Chapter Seventeen

4.3K 178 4
                                        


SERYOSO talaga si Damian na samahan sa ospital si Kayla. Nang makuha ang result ng urinalysis niya ay kaagad silang nagtungo sa tangapan ni Dr. Scott. Saktong huling pasyente na lang ang inaasikaso nito. Special daw ang appointment nila at siya ang huling pasyente bago mag-out si Dr. Scott.

Paglabas ng huling pasyente ay ibinigay na ng dalaga ang result ng urinalysis niya sa batang doktor. Umupo siya sa silyang katapat ng mesa nito. Umupo rin si Damian sa katapat niyang silya.

"Matagal ka atang nakabalik," sabi ni Dr. Scott habang tinitingnan ang urinalysis result.

"May seminar po kasi ako sa Baguio ng one week," sagot niya.

"Okay. Base sa result, you're not pregnant and there's no infection, it's normal," pagkuwan ay paliwanag nito tungkol sa result ng test.

"But sometimes I have a heavy period and it's painful. Minsan sobrang tagal ng delay," aniya.

"If you're not taking any birth control pills, maybe the causes was the high level of estrogen or hormonal imbalance."

"Posible po kayang magkaroon ako ng PCOS or cyst? May katrabaho kasi ako na tinubuan ng cyst sa matris at ang sinabi niyang sintomas ay minsan ko ring nararamdaman."

"That was possible. Ano ba ang nararamdaman mo, I mean nakakaranas ka ba ng abdominal pain na nagla-last at nawawala?"

"Yes, minsan."

"So, if cyst develops, you may feel discomfort and it's painful during your sexual activity and you will notice abdominal pain na maaring kumalat ang sakit sa balakang at hita. Mapapansin mo rin ang unti-unting paglaki ng puson na parang buntis."

Kinapa niya ang kanyang puson. Pagkuwan ay tumitig siya kay Damian na tahimik pero biglang sumingit sa usapan.

"Paanong pain during sexual activity, Ethan?" curious na tanong nito sa kaibigan.

"When the pines touch the cystic part of the wall of ovary, it was painful for a woman. Para malaman natin kung merong tumubong cyst, we will do the ultra-vagina test, which is mag-e-insert tayo ng camera inside to take some picture of the ovary wall," paliwanag ni Ethan.

"I think Kayla don't have a cyst," ani Damian.

"How do you sure?" mapanuksong usig ni Ethan.

"She didn't hurt."

Tinadyakan ni Kayla ang binti ni Damian. Awtomatikong nabaling sa kanya ang tingin nito. Pinaglakihan niya ito ng mga mata.

"Huwag mong ipilit na may tumubong kung ano sa matris mo. Walang ganun, I feel it," walang gatol na sabi nito.

Natawa si Ethan. "Ayaw mo ba ng ultra-vagina test, Damian?" anito.

Hindi nakakibo si Damian.

"Gusto ko, Doc. Gusto kong matiyak na ligtas ang matris ko," ani Kayla.

"No!" protesta ni Damian.

Tinadyakan na naman niya ito sa binti. "Sira-ulo 'to. Ano ba ang problema mo?" aniya.

"Kuwan, kasi, makikita ni Doc.," alibi nito.

"Eh ano? Natural, makikita niya. Dorktor siya, eh at alangang pipikit siya habang ginagawa ang test."

Marahas na tumayo si Damian. "Kung sa bagay, wala pala akong karapatan. Ethan, ah, binabalaan kita," pagkuwan ay sabi nito.

Natawa lang si Ethan. "Mas magtitiwala sa akin si Kayla kaysa sa 'yo. Don't worry, I'm immune. So, let's start," anito saka tumayo.

Captivated (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon