Chapter 8

6.3K 224 27
                                    

Trinity's POV

Isang linggo ang nagdaan. At oo nga pala, nasa Cebu ngayon si Flinn Cedric. Isang buwan siya don. Ang tagal hindi ba? Bwisit. Sana naman ay hindi siya mambabae at baka mapatay ko siya.

Nandito ako sa bahay nina Seyah. Actually kahapon pa'ko dito dahil dito rin ako natulog. Wala kasi ang mga magulang niya pati ang kuya niyang si Shawn at ang dalawa niyang kapatid na kambal. Ang sabi niya, nasa Maynila ang kuya niya at ang mga magulang niya naman pati ang mga kapatid niyang kambal, nasa Greece. Nagbabakasyon.

"Nakakabored ano?" tanong ni Seyah habang nakahiga sa sofa ng sala nila. Ako kasi nasa lapag kasama si Winona, nanunuod ng Kpop something dahil fan na fan daw siya.

Lumingon ako kay Seyah. "Sobra. Wala bang pagkain dito sa bahay niyo? Gutom na'ko." sagot ko. My ghad, napakalaki ng bahay nila, wala man lang pamiryenda si Seyah!

Napakunot ang noo ko nang bigla siya umupo. "Gusto niyo bang pumunta ng Manila? Mag mall tayo!"

Napangiwi ako at napatingin naman si Winona sa ate niya. "Are you crazy, ate? Bawal tayong lumabas ng lupain without lolo's permission." giit ni Winona at pinause ang pinapanood namin.

Tumaas ang kilay ni Seyah at umirap. "Sinabi ko ba na hindi tayo magpapaalam?"

Nagkibit balikat si Winona. "Okay then." tumayo ito at tinulungan din akong tumayo. "Should we change clothes now?"

Ngumiti si Seyah at tumango. "Of course. And also call Sasha, she's coming with us." giit ni Seyah at hinila ako papasok sa kwarto niya. Tamad siguro si Seyah at dito nalang sa first floor ng bahay nila ang kwarto niya. Ang mga kapatid niya kasi, sa second floor.

"Kasya mo naman siguro ang mga damit ko. Kailangan bongga tayo pagpunta natin sa mall." may ibinigay siya sa'king damit. Mukhang mamahalin. Siguro wala silang damit na galing sa ukay. Hay na'ko.

Hindi na kami naligo dahil naligo na kami kaninang umaga sa may ilog. Nang tingnan ko ang suot ko sa salamin, halos mapanganga ako. Bakit ang ganda? Ng damit siyempre, hindi ako.

"Wow. Mas bagay sa'yo ang mga mamahaling damit." sabi ni Seyah nang makalabas ako sa may sala. "Come here, let's put some little make-up on your face." sabi niya at may binuksang case ba 'yon?

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang laman niyon. Mga make-up! Ang dami!

"Magkano iyan?" tanong ko. Siguradong mahal iyon. Nakita ko na ang set na iyan dati. Pinapangarap 'yan nung plastik kong kaibigan.

"$1,000, I think. Nakalimutan ko'na. Si kuya Shawn ang nagbigay nito eh."

Hindi ko mapigilang mapailing. Napakamahal grabe. Magkano naman kaya itong damit na suot ko?

"Ate Seyah, look at ate Sasha, she dyed her hair again!" bungad ni Winona nang makababa ito. Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita ko si Sasha.

"My god, Sasha!" may konting inis sa boses ni Seyah. Paano ba naman kasi, iba na naman ang kulay ng buhok ng kapatid niya. Dark blue and mint green na ang buhok nito ngayon. "Gusto mo talagang masira ang buhok mo ano?"

"Stop it, ate. Let's just go." inirapan niya si Seyah at lumabas ng bahay nila. Napailing nalang si Seyah.

"She's too spoiled." giit ni Seyah at nilagyan na ako ng make-up. Kaunting minuto lang ang itinagal at tapos na.

"Let's go!" natawa ako ng kaunti sa sobrang excited ni Winona. Napakacute niya!

"Buti nalang at close ako kay lolo. Kailangan ko lang siyang lambingin ng kaunti at siguradong papayagan niya tayo na pumunta ng Manila." nakangiting giit ni Seyah pero napanguso ng may maalala. "Pero maraming bodyguards ang aalalay sa atin. Hay na'ko."

Ordered To Be His WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon