NAGISING si Kayla dahil sa walang tigil na busina ng sasakyan. Rinig niya iyon hanggang kuwarto dahil nakabukas lang ang bintana niya. Bumalikwas siya ng bangon nang malamang alas-otso na ng umaga. Palibhasa Sabado at wala siyang pasok sa trabaho. Bihira siya nagkakaroon ng duty tuwing Sabado. Naalala niya, pupunta pala siya sa ospital. Pero ang sabi ni Damian ay alas-diyes pa ng umaga ang schedule nila sa doktor.
Puting T-shirt at pajama lang ang suot niya. Nagsuot siya ng bra bago lumabas. Nakita na niya sa binatana pa lang ang kotse ni Damian na nambubulahaw. Nagmumog lang siya saka lumabas ng bahay. Malalaki ang hakbang na tinungo niya ang gate. Kaagad namang lumabas ang binata. Nakasuot ito ng puting polo-shirt at bughaw na pantalong maong. Bughaw ring robber shoes ang sapin nito sa mga paa. Nakasuot ito ng black-rimmed eyeglasses.
"Good morning, darling!" nakangiting bati nito habang palapit sa kanya.
Saktong nabuksan niya ang maliit na gate. Namaywang siya. "You're so early. Natutulog pa ang mga tao," naniningkit ang mga matang sabi niya.
"Oh? It's eight o'clock in the morning. I told you, we need to go early. Akala ko ba military time ang sinusunod mo? Bawal ang late sa military, may punishment," anito habang pilyo ang ngiti.
"We're not in military. Tulog pa nga si Karla. Ni hindi pa ako nakakapagluto ng almusal."
"Of course, hindi ka pa naliligo. Don't worry, akong bahala sa breakfast ninyo. Papasukin mo na ako. Gisingin mo si Karla at maligo na kayo."
"Wait, bakit ikaw lang?" pagkuwan ay tanong niya nang mapansing wala si Darren.
"May pasok si Darren ngayong umaga pero nangako siya na susunod siya. Huwag kang mag-alala, tiniyak kong makakahabol siya. Hanggang alas-diyes lang naman ang pasok niya."
"Dapat lang. Aasahan kong darating siya bago humarap sa doktor si Kayla," paniniguro niya.
"Sure. So, would you like to invite me in?" pagkuwan ay sabi nito.
Pinapasok naman niya ito. Deretso ang tuloy nito sa loob ng bahay. Feel at home ang mokong. Talagang seryoso ito sa sinabi na ito ang bahala sa almusal. Nakialam ito sa kusina. Nakatayo lamang siya sa bukana ng pinto habang pinagmamasdan itong naghahalungkat sa refrigerator.
"Oh, huwag kang tumayo lang diyan. Gisingin mo na si Karla. Maligo na kayo. Magluluto lang ako ng breakfast ninyo," sabi nito nang mapansin siya.
Bumuntong-hininga siya. Iniwan na lamang niya ito. Pinuntahan na niya si Karla. Mabuti nagising na ito.
"Maligo ka na, nariyan na si Damian," sabi niya.
"Ang aga naman niya. Alas-diyes pa 'di ba?" reklamo nito na halos ayaw kumilos. Nakaupo lang ito sa kama.
"Hayaan mo na. Okay nga iyon para hindi tayo mahuli. Malamang traffic mamaya."
"Tsk! Nagugutom pa naman ako," angal nito saka tumayo.
"Nagluluto na ng almusal natin si Damian."
"He do?" nanlalaki ang mga matang sabi ni Karla.
"Yes. Nagpapakabayani ang lalaking 'yon."
Nanunukso ang ngiti ni Karla. "Hm, obviously, he does it for you. Imagine how lucky you are to have a husband like him? Perfect," tudyo pa nito.
"Tumigil ka nga. Maligo ka na." Tinalikuran niya ito.
Nagtungo na siya sa banyo ng kanyang kuwarto at naligo. Habang nagsasabon ng katawan ay naisip niya ang sinabi ni Karla tungkol kay Damian. Bihira nga naman ang katulad ni Damian na feeling kabisado ang buhay ng iba. He cares someone even he doesn't know better. He was natural and obviously cheerful. Damian was a rare human being and she wast impressed.
BINABASA MO ANG
Captivated (Complete)
General FictionThe stories compose of three books. These are the stories of three young professionals who are knowledgeable in sexuality studies. But behind their being experts, they are virgin. It means, they don't have sexual experience. Yes, that was the inter...
