-new year na naman. Natupad ko kaya ang new years resolution ko noong bagong taon na kakalimutan ko na lahat ng sakit na naramdaman ko? Paano kung masakit pa'rin? Paano kung makita ko siya? Iiyak na naman ba ako? Umiling ako. Hindi. Ayoko. Kailangang maging matatag ako. I went here for nothing. Iba na ang Trinity na babalik sa Pilipinas. I'm no longer that stupid Trinity back then. I'm not a stupid girl anymore because, I'm an independent woman now. 

Lumipas ang ilang minuto at nakarating din kami sa airport. Okay, self, uuwi na tayo. But remember, iiwan na natin dito ang bwisit na Trinity noon. Let's take the Trinity 2.0 back home. Let's go!

"My head hurts but look! My gee! I'm here walking and I'm about to walk 500 meters more! This is freaking crazy!" kaunti nalang talaga at sasampalin ko na ang babaeng ito. For one year na siya ang laging naririnig mo, hindi ka ba mababaliw? I will truly congratulate the man for her. Makapagtiis sana siya.

"Tigilan mo'ko, Seyah. Madaling araw ha." inunahan ko siya sa paglalakad. Maliit pa naman ang biyas niya kaya siguradong mga dalawang metro ang layo ko sakaniya.

Mga ilang minuto ang nilakad namin at nakarating din kami sa bungad ng lupain. Nabigla pa ang natutulog na guard at naglabas ng baril.

"Whoah! It's us, kuya Boy!" sigaw ni Seyah. Damn this bitch, I really want to slap her.

Ordered To Be His WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon