This chapter is dedicated to my friend, Deanice. Love you cyzt!
Enjoy reading, HJFam!! Love y'all❣️🌺
***********
Trinity's POV
"Nagpasiya kami na mag-aral ka ulit, Trinity. Kailangan mo kasing makatapos ng pag-aaral dahil kapag kinasal na kayo ng anak ko, may part ka'rin sa kompanya."
Napatigil ako sa pagkain nang magsalita si Don Celadon. Tuloy pa pala yung kasal? Aysusmaryosep.
"Mas maganda nga po na mag-aral ako ulit. Namimiss ko na'rin po yung eskwelahan ko. Kahit naman hindi po ako nag-aaral ng ganun kabuti, may natututunan din naman po ako kahit konti." sagot ko. Totoo yun. Hindi ako magaling pero kaya kong matuto. Kaya lang, kailangan ng mga teacher na kunin ang atensiyon ko. Kung hindi kasi ako nakatanga, nakikipagdaldalan ako. Kaya nga lagi akong pinagsasabihan nung teacher kong mukhang kulugo na ako na nga raw yung pinakamatanda sa klase, ako pa pinakachildish. Hay nako, nanggigigil din ako dun eh. Napakataray. Palibhasa matandang dalaga.
"Sorry iha pero hindi ka na mag-aaral sa dati mong school. Sa States ka mag-aaral. Kasama mo dun si Seyah." giit ni ma'am Felicity. Ay pak! States!
"Ay bet! Gora po ako. Gusto ko rin pong linangin ang aking english!"
Natawa silang dalawa. Na'ko, kapag ako talaga natutong mag-english, mumurahin ko in english ang gagong kupal na si Flinn Cedric Alvareoz!
"Inayos na namin ang mga papeles mo papunta doon so no need to worry. One year kayo don ni Seyah so I think that's enough para makapag-aral ka ng mabuti. Special school iyon na ituturo sa inyo lahat ng pwedeng pag-aralan in 8 hours."
Nanlaki ang mga mata ko. "8 hours po?!" Eh isang oras pa nga lang sa paaralan, bored na bored na ako, 8 hours pa tapos puro English? Aba tae yan.
Ngumiti si ma'am Felicity sa akin. "Don't worry iha. Tuesday to Friday lang naman ang pasok niyo. I'm sure, mag-eenjoy ka do'n. Bukas na ang flight niyo so matulog ka ng maaga mamaya. Sa States nalang din kayo bibili ng mga damit ni Seyah. Sanay siya don kaya 'wag kang mag-alala."
Ay wow. Laking States pala si Seyah. Pak na pak.
"Kapag umuwi na kayo dito, ireready na namin ang kasal ninyo ni Flinn Cedric. And I think we should celebrate your birthday when you come back. Sinabi ni Hunter kahapon na birthday mo pala last month, hindi mo naman sinabi. Ipinaghanda ka sana namin."
Ngumiti nalang ako ng kaunti kay ma'am Felicity. Ang bait niya talaga. Sigurado akong hindi naalagaan ng mabuti ang gagong anak niya kaya iyon nagkaganon. Bwiset.
"You should style yourself in States, Trinity. Sanayin mo na ang sarili mo sa pagiging mayaman because you deserve it. I'm also very sorry for what happened, Flinn Cedric's too spoiled by his mom and—
"Honey!" pinalo ni ma'am Felicity sa braso si Don Celadon. Tsk. Sa harap ko pa maglalandian. Hay nako. Bwiset.
"What? It's true. And back to our topic, sana matiis mo in future si Flinn Cedric. He's really possessive and clingy when he's in love."
Umiling ako. "In love po? Na'ko sa panaginip niyo po siguro. Masyadong gawa sa bato ang puso ng kupal—este ng anak ninyo. Siguradong hindi kami magkakainlovean nung anak niyo. Magpapakasal lang po kami at magkakaanak para maparami ang Alvareoz." sagot ko. Ganun naman ang sinabi ni Don Celadon sa akin noon diba? Kailangan nila ng babae para magkaanak ang anak niya na magiging susunod na henerasyon ng Alvareoz. Bwiset. Kawawa naman ang magiging anak ko. Hindi nagmamahalan ang mga magulang niya.
Nagkatinginan ang mag-asawa at nginitian lang ako ni ma'am Felicity na para bang may ibang kahulugan. "Well, let's see." giit nito.
Nagkibit balikat nalang ako at kumain nalang ulit. Siguradong mas masarap ang kinakain ko ngayon kesa kay Flinn Cedric.
BINABASA MO ANG
Ordered To Be His Wife
Teen Fiction(COMPLETED) ALVAREOZ SERIES 1: What will you do when you suddenly need to get married to a billionaire because of your brother's sin? Will you accept it? Highest Ranking Achieved #1 in Comedy #1 in Rom-Com DS: December 16, 2019 DF: April 29, 2020