HINDI na nagluto ng hapunan si Kayla dahil malilibre naman sila ni Damian. Alas-sais pa lamang ng hapon ay nakarating na sa bahay nila ang binata upang sunduin sila ni Karla. Naliligo pa siya nang kumatok si Karla sa pinto ng banyo ng kuwarto niya.
"Ate, totoo ba na doon tayo maghahapunan sa bahay nila Kuya Damian?" kompirma ni Karla.
"Oo. Magbihis ka na," sagot niya. Nagbabanlaw na rin siya.
"Okay."
Paglabas niya ng banyo ay nakaalis na si Karla. Mabuti naihanda na niya ang damit na isusuot niya. Pulang blouse lang ang isinuot niya at itim na legging. Wala namang okasyon kaya okay na iyon at hindi na siya nag-make up. Manipis na pink lipstick lang ang ipinahid niya sa kanyang mga labi at kaunting face powder sa mukha.
Naisip niya, sinundo sila ni Damian kaya puwede nang hindi siya gumamit ng sasakyan. Pero dinala pa rin niya ang kanyang mga susi.
Pagdating niya sa grand floor ay naabutan niya si Damian na pinagmamasdan ang mga litratong nakapatong sa itaas ng bookshelves malapit sa paanan ng hagdan. Awtomatikong nabaling ang tingin nito sa kanya. Kaagad itong ngumiti.
He's smiles were enough to make her feel comfortable. Hindi ito katulad ng ibang lalaki na malikot ang mata sa unang tingin sa babae. He looked at her directly to her eyes and gave her a mouthwatering smile. He was dominant at his look. He's wearing a plain blue polo-shirt and navy blue fitted jeans.
"Hi!" bati nito sa kanya.
Hindi siya sumagot. Humakbang siya palapit dito. Ang mga litratong pinagmamasdan nito ay mga litrato nila ni Karla, family picture at solo pictures ng parents nila. Naroon din ang picture niya noong nag-graduate siya sa PMA, with stunning military combat uniform.
"I was amazed with your military looks at those pictures. Kapag nakasibilyan ka, hindi ko maiisip na isa kang sundalo. I just wondering how was your work. Some people think that soldiers kill lives," sabi nito.
"May batas kami. Hindi basta pumapatay. Hindi porque sundalo ay nakapatay na," aniya.
"Alam ko. I also have novel character na soldier pero siyempre, lalaki. Pero meron ding palang babae kaso hindi ko pa tapos sulatin."
Matiim niya itong tinitigan. Mukhang may hint na siya kung anong kuwento ang isinusulat nito.
"Do you write a true to life story?" curious niyang tanong.
"Uh, yes, before. Usually kasi sa real-life story walang happy ending. It wasn't my publisher priority since bihira ang readers na gusto ng tragic stories."
"Puwede mo namang lagyan ng happy ending."
"Hindi na iyon realistic. Depende sa story. Mayroon din namang true story na may happy ending."
"Pero bihira."
Napansin niya ang biglang pananahimik ni Damian. Naudlot ang pag-uusap nila nang dumating si Karla.
"I'm ready, guys!" sabi nito.
"Oh, so shall we go?" ani Damian.
"Mauna na kayo sa labas. Isasara ko lang ang mga pinto at bintana," aniya.
Lumabas naman ang dalawa. Nang masigurong safe ang bahay nila ay lumabas na siya. Umaandar na ang kotse ni Damian na naiparada nito sa tapat ng gate. Naroon na rin si Karla. Sa tabi ni Damian siya umupo habang si Karla ay nasa backseat.
Inabutan pa sila ng traffic kaya inabot ng halos isang oras ang biyahe nila. Pagdating sa bahay nila Damian ay nakahanda na ang hapunan. Noon lang niya naabutan ang tiyahin ni Damian na si Aleng Pacita, na siyang nagluluto para sa mga ito. Pinsan ito ng Mommy ni Damian at nakatira sa kabilang bahay. Ito rin ang nag-aalaga sa Mommy ni Damian.

BINABASA MO ANG
Captivated (Complete)
Ficción GeneralThe stories compose of three books. These are the stories of three young professionals who are knowledgeable in sexuality studies. But behind their being experts, they are virgin. It means, they don't have sexual experience. Yes, that was the inter...