Chapter 6

7.9K 249 44
                                    

Trinity's POV

Natapos ang buwan ng Oktubre. November na. Malapit na ang kaarawan ko. May nakakaalam kaya? Sana meron. Gusto ko kasing maramdaman ang isang birthday party. Yung tipong masaya ang lahat at marami akong bisita. Hindi ko pa kasi naramdaman iyon. Kapag birthday ko kasi, puto at keso lang ang handa ko. Wala kaming pera eh.

"Hindi ka ba nag-aaral, Seyah?" tanong ko. Nandito ulit kami sa manggahan malapit sa mansiyon. Kumakain kami ng luto ni tita Sayah.

"May phobia ako sa school. Nabully kasi ako dati. Kaya, may private tutor nalang ako. Pero naituro naman na lahat sa'kin lahat kaya parang nakapagtapos na'rin ako ng pag-aaral." sagot niya. Napatango nalang ako. Ganun pala talaga kapag mayaman ka.

"Saan naman nag-aaral yung iba? Kagaya ng mga kapatid mo?" tanong ko. Nakakapagtaka kasi.

"Sa Palawan nag-aaral ang lahat. May school kasi sa Palawan na pag-aari naming mga Alvareoz. Ang totoo niyan, ipinagawa iyon para sa'kin pero wala talaga. May phobia talaga ako dun. Na-trauma ako kumbaga." sagot niya. Napatango ulit ako.

"Alam mo, Seyah, nababagot na'ko sa lugar na'to. Wala bang magandang pasyalan dito?" tanong ko.

Ngumiti siya sa'kin. "Meron! Yung ilog sa tabi ni tito Fausto! Halika, punta tayo." tumayo na siya at tinulungan niya rin ako.

"Papaano 'tong pinagkainan na'tin? Hindi ba natin ililigpit?" tanong ko. Nakakahiya naman kung iba pa ang magliligpit nito.

"Don't worry. May tagalinis ang lupain. Makikita niya 'yan. Kaya tara na. Kalahating oras bago tayo makapunta doon. Dalian na natin." giit niya. Napailing nalang ako nang hilahin na naman niya ako. Pumunta kami sa mga kabayo. Napangiti ako.

"Naaalala mo pa ba ang mga tinuro ko?" tanong ni Seyah sa akin. Tumango ako.

"Oo naman no." sagot ko at kinuha na si Trinityanasantosa. Kinuha naman ni Seyah ang sakaniya na si Seyana.

Sabay kaming sumakay ni Seyah sa mga kabayo namin. "Sundan mo lang ako ah? 'Wag tayong masyadong mabilis at baka mahulog ka na naman. Walang sasalo sa iyo." natawa ai Seyah at napailing nalang ako.

Ilang minuto kaming naglalakbay at nakapunta na'rin kami sa ilog na sinasabi ni Seyah. May nakabantay doon.

"Iyan si manong Ruel. Araw-araw niyang binabantayan ang ilog lalo na kapag may maliligo. 'Tsaka lagi kasing naliligo dito sina Ahyen at Ryle, baka kasi malunod yung dalawa." paliwanag ni Seyah.

"Maliligo kayo?" tanong ni manong Ruel. Tumango kaming dalawa ni Seyah.

"Humingi kayo ng isusuot niyo kay Esther. Bawal ang maong ha?" sabi ni manong. Napatingin ako sa suot namin ni Seyah. Nakamaong kaming dalawa.

"Sige po." sagot ni Seyah at hinila ako. "Halika, punta tayo dun sa may kubo. May mga bikini doon."

Napakunot ang noo ko. "Magbibikini tayo?" tanong ko.

Tumango naman siya. "Oo. 'Wag kang mag-alala. Walang malisya ang mga tao dito. Maliban nalang sa kuya ko." sabi niya. "At huwag ka ring mag-alala. Nasa Manila siya." napatawa siya ng kaunti.

Ilang minuto pa at nakapagbihis na kami. Ang suot ko ay bikini bra at bikini shorts. Ganun din si Seyah. At ngayon ko lang din napagtanto na mas maliit ang bewang ko sa kaniya. Achievement!

Pagkalabas namin ng kubo ay agad ng tumalon si Seyah at sumunod naman ako. Malalim ang ilog pero kaya ko naman. Swimmer kaya ako.

"Nakakarelax sa tubig no?" tanong ni Seyah. Tumango ako at nagfloating. Ang sarap sa balat ng sinag ng araw. Nakakamiss. Sino kaya ang ipinalit sa akin bilang swimmer sa school? Ako kasi ang top swimmer ng De Lapaz National High School. Lagi ako ang 1st place kapag may laban.

Ordered To Be His WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon