Chapter Eight

4.7K 155 3
                                    


PUMAYAG si Kayla sa imbitasyon ni Damian na mag-dinner sila sa bahay ng mga ito sa Quezon City. Sabado naman kaya okay lang kahit abutin sila ng ilang oras sa bahay ng mga ito. Ayon sa binata, pinaalam na nito sa ina nito ang sitwasyon ni Darren. Gusto niyang malaman kung ano ang reaksiyon ng ginang.

Pagkatapos ng hapunan ay nag-explore siya sa malaking bahay. Halos kasing laki lang ng bahay nila ang family house nila Damian. Mayroon ding second floor at mas gusto niya ang design ng bahay. Mayroon itong penthouse at rooftop garden. Patungo siya sa rooftop nang masalubong niya si Damian. Nakasuot lang ito ng puting pajama at puting hatip na T-shirt.

"Hi! Would you like to talk to my mother?" sabi nito.

Hindi nila nakasabay sa hapunan ang Mommy nito dahil nauna na itong kumain. Nasa kuwarto lang ito at nagpapahinga matapos maoperahan sa matris.

"Sure," tugon niya.

Iginiya naman siya nito sa kuwarto ng ina nito sa ground floor. Nakahiga lang sa kama ang ginang habang bahagyang nakataas ang ulo. Bigla niyang na-miss ang Mama niya. Hindi pa naman pala ganoon katanda ang ina ni Damian. Nababakas pa rin ang kagandahan nito.

"Mom, Kayla is here. Siya ang ate ni Karla," sabi ni Damian sa ina nito.

Deretsong tumitig sa kanya ang ginang. Ngumiti ito. "Hija, nice to meet you! Oh, I apologize for my son's mistake. I really sorry, I'm unable to help you because of my health condition," emosyonal na pahayag nito.

Nilapitan niya ito. Kaagad naman nitong hinawakan ang kanang kamay niya. "Okay lang po. Hindi na po ninyo kailangang mag-effort. Magpahinga lang po kayo. Nariyan naman si Damian para umalalay kay Darren," aniya.

"Thank you for understanding. Makakaasa ka na hindi kayo bibiguin ng mga anak ko. Ang sabi ni Damian, wala na kayong mga magulang. Ano'ng nangyari sa kanila?"

"My father was a former AFP chief of staff. He died in an unexpected ambush with new peoples army during his first visit in Quezon province. Ang mother ko naman ay namatay sa breast cancer. She was a high school English teacher," kuwento niya.

"Oh, that's terrible. I'm sorry for asking. May I know your father's name?" anito.

"Si Gen. Apolo Ramirez, po," sagot niya.

"Oh, siya pala. Na-meet ko na siya minsan sa isang events sa office of the President. I used to work as a public lawyer before."

"Really? Nice to know that."

"So, what is your job, hija?" pagkuwan ay tanong ng ginang.

"Uhm, I am a soldier. I'm currently assigned at Camp. Aguinaldo. Nagtapos ako sa Philippine Military Academy sa Baguio City class 2015. I got my rank as 2nd Lieutenant after I graduated."

"Wow! That's amazing! Mukhang ikaw ang susunod sa yapak ng Dad mo. You're the prettiest girl soldier I'd ever meet, hija. How I wish to have a daughter in law like you?" masiglang wika ng ginang.

Bigla siyang nailang. Sinipat niya si Damian na nanonood lang sa kanila. Nginitian siya nito.

"Hm, thank you po," sabi na lamang niya.

"So, you and Damian are dating?" mamaya ay usisa ng ginang.

Marahas na naibalik niya ang tingin sa binata. Kinindatan siya nito. Ano kaya ang pinagsasabi nito sa ina nito at ganoon na lang kainit ang pagtanggap sa kanya ng ginang? Inirapan niya ito pagkuwan ay ibinalik ang atensiyon sa kausap.

"Uh, no, we're not dating," mariin niyang sagot.

"Pero ang sabi ni Damian ay magka-schoolmate daw kayo noong high school," anang ginang.

Captivated (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon