MALAKAS ang buhos ng ulan kaya hindi kaagad nakaalis ng headquarter si Kayla. Dalawang taon na siyang naka-assign sa Camp Aguinaldo matapos siyang makapagtapos sa Philippine Military Academy. She got her job easily not because of her Father's background in military as Lt. General and former AFP Chief of Staff. It because of her own intelligence and passion. Sa edad na biyente kuwatro anyos ay nakuha niya ang rangong 2nd Lieutenant. Maituturing na bayani ang kanyang ama dahil sa ilang taong pakikipaglaban para sa kapayapaan. Namatay mismo sa digmaan ang kanyang ama noong sixteen years old siya. She promised him that she will continue his legacy and she did.
Pero hindi lamang ang legacy ng kanyang ama ang pinasan niya kundi maging ang responsibilidad nito sa pamilya. He mother died three years ago in breast cancer. She only have now was her younger sister. Ginawa niya ang lahat para sa kapatid niya pero laking dismaya niya nang malamang buntis ito.
Nasa second year college na si Karla sa kursong nursing. Hindi siya maka-move on at ayaw niyang mag-move on. Napakataas ng pangarap niya para sa kanyang kapatid kaya hindi niya matanggap ang nangyari rito.
Kumislot ang dalaga nang may kamay na pumisil sa baywang niya. Naramdaman niya ang presensiya ni Patrick, her long time boyfriend na naging ex at ngayon ay fling. But they still working so fine with their on and off relationship. Parang nasanay na siya na nariyan si Patrick sa buhay niya kaya ayaw niyang maputol ang ugnayan nila.
"Are you still wondering about your sister's early pregnancy?" bulong nito sa kanya. Nakapuwesto ito sa kanyang likuran.
"I just can't move on. Napakahinhin niya at never kong nalaman na may boyfriend siya," aniya.
"Because you didn't allow her to have a boyfriend. Come on, she's already eighteen."
"Exactly. She's eighteen years old. Kaka-eighteen lang niya. But age was not my concern. It's about her study," aniya saka siya pumihit paharap kay Patrick.
"And also about your pride."
"Pride is there but look, I've spent my whole life to carry this responsibility to her. I was expecting her to be nice and doing her responsibility too. She promised me that she will finish her studies before accepting guys."
"You are expected too much, Kayla, that's why the fact hurts you."
Bumuntonghininga siya. "Fine. But I can't take it. Gusto kong magtapos muna siya ng pag-aaral, makapasa sa board exam at makapagtrabaho."
"So, what you gonna do? Ipapalaglag mo ang bata?"
"I didn't think about abortion. Kasalanan ito ng kinababaliwan niyang writer," sabi niya.
"A writer?"
"Yes, a writer of a daring novels. Nakita ko ang tambak na libro sa closet ni Karla. Sa kakabasa niya ng malalaswang nobela na iyon ay nilamon siya ng curiosity," giit niya.
"I think it's not a writer's fault. It's your sister's responsibility or a mistake."
"Whatever. I have to go," aniya saka tinalikuran si Patrick.
"Okay. Take care, honey! See you tomorrow!"
Hindi niya ito sinagot. On-duty si Patrick kaya hindi na sila nagkaroon ng pagkakataong kumain sa labas. Batchmate niya sa PMA si Patrick at ito ang kauna-unahang lalaki na nanligaw sa kanya at naging boyfriend niya. Lately lang niya nadiskobre na babaero talaga ito maliban sa babae rin ang dahilan ng unang paghihiwalay nila. He was a freaking flirt. Pero hindi niya basta maitapon ang pinagsamahan nila. He mean everything to her life since her mother's died. Ito rin ang knight niya sa loob ng PMA sa tuwing nasa panganib siya.

BINABASA MO ANG
Captivated (Complete)
Genel KurguThe stories compose of three books. These are the stories of three young professionals who are knowledgeable in sexuality studies. But behind their being experts, they are virgin. It means, they don't have sexual experience. Yes, that was the inter...