ISANG linggong nasa-Baguio para sa isang seminar. Naihabilin niya kay Darren si Kayla. Mabuti pumayag ang binata na samahan muna si Kayla habang wala siya. Hindi na niya ipinaalam kay Damian ang tungkol doon. Katunayan hindi pa niya nakakausap ang binata simula noong huli silang nagkita. Marami itong tawag at mensahe sa kanya na hindi niya nasasagot. Gusto muna niya ng space nang matiyak niya kung ano talaga ang nararamdaman niya para sa binata.
Subalit sa loob ng isang linggong binabalewala niya ang binata ay tila lalo lamang itong gumugulo sa isip niya. Kahit anong abala niya sa trabaho ay walang sandaling hindi niya ito naiisip. Nami-miss niya ang presensiya nito.
Pagbalik ng Maynila ay nabigyan ng dalawang araw na pahinga si Kayla maliban sa araw ng Sabado at Linggo. Plano sana niyang mag-stay muna sa Baguio pero panay na ang tawag ni Karla. Nagpaalam ito na doon muna mag-stay sa bahay nila Darren. Hindi dapat siya papayag pero hindi niya napigilan ang kapatid.
Pagdating sa bahay nila ay parang isang taon na hindi tinirahan. Makapal na ang alikabok sa mga kagamitan. Malamang ilang araw nang wala roon si Karla. Walang laman ang refrigerator at naka-off ito. Pinaalam na niya kay Karla na uuwi na siya. Inaasahan niya na maabutan niya ito roon.
Lumabas siya at namalengke. Tinatawagan niya ang kanyang kapatid pero hindi ito sumasagot. Naiinis na siya. Nang gumagabi na'y nagdesisyon siyang puntahan na si Karla sa bahay ng mga Hidalgo. Iniisip niya na pakana na naman ni Damian na doon muna si Karla. Ito lang naman ang palaging nagpipilit na magkamabutihan si Darren at Karla.
Pagdating sa tahanan ng mga Hidalgo ay nasorpresa siya nang malamang dalawang araw nang wala si Maynila si Damian. Mayroon daw itong schedule ng mall tour around Visayas area para sa book signing nito.
Saktong maghahapunan pa lang ang mag-anak nang dumating siya. Hindi na siya nakatanggi nang si Gng. Darla mismo ang nag-imbita sa kanya. Napansin niya na komportable na si Darren na kausap si Karla. Magkatabi ang mga ito sa silya habang kumakain. Si Doreen naman ay katabi niya.
"Bukas pa raw makakauwi si Damian. Bago siya umalis ay naihabilin niya na huwag pabayaan si Karla," ani Gng. Darla.
Nabaling ang atensiyon niya kay Darren na nagsalita. "Sorry, Ate, I decided to bring Karla here for her safety. Hindi kasi sa lahat ng oras ay masasamahan ko siya sa bahay ninyo. At least kapag narito siya ay kasama niya si Mommy," paliwanag ng binata.
Bumuntong-hininga siya. So, wala nang kinalaman si Damian sa mga desisyon ni Darren. Pabor iyon sa kanya. Gusto talaga niya na magkusa si Darren na alagaan ang kapatid niya.
"Thank you," sabi lamang niya.
"So, how's your job, Kayla?" pagkuwan ay tanong ng ginang.
"Okay lang po. After ng importanteng seminar ay nabigyan ako ng two days off," tugon niya.
"That's good for you. You can spend your long vacation with my family. Huwag puro trabaho. Plano naming mag-anak na magbakasyon this weekend sa Pangasinan, doon sa lugar ng parents ko. Since may parents gone, our farmland is now our mini resort. Private ang resort na iyon at exclusive lang sa pamilya namin. Hindi ko talaga ibinenta iyon. Good thing, I'm the only daughter of my parents so wala akong kaagaw," kuwento ng ginang.
"Sounds interesting. I'd like to come with you but..."
"No excuses, hija. Please, take a break," apila nito.
Bumuga siya ng malalim na hininga. "Thank you. I appreciate your kindness for us, Tita Darla, but I think it's too munch. Sapat na para sa akin na tinanggap ninyo ang kapatid ko," sabi niya.
"Come on, hija, you belong with us too. We are family here. It's not about Karla and her baby. Two of you, I want to be officially part of my family," anito.
BINABASA MO ANG
Captivated (Complete)
Narrativa generaleThe stories compose of three books. These are the stories of three young professionals who are knowledgeable in sexuality studies. But behind their being experts, they are virgin. It means, they don't have sexual experience. Yes, that was the inter...