Trinity's POV
Ilang linggo ng wala si kumag. I mean si Flinn Cedric. Na'ko. Sa totoo lang, nabubulok na'ko sa mansiyong ito. Bwiset. Ikaw ba naman ang itira sa lupaing sobrang tahimik, hindi ka mababaliw? Tsk. Hindi ko mapigilang mapamura.
Sa ilang linggo kong paninirahan dito, mas naintindihan ko na mas maganda pala kung nag-aaral nalang ako. Mas exciting at mas may thrill pa. Bwiset.
"Triny!!! Hey, labas ka na diyan. Another session of English language for you!"
Napairap ako at napatampal sa noo ko. Da pak. Nandito na naman si Seyah at tuturuan na naman niya ako ng lengwahe nilang hindi ko naman maintindihan talaga. Ay bwiset.
"Ayoko." walang gana kong sabi pero sapat na para marinig niya. Nakakabangag na dito sa pamamahay na ito. Gusto ko ng umuwi ng bahay.
"Triny!! Araw-araw ka nalang ganiyan! Dali na kasi! Para maintindihan mo na sina kuya Cedric, Tita Feli, Tito Celadon, tsaka yung iba pa."
Napabuntong hininga ako. Bwiset. Sino ba talagang nagpauso ng lengwaheng iyan at ipapa-bugbog ko kay tiyo Lito. Yung bouncer na kapatid ni nanay.
"Triny!! Come out na kasi. Promise, basic lang ang ituturo ko. 'Tsaka kailangan mo rin 'to para sa kompaniya. You know conjugal properties right? Kapag ikinasal na kayo ni kuya Flinn, siguradong magtatrabaho ka'rin sa kompaniya. And all of your business partners speak English! So lumabas kana diyan Triny dahil hindi kita titigilan."
Napatampal na naman ako sa noo ko. Gusto kong murahin si Seyah ng paulit-ulit. Ay bwiset. Makukurot ko siya sa singit!
"Ayan na lalabas na! Bwisit ka, nagdidilim ang paningin ko sa'yo." giit ko at tumungo sa pinto. Sinabunutan ko siya ng pabiro nang makita ko siya. "Sa susunod talaga na wala akong maintindihan, masasapak ka na ah?"
Nginitian niya lang ako ng napakatamis. "I'm very sure, may matututunan ka ngayong araw." giit niya at tumalikod na.
Inirapan ko siya at sumunod na'rin. Bwiset.
"So kailangan mong—Hey, nakikinig ka pa ba?"
Hay na'ko. Nababagot na talaga ako sa lugar na ito. Pwede ko kayang hilingin na umuwi muna ng bayan namin? Namimiss ko na yung mga plastik kong kaibigan. Siguro, pinagchichismisan na nila ako ngayon. Chismosa rin kasi si nanay minsan eh. Sigurado akong naikwento niya na sa mga kumare niya na ipapakasal ako sa isang mayaman. Nakakalungkot lang at baka hindi naman ako namimiss ni nanay.
"TRINITY!"
"AY PUT—bwiset ka! Ano ba?!"
Halos pinagpapalo ko na si Seyah. Bakit napaka-ingay ng babaeng ito? Nakakarindi na.
"Bakit ba kasi hindi ka nakikinig? Remember Triny, basics palang ng english ang pinag-aaralan mo."
Inirapan ko siya. "Ayoko na. Kahit magtatalak ka diyan, hindi ako makikinig sa'yo." tumayo na'ko mula sa pagkakaupo ko. Nandito nga pala kami sa ilalim ng manggahan. Malapit lang sa mansiyon.
"Trinity, kailangan mong matuto." sabi niya at tumayo na'rin.
"Iba nalang ang ituro mo sa'kin, Seyah. Bulok na bulok na 'tong tubol kong utak." napakamot ako sa ulo ko.
"Hay na'ko. Hindi ka kasi nagpupursige eh. Tara na nga. Tuturuan kitang mangabayo."
Nagliwanag ang buong mukha ko sa sinabi niya. Yes! Napakatagal ko ng gustong matutong mangabayo. Yie-ha!
"Aba ginang Seyah, napupuno ka ng grasya, nawa'y magkajowa ka na! I love you!" niyakap ko siya.
Napatawa siya ng kaunti. "Tara na. Tapos ipapagamit ko sa'yo yung bagong kabayo. Sigurado naman ako para sa'yo yun."
BINABASA MO ANG
Ordered To Be His Wife
Ficção Adolescente(COMPLETED) ALVAREOZ SERIES 1: What will you do when you suddenly need to get married to a billionaire because of your brother's sin? Will you accept it? Highest Ranking Achieved #1 in Comedy #1 in Rom-Com DS: December 16, 2019 DF: April 29, 2020