NAGISING si Kayla nang matamaan ng sikat ng araw ang mukha niya. Napadaing siya nang indahin ang nangangalay niyang kaliwang binti. Masikip ang papag na hinigaan nila ni Damian sa loob ng treehouse at hindi niya lubos maisip kung paano siya nagkasyang dalawa roon. Mukhang tinakasan na siya ng binata.
Mataas na ang sikat ng araw. Alas-nuwebe na ng umaga sa oras ng suot niyang relong pambisig. Inabot sila ni Damian ng alas-tres ng madaling araw sa pagbuo ng kuwento. Nag-brainstorming silang dalawa at bago sila sikatan ng araw ay natapos ang maikling kuwento na pinaghirapan nilang isipin. Susubukan daw ni Damian ipasa sa publisher ang kuwento. Tungkol iyon sa isang babaeng nakakulong sa makalumang pamumuhay at biglang lumuwas ng modernong siyudad. Nag-aral sa sikat na unibersidad at nakilala ang modernong lalaki na mayaman. Mayaman din ang babae pero old fashioned nga lang. Ideya niya iyon at si Damian na ang sumulat at nag-isip ng ibang senaryo.
Excited na siyang mabasa ang buong kuwento. Sinubukan niyang hanapin sa nakabukas na laptop ni Damian ang ginawa nitong kuwento pero lahat ng files nito ay may security password. Segurista ang hudyo. Nag-explore siya sa ibang files nito na hindi naka-lock. Binuksan niya ang mga naka-save na pictures.
Nagsimula siya sa pinakalumang pictures. Naka-save pa roon ang pictures noong inilibing ang Daddy ni Damian. Naka-itim lahat ng nakilibing. Sa grupo ng kababaihan na pawang naka-itim ay may isa roon na pamilyar sa kanya ang mukha. Medyo malayo ang kuha ng picture kaya nai-zoom niya. Lalong lumabo.
"Hey!"
Kumislot siya nang biglang pumasok si Damian. May napindot siya sa keyboard at biglang nawala ang mga picture. Bumalik siya sa unang files na binuksan niya. Nabaling ang tingin niya sa naka-tray na pagkaing inilapag ni Damian sa tabi ng laptop.
"Ano'ng tinitingnan mo riyan?" tanong ng binata saka tiningnan ang laptop.
"Hinahanap ko ang kuwento na ginawa mo kagabi," sabi niya.
"Hindi naka-save sa laptop. Nasa flash drive ko. Naghalungkat ka na ng mga pictures ko," anito.
"Tiningnan ko lang ang pictures noong libing ng Dad mo. Hindi ko na makita ang files sa dami," aniya.
"Mamaya na 'yan. Mag-breakfast muna tayo. Mamayang hapon mag-swimming tayo. Bagong palit ang tubig sa pool."
"Kailangan kong bumalik ng Maynila bago dumilim. May duty ako bukas," sabi niya.
"Okay. Bago ka umalis ay mag-swimming muna tayo. Bukas ng after lunch naman kami uuwi. Martes pa naman ang pasok ng mga estudiyante."
Nawala na sa isip ni Kayla ang litrato. Pinagsaluhan nila ni Damian ang pinoy breakfast dishes. Pritong tuyo, with scrambled egg na may kamatis at sibuyas at sinangag. Ang dami niyang nakain.
"Pagkatapos nating mag-almusal, pupunta tayo sa taniman ng mangga. Medyo malalaki na raw ang bunga at puwede nang kainin. Nagluto si Doreen ng bagoong alamang na partner ng hilaw na mangga," pagkuwan ay sabi ni Damian.
Bigla siyang nag-crave. Pinaspasan niya ang pagsubo. Gusto talaga niya ang ganoong adventure. Ang may kakaibang food trip experience.
Hindi pa bumababa ang kinain nila ay nagtungo na sila sa parte ng lupain na may tanim na mga mangga. Karamihan ay Indian mango. Kasama nila si Darren na siyang aakyat daw sa puno para mamitas ng maliliit na bunga, yaong mura pa ang buto at malutong. Nagki-crave raw kasi si Karla at gabi pa lang ay gusto nang pakyatin si Darren para mamitas ng bunga.
"Umakyat ka rin, Damian," utos ni Kayla sa kasama niya'ng nakatingin lang kay Darren na umaakyat ng puso.
"Uh... actually, I didn't climb," anito.
BINABASA MO ANG
Captivated (Complete)
General FictionThe stories compose of three books. These are the stories of three young professionals who are knowledgeable in sexuality studies. But behind their being experts, they are virgin. It means, they don't have sexual experience. Yes, that was the inter...