Special Chapter

6.2K 135 27
                                    

I made this special chapter to thank you all for supporting this story. I am super grateful that you liked it. Love you all❣️

*****

Trinity's POV

"Mom!! Mommy, wake up! You are so tamad talaga, wake up na! Tito Sylvester is nasa baba, he's looking for you! Mom!!!"

Hindi ko alam kung babangon ba ako dahil nandiyan si Sylvester o dahil sa kaingayan ng anak kong kulang yata sa gatas.

Bwisit, napagod ako kagabi eh, alam na kung anong reason.

"Trina Cea, masakit na ang ulo ko, 'wag mo nang pasakitin pa ng bonggang-bongga!" giit ko at umupo muna sa kama. Nagloloading pa ang utak ko, wait lang.

"Mommy, it's 10:30 am and you're still here sleeping, daddy left like two hours ago, wala akong maka-usap. Si kuya Fin, nasa school, and tito Sylvester didn't bring Keiro with him, so sinong kalaro ko?"

Napa-iling na lamang ako at tumayo na. Mana nga sa'kin 'tong anak ko, madaldal.

"Kanina pa ba naghihintay si tito Sylvester mo?" tanong ko at dumeretso sa banyo. Sinundan naman niya ako.

"Yes. Dumating siya kanina pa yatang 10:00. Ayaw ka niyang gisingin kahit na hinahanap ka niya so ako nalang ang nanggising sa'yo."

Nakikinig lang ako sa kaniya habang nagsisipilyo. Nakita ko rin sa salamin ang suot niyang dress. Mukha itong aalis.

"Mommy, are you really going to enroll me na sa June?"

Nagmumog muna ako bago siya sagutin. "Yes, you're already 6 years old. Dapat nga last year ka pa nag-start mag-school eh."

Naghilamos lang ako ng mukha at lumabas na sa banyo. Itinali ko rin ang buhok ko dahil sabog na sabog ito.

"Mommy, I don't want to go to school, I just want to play here." nakangusong giit nito.

"Cea, ganiyan din ako nung bata ako pero trust me, mas masaya sa school. Marami kang makikilalang mga bagong friends."

Isinuot ko muna ang isang robe bago lumabas ng kwarto. Pagkatapos niyon ay dumeretso na ako sa sala kasama si Cea.

Naabutan namin doon si Sylvester na nagkakape. Iba talaga ang aking bestfriend, malapit ng mag 40 pero ang hot pa rin. Iba talaga kapag Alvareoz.

"Hey, good afternoon." nakangising giit nito na para bang gusto niya akong inisin.

"Tito Sylvester, can you teach my mom to get up early? She's always like this lalo na kapag umuuwi si daddy."

Natawa si Sylvester sa sinabi ni Cea, ako naman ay napa-irap nalang.

"They're creating a little sister for you, that's why."

Napangiwi ako sa sinabi ni Sylvester. "I'm on birth control, ayoko ng manganak. Halos mamatay ako nung last kaya no, thank you. 'Tsaka okay na sa'min ni Flinn Cedric 'tong si Cea at Ricx."

"I don't want a little sister din, tito Sylvester. I want to be the baby of this family. Only me." napakalawak na ngiti ang ibinigay ni Cea sa tito niya.

Ordered To Be His WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon