Chapter 16

6.2K 200 9
                                    


Dedicating this chapter to my classmate Jasmin Bless Angel HAHAHAHAHA binuo eh no, and Hannalee.

Para sa aking mga JDnians at bagong followers, I love you all so much!❣️🌺


************

Trinity's POV

Umaga palang ay busy ulit ang lahat ng tao sa mansiyon. Nandito rin ang ibang Alvareoz kagaya nina Penelope Cara, Warmy Venice na kagagaling lang sa England, si tita Season, ate Yena Lucia, ang magkapatid na sina Tita Sarah at tita Sayah at marami pang iba. Ang mga lalaking Alvareoz naman ay mamaya pa dadating. I'm so excited dahil makikita ko na ulit si Sylvester at si Hunter! After one year ay makakasama ko na naman sila! Gusto ko ring makita ang girlfriend ni Hunter. Siguradong bagay talaga sila.

Lumapit ako sa isa pang babaeng Alvareoz. It's ate Summer Veann. Ang panganay na anak ni tita Season at tito Vin.

"Can I help you?" tanong ko rito. Inaayos nito ang mga bulaklak sa bungad ng garden. Kumpara sa iba ay mas marami ang ginagawa niya.

Ngumiti siya sa'kin. "If you insist, you can." itinuro niya ang mga blue roses na nasa sahig. "Pick it for me please." giit nito at sinunod ko naman. Ngayon ko lang napansin ang tunay nitong ganda.

Wala siyang make-up pero ang ganda ganda niya pa'rin. Her eyes are stunning. Mukha siyang half Japanese na half Spanish.

"Thank you." hindi pa'rin naaalis ang ngiti niya sa mukha. Natulala ako sa ganda niya. Hindi siya kasing ganda ni Penelope Cara at ni tita Cassandra pero kakaiba ang taglay niya. "Belated happy birthday and happy new year. I'm hoping all the best for you." giit nito at pumunta sa kabilang banda kung saan pa siya mag-aayos ng bulaklak. Ang ganda at ang bait niya. Yun lang ang masasabi ko.

Pagkatapos kong tingnan ang kaayusan ng mga bulaklak ay lumapit naman ako kay Penelope Cara na kasama rin sina Seyah at Warmy Venice. Halatang magpipinsan ang dating ng mga ito dahil may hawig sila sa isa't isa. May napakaganda, mas maganda, at maganda. Hindi ko sinasabing si Seyah ang huli pero ganoon na nga.

"Hi! Omo, you leveled up!" giit ni Warmy Venice ng makita ako. Halatang anak ito ni tita Season dahil ganito rin ang ugali nito. Isama mo pa ang pangalan niya at kamukha rin talaga niya ito.

Ngumiti ako at umupo sa tabi ni Seyah. "Thank you but you leveled up the most." sagot ko rito. Sa huling pagkikita kasi namin ay hindi ito masyadong confident sa sarili. Naaalala ko pa noong una kaming nagkita, noong nagpaparty si dad Celadon dahil buntis si ate Fea, hindi ito masyadong nagpapakita ng kutis pero ngayon, mukhang confident na confident na ito dahil sa suot nitong crop-top with matching mini skirt. Mabuti nalang at hindi kagaya ng ibang nagsusuot ng ganoon, hindi siya malaswang tingnan. Cute siya.

"And I didn't?" umeksena ang palakang si Seyah. Napa-irap nalang ako. Pero sa totoo lang, mas gumanda talaga si Seyah. Kung dati ay cute siyang tingnan dahil sa height nito, ngayon ay kahit konti naman ay mapapansin namang dalaga na talaga ito.

"You know Trinity when Seyah told us about you, I and Venice were really excited to be friends with you. Sayang nga lang at hindi ka namin masyadong naka-usap last year. Pero malay mo ngayon di'ba?" nagsalita si Penelope Cara na kung susumahin ay siya ang pinakamahinhin sa kanilang tatlo. Nabalitaan ko rin na hindi ito papatalo sa grades. Gagraduate ito sa college ngayong darating na bagong taon bilang Cum Laude. Mabuti pa siya, maganda na, mabait na, mahinhin na, matalino pa! San kana? Kay Penelope Cara ka na!

"Sana nga. Titira rin kami sa Palawan and I think we can chitchat if we see each other." sagot ko rito. Oo na. Tinanggap ko na ang offer ni mom and dad na sa Palawan kami tumira ni Flinn Cedric para maging close kami sa isa't isa. Natatakot din naman ako sa magiging future ko.

Ordered To Be His WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon