Trinity's POV
A week has passed and I'm more than happy dahil walang ginawa si Flinn Cedric kundi alagaan ako at pakiligin. Nakakagigil nga minsan pero mahal ko si gago eh.
Lagi niya akong pinagluluto, siya ang naghuhugas ng pinggan, siya rin ang naglalaba ng mga damit namin pero napapailing nalang ako dahil sa mga pinagsasasabi niya na nagkakaboner daw siya dahil sa mga panty ko. Aba bwiset talaga.
Yung nagyeyelo kong puso para sa kaniya, unti-unti nang natutunaw pero hindi ko rin talaga mapigilan minsan na mag-isip. Pa'no kung niloloko niya lang ulit ako? Hindi pa'rin kasi maalis sa'kin ang trauma ko at naiinis ako nang dahil doon. Kagigil.
Pero paano nga kung niloloko niya lang ulit ako? Ano na ang mangyayari sa'kin? Siguro magpapakamatay nalang ako nun sa sakit. Mahal ko na talaga ang gunggong na iyon eh. Minsan nga gusto ko na talagang sabihin sa kaniya na gusto ko rin siya pero naga-alangan talaga ako ng sobra. Sa ngayon, gusto ko munang siguraduhin ang lahat.
Bumangon ako sa higaan naming dalawa. Siyempre nahirapan akong gawin iyon dahil laging nakayakap sa'kin si Flinn Cedric. Hindi ko naman siya mapigilan dahil kahit maglagay ako ng napakaraming unan sa gitna namin, kapag nakatulog na'ko, aalis niya lang lahat ng iyon. 'Tsaka gusto ko rin naman hindi ko na ikakaila pa.
Bago ako lumabas ng kwarto ay dahan dahan ko siyang hinalikan sa pisngi. Hindi ko naman 'to ginagawa araw-araw simula last week 'no. Kahapon ko lang sinimulan. Hihi.
Mahinhin lang ang mga galaw ko dahil ayoko siyang gisingin. Baka umagang-umaga eh baka may sumabog. My gosh ayokong isipin.
Pagkababa ko sa kusina ay naghanda na'ko ng mga pagkain na pwede kong iluto. Ako ang laging nagluluto ng umagahan dahil tulog mantika iyong si Flinn Cedric. Kaya nga hindi nagigising kahit halikan eh.
Nagponytail muna ako at nagsimula ng magluto. Laging may pagmamahal sa niluluto ko lalo na at mahal ko iyong ipaghahain ko. Ay bwiset, bakit ang corny ko?
Ilang minuto rin ang itinagal bago ko maluto ang lahat. Inihain ko na ang lahat sa mesa.
Isa nalang ang gagawin ko. Ang tawagin si Flinn Cedric.
Umakyat ako papunta sa kwarto namin at dumeresto sa kama. Naabutan kong natutulog pa'rin si Flinn Cedric.
Yuyugyugin ko sana siya para gumising pero nabigla ako nang bigla niya akong hilahin. Napadagan ako sa kaniya at nauntog pa ang ulo ko sa matigas niyang dibdib.
"Good morning." rinig kong giit nito. Gising na pala siya, nagpanggap pang hindi para lang mayakap ako ng ganito. Hindi pa ba siya nakuntento sa 8 hours naming tulog na nakayakap lang siya sa'kin at wala ng ginawa kundi iyon lang?
"We should eat now, Flinn Cedric. Lalamig yung pagkain sa baba." giit ko. Mas humigpit naman ang yakap niya sa'kin at gumalaw paside kaya ang ending, nakahiga ulit ako sa tabi niya.
Nailang ako ng kaunti nang titigan niya ako sa mata. Napaiwas tuloy ako ng tingin. "T-Tara na sa baba, k-kumain na tayo." giit ko.
"Don't worry, may pagkain na ako dito."
Kumunot ang noo ko at tumingin sa kaniya. "Nasan?" tanong ko.
Hinalikan niya ako bago sumagot. "You." giit niya at ngumisi. Aba'y!
Bumalikwas ako mula sa pagkakahiga at pinalo siya. "Bwiset! Bahala ka nga dito. Kainin mo sarili mo, gago!" sigaw ko at dali daling tumakbo papalabas ng kuwarto at bumaba na sa dining room. Nakakainis!
Umupo ako sa may upuan at sumandok na ng kanin. Bahala siya, gutom na'ko. Hindi naman siya baby na kailangan ko pang pakainin. Bahala talaga siya.
BINABASA MO ANG
Ordered To Be His Wife
Novela Juvenil(COMPLETED) ALVAREOZ SERIES 1: What will you do when you suddenly need to get married to a billionaire because of your brother's sin? Will you accept it? Highest Ranking Achieved #1 in Comedy #1 in Rom-Com DS: December 16, 2019 DF: April 29, 2020